Chapter 19
Tahimik akong pumasok ng unit ko at halos wala talagang maririnig na humahakbang. Isang gabi lang akong nakitulog kila Justin dahil bigla akong nakaramdam ng hiya. Kala mo sarili kong bahay, di rin naman ako makatulog. Ikaw ba naman ang makituloy at sasabihan ka ng best friend mo na “Bukas umuwi ka na ha? Pinagbigyan lang kita”. Oh diba? Sarap ding pektusan pag lagi kang sinusumbatan ng ganun. Isang araw lang akong nawala, baka mamaya nandito pa si kuya. Baka mamaya hindi yun umuwi at hinintay ako, mas maganda nang alerto. Dahan-dahan kong sinara yung pinto at tahimik na dumiretso sa kwarto ko--
“San ka galing?” narinig kong tanong ng lalaking malapit sa hallway.
“Ah-eh…” Naku, anong sasabihin ko? Nakakatakot pa naman magalit si kuya. Pero teka nga may tonsil ba si kuya? Iba kasi boses niya eh. Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses kaya ayun nagbago ang ekspresyon ko.
“Makatanong ka? Kala mo unit mo ‘to ah?” Maangas kong tanong. Unit ko ‘to eh, kala mo kanya.
Lakas pa ng loob rumampa sa unit ko ng naka-tuwalya. Dito pa talaga sa sala eh, bagong ligo… Wet look!! So lagi kapag umuuwi ako kailangan ganyan ayos niya? Pansin ko lang kasi lagi eh. Minsan tuloy di ko naiiwasang mag-isip kung ano ba pinaggagawa nito pag wala ako sa unit ko. Pasalamat siya hindi ako katulad ng ibang babaeng may pagnanasa sa kanya.
“Tinatanong ko lang, ikaw kung san san ka nagpupupunta ha” sabi niya sakin
“Pakelam mo ba? Tsaka diba sinabihan kitang wag ka uuwi dito?” Naiinis na sabi ko
“Wala kang pakelam kung umuwi ako o hindi dito” sabi niya, kapal talaga ng loob
“Dumating ako dito ng walang sabi-sabi, kaya aalis rin ako ng walang pasabi” dugtong pa niya, ayan tuloy parang may kumurot sa loob ko.
“Bahala ka nga, may pumunta ba dito kahapon?” Kinakabahang tanong ko, nag-isip siya ng konti bago sumagot.
“Wala ata, bakit?” curious na sagot niya, teka lang parang may napansin ata ako.
“Hoy bakit?” kinakabahang tanong niya
“Wag ka ngang umatras, may napansin lang ako eh” sabi ko sa kanya, habang nilalapit ko yung mukha ko sa kanya.
“Lumayo ka nga, baka mamaya halayin mo ko” sabi ba naman
“Huwag kang mangarap, may titignan lang naman ako eh” sagot ko habang tumitingkayad papalapit sa kanya, kapal nito kasalanan niya kung ganun. Rumampa ba naman ng nakatuwalya.
“Ano ba kasi yun?” naiinip na tanong niya habang nililiyad niya yung mukha niya at ako naman inaangat ko yung kamay ko sa mukha niya
“Sandali na lang” Hinawakan ko siya sa pisngi para maging steady yung mukha niya at mas lalo ko pang nilapit yung mukha ko. Siya naman halatang di mapakali habang iniiwas yung tingin.
“Make-up ba yang nasa mata mo?” nagtataka kong tanong habang dinidiinan yung mata niya.
“Masakit ha!!” naiinis na sabi niya sabay bawi ng ulo. Masakit ba yun? Parang may binubura lang.
“Uy, make-up ba yun?” nagtataka kong tanong
“Kita mong kakaligo ko lang, tapos tatanungin mo kung may make-up ako. Ano ako bakla?”
“Nakipag-away ka no?” tanong ko
“Hindi no” sabi niya habang umiiwas ng tingin
“Hindi… wag mo nga akong pinagloloko. Halata naman eh!!” sabi ko sa kanya
BINABASA MO ANG
Gangster vs Cassanova
Teen Fiction[ C O M P L E T E D / F I N I S H E D ~ ] A story about a girl's struggle of love between two guys. Who will she choose if one needs her and she needs the other? Will it be her Cassanova Bestfriend or the Mysterious Gangster. Remember: This is one...