Chapter TwentyOne

6.7K 132 4
                                    

Chapter 21

“Hayy…” sabay na buntong hininga namin ni Justin.

“Anong problema mo?” tanong niya sakin

“Wala” pagkaila ko

“Eh ikaw? Problema mo?” tanong ko

“Wala din, medyo may iniisip lang” matamlay na sabi niya kaya naman nacurious ako

“Sila ate kasi eh, di ko alam kung niloloko ako o hindi” dugtong pa niya

“Tungkol saan?” tanong ko atsaka niya ako tinignan ng mataman

“Nag-usap kami kagabi nung tulog ka na. Nagulat ako nung sabihin ni ate na ikakasal na daw ako” sabi niya kaya naman nagulat ako

“Ha?! Nakabuntis ka no?” gulat at mapang-asar kong tanong

“Hindi no!!” pagkaila niya

“Eh bakit?” naguguluhan kong tanong

“Ewan ko. Bet daw ni papa eh” sagot niya sabay shrugged ng balikat

“Ang taray ha. May pinagmanahan ka pala” sabi ko

“Seryoso ‘to” desperadog sabi niya

“Grabe… hindi ko alam na totoo pala yang mga fixed marriage na yan” sabi niya kaya naman napabuntong hininga ako.

“You don’t know the half of it” sarcastic na sabi ko

“Problemado ka naman masyado” sabi ko pa

“Joke lang yun, bakit mayaman ba kayo para i-arranged ka?” tanong ko sa kanya

“Ang sakit mo naman magsalita!! Makapagtanong ng mayaman sakin kala mo naman ang hirap hirap ko” pagrereklamo niya

“May pinapatakbo rin kaming kumpanya no, hindi nga lang kasinlaki ng inyo” depensa pa niya

“Ha? Sinong mayaman? Ako? Kita mo ngang nagtatrabaho din ako” painosenteng sagot ko, nagtawanan lang kami hanggang sa may sumingit sa tawanan at usapan namin.

“Justin mag-on ba talaga kayo?” kinakabahang tanong ni Jena, classmate namin. Wala naman kaming nasagot, instead eh nagtinginan lang kami ni Justin.

“Bwahahaha!!” tawa namin ni Justin kaya naman mukhang tangang nabigla si Jena, labas ang pagka-kalog namin ni Justin dito ha.

“Magbestfriend kami” sagot ni Justin sabay patong ng dalawa niyang kamay sa magkabilang balikat ko.

“Bestfriends? S-since when?…” malungkot na tanong ni Jena samin

“I don’t know, high school… maybe?” sagot ko kaya nagulat yung barkada niya.

Kung sabagay, sino ba naman ang hindi mabibigla kung ang dalawang taong halos hindi naman madalas mag-usap ay naghaharutan ngayon sa harapan nila at umaaming magbestfriend pala. “Pfft… Bwahahaha!!” biglang tawa ulit namin pagka-alis ni Jena.

“Oo nga pala… sinong nanalo sa bet” curious na tanong ko

“Syempre ako, kita mong palibot parin sakin ang mga babae oh” pagyayabang niya

“Ano ka dyan? Talo ka na, kita mong expired na yang limited edition mo oh” sabi ko habang hinahawakan yung buhok niya. Balik na sa dati eh…brownish blonde.

“Tss, wag mo naman hatakin. Bagong kulay lang eh” reklamo niya habang nilalayo yung kamay ko

“Kaya pala may sabit yung buhok mo” sabi ko habang hinahabol yung buhok niya habang umiiwas naman siya

Gangster vs CassanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon