Chapter Five

11.2K 202 16
                                    

Chapter 5

Justin's POV
"Oh Justin… bakit parang malungkot ka ata?"

"Bakit luging-lugi yang mukha mo? Walang lalapit na babae pag ganyan ka"

"Bumagsak ka ba sa exam?"

"Ay teka, wala ka naman palang pakelam kung bumagsak ka dun o hindi eh"

Ang ingay talaga ng mga kaibigan ko. Sa tingin ko di na talaga mapinta yung mukha ko sa kalungkutan base sa mga comment ng barkada ko. Si Ysebella naman kasi eh. Babalik-balik sa school tapos biglang magsasabi ng kung ano-ano.

2 hous ago

*~May tumatawag Pogi, May Tumatawag~*   Ringtone talaga ng phone ko 'to. Pogi ako eh

 

"Hello?"

 

[Justin, ikaw na mag-isa umuwi ha] si Ysabella

 

"Bakit? May lakad ka?"

 

[Uhmm… oo? Sige na]

 

*toot toot toot*

Ba’t kaya ayaw niyang sumabay mamaya? Iniiwasan niya ba ko? Bitter pa rin siya sa nangyari kaninang umaga. Di lang inuwi kala mo naman first time niyang matulog kasama ako. Hindi kaya… nagcutting yun? Malapit na mag-lunch text ko kaya siya. Kawawa naman yun di pa kumakain simula kagabi. Puntahan ko kaya siya mamaya?

Naglakad nako papuntang cafeteria mukhang masaya ata ngayong araw. Kitang-kita kasi na nag-eenjoy yung mga studyante sa mga pinapanood nila sa mga cellphone, iphone, at tablet nila. Nacu-curious tuloy ako, ang daya ba’t ako di nila pinasahan? Lumabas ako sa cafeteria at naglakad-lakad sa hallway.

 

"Thank you, thank you, thank you talaga"

 

"Oo alam ko na yun kaya pwede bang umalis ka na" ang ingay talaga ngayong araw, sino nanaman ba ang nag-eeskandalo ngayon?

 

"Ysabella, thank you sa kanina. I should give you something in return." Ysabella? Si Ysay yung gumagawa yung nageeskandalo... parang hindi kapanipaniwala. Na-aalala ko kapag lagi niyang sinasabi na hindi daw pwede malaman yung pagkakaibigan namin dahil masisira image niya tapos kung ano-anong gulo ginagawa niya ngayon. Bahala na siya basta wag siya lalapit-lapit sakin kapag nasira siya dito sa school ha.

 

Ilang minuto lang ay may narinig akong tumawag sa pangalan ko. "Justin!"

 

"Oh Ysabella" sabi na eh lalapit-lapit sakin pagkatapos niya mapahiya. Bahala siya, kahit magmaka-awa siya di ko siya tutulungan diyan.

 

"Ysabella, pasensya na pero di kita matutu--"

 

"Ayoko nang makipagkita pa sayo" ano daw?

 

"Oy! Ysay kung ito yung tungkol sa kaninang umaga. Di ko na talaga uulitin yun" grabe para kaming nasa palabas sa kadramahan niya ha.  Yung mga tao tumitingin samin habang nagchi-chismisan.

Gangster vs CassanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon