Chapter Forty

6.8K 110 7
                                    

Chapter 40

a/n: Salamat sa sembreak at nakapagUD din. Pasensya nap o sa pagiging busy at ngayon na lang nakapagUD... nakakaTouch at meron palang nag-aantay ng UD ko thank you

-FanTOP-


Nagising na lang ako nang maramdaman ko na may humahawi sa buhok ko. Dahan dahan kong dinilat yung mga mata ko habang hinawakan ko naman yung kamay na nakapatong kanina sa ulo ko.

"Sorry nagising ata kita" nakangiting sabi ni Jerome habang konukusot ko yung mata ko. Dito na ko natulog at nagbantay kay Jerome simula nung sabihin sakin ni Seven na ako na daw ang magpabalik ng memorya niya.

"Okay lang, kanina ka pa ba gising? Gusto mo ng pagkain?" tanong ko habang kumukuha ng pagkain sa bedside table nang bigla kong matamaan yung isa sa mga regalong nakapatong dun.

"Dinala yan kanina ni Seven baka daw sakaling may maalala ako sa mga dinala niya" paliwanag niya, kahit ako nagtataka kung ano meron bakit andami regalo sa kwarto niya.

"May naaalala ka naman ba sa mga 'to?" tanong ko habang pinapakita sa kanya yung nalaglag ko kaninang regalo. Napansin ko naman na medyo kumunot yung noo niya pero bumalik lang din sa dating expression.

Kinuha niya sa kamay ko yung maliit na box, pinaglalaruan lang niya parang pinag-iisipan kung bubuksan o hindi. Pero sandali lang nun nang napag-isipan na niyang buksan at nakita naming na kwintas yung laman nun.

"May naaalala ka na ba?" tanong ko ulit habang pinapakita sa kanya yung kwintas na laman nung regalo, hindi siya nagsalita at kinuha niya lang yung kwintas habang tinatapik yung kama para tumabi ako sa kanya.

"Ano meron ba?" kinakabahang tanong ko pero payakap niya lang na kinabit yung kwintas sa leeg ko. Nakalimutan narin ba magsalita ng lalaking to?

"Bakit sakin mo sinusuot?" nagtatakang tanong ko habang kinakabit niya yung kwintas sa leeg ko.

"Wag kang magulo" sabi niya kaya tumahimik ako habang siya hindi rin nagsasalita ng biglang nagring yung phone ko. Tinignan ko kung sino ying tumatawag at si Justin yun.

"Wrong timing naman oh" bulong ko sa sarili ko, sasagutin ko ba? Baka ano isipin ni Jerome, pero di rin naman niya naalala si Justin eh... bahala na nga.

"Hello?" sinagot ko yung tawag habang kinakabit parin ni Jerome yung kwintas sakin.

[Papa-alala ko lang sayo, aantayin kita dito sa cafe na pinapasukan mo]

"Ha? Wala naman akong sinabi na pumapayag ako ah" nagtatakang tanong ko, ang lakas talaga ng loob ng halimaw na to.

[Hindi ko naman kailangan ng permiso mo, ang sabi ko lang mag-aantay ako ikaw na bahala kung gusto mo magpakita o hindi] pagmamatigas niya at binabaan na ko.

"Hehe, wrong number--" Magdadahilan na sana ko pero nagulat na lang ako nang bigla niya kong niyakap. Magsasalita pa sana ko pero bigla niya kong inunahan.

"Don't say anything" malungkot na bulong niya habang mas lalo niyang hinigpitan yung yakap sakin.

"Teka... Bumalik na ba yung memorya mo?" hindi makapaniwalang tanong ko pero hindi niya ko pinansin at mas hinigpitan lang niya yung yakap sakin.

"Sorry, nagsinungaling ako..." sabi niya

"I wouldn't forget about you even if I want too you know" mahinang sabi niya,  yayakapin ko sana siya pabalik pero bigla niyang niluwagan yung pagkakayakap sakin at hinawakan ako sa magkabilang balikat.

Gangster vs CassanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon