Chapter Fourteen

8.2K 160 6
                                    

Chapter 14

Justin’s POV
Lumabas na yung mayabang na Liardo sa classroom namin. Pagkatapos niyang maliitin ang IT, kala niya siguro makakalabas siya sa department na ‘to ng buo. Lumabas nga siya ng buo sa classroom namin pero pisikal lang, dahil durog na durog na pride niya.

 

“Okay-Okay, settle down” awat ng prof. namin. Syempre dahil mababait ang IT. Eh nanahimik na kami. Tinignan ko si Ysabella, parang nabo-boringan siya ngayong period.

 

“Ahem, tulad nga ng sinabi ko kanina may bago tayong makakasama ngayon. Blah blah blah...” hindi ko na alam yung mga ilan pang sinabi ni Mam. Kay Ysabella kasi ako nakafocus eh. Syempre hindi rin ako nagpapahalata sa mga kablock namin, mabalingan pa ng galit si Ysay kapag nangyari yun.

 

“Hay, antukin ka talaga” mahina kong sabi na sigurado naman ako na hindi niya narinig.

 

Tumingin ako sa paligid ko. Medyo wala namang nakatingin sakin, lahat kasi nakafocus kay mam. Sinamantala ko na yung pagkakataon na walang nakakapansin sakin, kaya pasimple kong hinawakan sa ulo si Ysay. Yung tipong pat lang sa ulo habang nakatingin ako sa ibang direksyon.

 

“As i said, id like you to meet Mr. Mangila” sabi ni mam, tapos pumasok na yung transferee.

 

Nung pumasok yung transferee, automatic na nabigla yung mga kaklase ko. Kung gising kaya ‘tong katabi ko. Magugulat din kaya siya?

 

“Oh my Gosh!!” sabi nung babae sa likod namin ni Ysay

 

“Hottie, alert” bulong nung isa sa kaibigan niya

 

“Pandagdag sa collection” kilig na kilig na sabi ng isa

 

Pssh, mas gwapo ko dun. Ako parin ang mas sikat dito, di nga ata marunong ngumiti yung transferee eh. Masungit ata sa mga babae, syempre ako pa din ang favorite ng mga babae, mabait kaya ako sa kanila.

 

“Class, his Jerome Mackenzie Mangila” pakilala ni mam

 

“Jerome Mackenzie Mangila, nice to meet you” matipid na sabi nung Jerome tapos kina-usap siya ni Ma'am.

 

“Sige pwede ka nang maupo” sabi ni Mam, nakita ko naman na parang may hinahanap siya sa classroom. Naghahanap siguro ng upuan.

 

“Umalis ka dyan” narinig kong sabi nung isang babae malapit samin

 

“Dito ako nakaupo eh” sagot nung lalaki sa kanya

 

“So? May bakante sa likod” mataray na sabi nung babae. Ito lang problema sa mga babae, nandyan na nga naghahanap pa ng iba. Makatulak pa kala mo binili niya yung pwesto.

 

“Nakakabadtrip naman” reklamo nung kaklase ko habang pakamot-kamot na pumunta sa likuran. Bakit di nalang yung Jerome ang umupo sa likod? Lima pa bakante dun ha.

Gangster vs CassanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon