Chapter 9
"She's my girlfriend so hands off"
"She's my girlfriend so hands off"
"She's my girlfriend so hands off"
Paulit-ulit na sinasabi yung phrase na yun sa ulo ko. Nababaliw na ba siya? Ako girlfriend niya? hahahaha, masyado lang patawa. Pagkatapos niyang sabihin yun basta-basta na lang nanghahatak ng braso. Ang sakit kaya, feel ko nakatali yung kamay ko sa sakit. Sa sobrang lalim ng iniisip ko di ko tuloy magawang tawanan ang sitwasyon namin ngayon. Nakasakay na kami sa roller coaster at inaantay na lang na mapuno yung mga seats. Medyo maganda ang mood ko, hindi dahil sa sinabi niyang girlfriend niya ko, kundi dahil sa nangyayari sa kanya ngayon. Pano ba naman kung lilingon ako makikita ko siya na napaka-stiff sa tabi ko. Halatang takot talaga sa roller coaster, hahaha. Nilabas ko yung oh-so brand new cell phone ko, kailangang picturan ang moment na 'to. Napakapriceless ng mukha ng katabi ko.
"Macks, say cheese" sabi ko habang nakangiti sa kanya na halatang nangti-trip.
"Tumigil ka nga. Tsaka anong Macks? kanina mo pa ko tinatawag niyan ha" sabi niya habang binababa yung kamay ko
"Bakit Mack naman pangalan mo diba? Pinaganda ko lang ngayon kaya Macks. Cheese" sabi ko at saka ko siya pinituran. Nakakainis nga lang dahil blurred yung picture magalaw kasi eh.
"Anong Mack? Baka Mackenzie"
"Pareho nayun. Mack, Macks, Mackenzie what's the difference?"
"Hindi ako sanay na may tumatawag ng Mackenzie sakin, Jerome’s fine" suggest niya, Ang tagal naman umandar nito.
"Ha? Sino si Jerome?" inosenteng tanong ko
"Hindi ka ba nakikinig? Ako nga yun" banas na sagot niya.
"Pikon" bulong ko, niloloko ko lang naman siya eh… kahit na nakalimutan ko talaga yung pangalan niya
“Mas type ko yung Macks” parinig ko sa kanya. “Ano ako candy?” pikon na sabi niya pero hindi na ko nagreact nung nagsimula nang umandar yung rollecoaster.
"Ayan na" dugtong ko na halatang nasasabik. Tumingin naman ako kay Jerome, ano ba yan di pa nga mabilis ang andar nakapikit na agad. Talo pa kong babae jusko.
"Wag ka ngang magpakaduwag, di pa nga mabilis ang takbo oh" reklamo ko, kaso di sumagot tapos bigla nalang hinwakan yung isa kong kamay
"Hoy! ano ba tingin mo sa kamay ko? kapitan? Chansing, may seatbelt ka oh" sabi ko habang tinutiro yung seatbelt niya.
"Please, ngayon lang" bulong niya, pero maririnig mo parin. Kawawa naman 'to siguro natrauma nung bata.
"B-bahala ka nga, basta wag mahigpit ha" sabi ko at pagkatapos nun bigla-bigla nalang bumababa yung rollercoaster.
"AHHHHHHHHHHHHHHHH!!" sigaw ng lahat ng nakasakay, pakiramdam ko naiwan sa tuktok yung puso ko.
"Hahahaha, grabe kung nakita mo lang yung ekspresyon mo." tawa ko kay Jerome. Nakababa na kami ng rollercoaster, nagpapahinga kami ngayon sa pinakamalapit na bench dito. Nakakaawa naman siya, pagdilat ko kasi pagkatapos tumigil nung rollercoaster napansin kong dilat na dilat yung mata niya.
"Para kang nakakita ng multo! Hahahaha" tawa ko pa. Si Jerome naman nakasandal at nakatingala yung ulo sa bench. Halatang napagod dun, baka mamaya sumuka ‘to.
"Oy! Okay ka lang ba?" tanong ko sa kanya
"Mukha ba?" sarkastikong tanong niya habang nakapikit.
"Nagmamagandang loob na nga, sinungitan pa" sabi ko sa sarili ko
"Okay lang ako" sagot naman niya
BINABASA MO ANG
Gangster vs Cassanova
Teen Fiction[ C O M P L E T E D / F I N I S H E D ~ ] A story about a girl's struggle of love between two guys. Who will she choose if one needs her and she needs the other? Will it be her Cassanova Bestfriend or the Mysterious Gangster. Remember: This is one...