Epilogue~

8.6K 189 71
                                    

Final Chapter: EPILOGUE

 

 

a/n: Sa wakas at natapos ko na din isulat ang GVC. I hope contented kayo sa ending and thank you sa mga nag-aantay ng UD ko super natatatas ako hahaha. Sana kung sisipagin mapublish ko yung ibang mga Jiyeon stories na nasa utak at drafts ko. Thank you ulit guys and happy sembreak. Jaa~ <3 [Dedicated to all my Readers, Sorry sa long awaited UD na to at lagpas 2years ko na natapos ang GVC :3]

-FanTOP-

Pagkaalis ko ng ospital dumiretso na agad ako dun sa napag-usapan naming lugar ni Justin. It’s true that I do have things I need to think about. I should just move forward and stop pretending that there’s nothing wrong. Sorry Jerome kung kailangan mo pang sabihin lahat yun sakin para matauhan ako. And thank you dahil kung hindi dahil dun hindi ko din malalaman kung ano ba talaga yung tunay na nararamdaman ko.

“Ysay!” bungad agad sakin ni Justin pagkakita niya agad sakin sa café.

“Dun tayo sa park?” yaya niya sakin, teka akala ko ba ditto kami sa café mag-uusap?

“Sandali lang ako Justin may gusto lang akong sabihin” sabi ko sa kanya

“Kaya nga sa dun tayo eh para mas private yung pag-uusap” paliwanag niya kaya wala na lang ako nagawa at sumunod sa kanya… hanggang ngayon siya nanaman ata ang masusunod.


“Nagkita na siguro si Justin at Ysabella ngayon” bulong ni Seven nang mapatingin siya sa orasan pero hindi na lang pinansin ni Jerome ang sinabi ng kaibigan, halos mag-iisang oras na ang lumipas nung umalis si Ysabella sa ospital.

“Ayos lang ba talaga sayo to Rome?” nag-aalalang tanong sa kanya ni Seven

“It’s fine, it’s the best ending for everyone…” kalmadong sagot nito habang paulit ulit na pinaglalaruan yung kahon na pinaglagyan nung kwintas.

“Kahit ang martir nasasaktan din pare” sabi ni Seven

“Ano ba kasi talagang nasa isip mo at hindi mo na lang agad sinabi sa kanya yung totoo?” naiiritang tanong nito

“Tinago ko lang naman ang lahat kasi gusto kong mas makilala niya ko” paliwanag ni Jerome

“Ayokong makilala niya lang ako bilang isang lalaki na pinapakasal sa kanya ng magulang niya. Gusto ko pumayag siya sa engagement kasi gusto niya rin ako at hindi dahil sa napilit lang siya no.” Dugtong pa nito na nakapagsagot sa tanong ni Seven.

“Alam mo minsan ang korni na ng mga lumalabas sa bibig mo” pag-aasar na lang ni Seven para mapatawa ang kaibigan

“I guess that just shows how much I love her” nakangiti namang sagot niya.


Gangster vs CassanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon