Chapter ThirtyFour

5K 98 14
                                    

Chapter 34

a/n:Hahaha, ngayon lang ulit nagUpdate… nawawalan madalas sa mood magsulat dahil sa bagal ng internet ko >.< Pakiramdam ko nagmumukhang komplikado sinusulat ko dahil sa mga di kumpletong paliwanag eh. Sorry kung ganun guys, alam na kasi… baguhan lang sa pagsusulat kaya ganito [Dedicated kay StellaSanVictores, ito na po ang UD ko :D]

-FanTOP-

“Number 3, naging kami ni Stephanie” pagputol niya sa sinabi ko, pakiramdam ko tumigil sa pagtibok yung puso ko

“Tignan mo, puro joke lang talaga yung sinasabi mo” sabi ko habang pilit na natatawa

“Nakakatawa diba?” natatawang tanong niya

“Nakakainis yung mga joke mo” nanggigigil na sabi ko sa kanya habang hinahampas siya

“Hmmm… Nakakainis nga” mahinang sabi niya habang hinuhuli yung kamay kong humahampas sa kanya

Patuloy lang ako sa paghampas sa kanya habang pilit naman niyang tinatanggap yung mga hampas ko. Umiiyak at tahimik ko lang siyang hinahampas hanggang sa hinawakan na ni Justin yung magkabila kong braso. Pinilit ko pang kumawala nung una pero yumuko na lang ako sa may dibdib niya nung napagod ako.

“Hindi ako magagalit sa mga nagawa mo dati” sabi ko habang pinipigilan kong tumulo yung mga luha ko

“Okay lang…” mahinang sabi ko habang umiiyak 

“Okay lang?” nagtatakang pero malungkot na tanong sakin ni Justin

“Wala naman akong magagawa eh” kahit na ba magselos ako, wala naman akong magagawa para mabago yung nangyari na dati.

Umiyak lang ako magdamag sa byahe habang si Justin naman ay tahimik lang. Bumaba na rin kami ng bus pero hindi na rin natuloy yung balak naming gawin ng araw nayun. Sino ba naman ang sisipaging umalis kung ganun na yung nangyari. Tahimik lang kaming nakaupo sa isang upuan pagbaba namin. Tahimik lang at parang wala kaming balak pag-usapan yung nangyari. Di nagtagal sumandal lang ako sa balikat niya at napabuntong hininga, gusto ko lang ilabas lahat ng nararamdaman ko.

“Justin…” pagtawag ko pero tahimik lang siya na para bang iniintay yung sasabihin ko.

"Naalala mo pa ba yung bet natin nung nagpustahan tayo sa inyo?" casual na tanong ko sa kanya

"Hanggang ngayon hindi ko parin nagagamit yung reward sa usapan nating yun... and I think I'm gonna use it now" dugtong ko

“Ano kaya kung magbreak na lang tayo…” sabi ko na parang nagbibigay lang ako ng opinion, dahil sa sinabi ko biglang natahimik nanaman yung paligid namin. This is for the best...

Gangster vs CassanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon