Chapter Twenty

6.7K 113 10
                                    

Chapter 20

“Bakit ba ayaw mong maniwala?!” galit na sabi ko kay kuya habang padabog na pumasok sa loob ng bahay na ‘to.

“I did Ysabel. I did” madiin na sagot niya sakin

“Pero hindi mo ako masisisi, kung bakit ganito ako mag-isip ngayon” dugtong pa niya

“Sinabi na sakin ni tito ang nangyari sa school. I didn’t believe it at first kaya hindi kita pinuntahan kahapon but now…” tumigil si kuya sa pagsasalita at napalitan ito ng buntong hininga. Frustrated na ata? Ako din naman eh, nagagalit na.

“Ngayon sabihin mo sakin Ysabel. Bakit nga ba ganito ako mag-isip ngayon” sabi pa niya

“Okay, im sorry kung pinag-alala kita about sa school. But trust me kuya, wala akong ginagawang masama” paliwanag ko sa kanya sabay pabagsak kong upo sa single sofa. It’s a good thing na walang tao dito. Walang pinagbago dito.

“Kung gusto mong alamin yung nangyari sa school, then sasabihin ko sayo. I was on my way home from work then--” hindi ko natapos ang paliwanag ko ng putulin ni kuya ang paliwang ko.

“Wait what?! So your working now? Bakit hindi mo sinabi sakin?” sunod-sunod na tanong niya.

“Because I know you’ll act this way” desperadong sagot ko, lagi naman kasing ganyan eh. Kailangan may approval bago ko gawin.

“Sabihin mo nga sakin Ysabel. Kulang pa ba yung binibigay ko sayo?” hindi makapaniwalang tanong niya

“Hindi naman sa ganun. Gusto ko lang namang maging independent kahit minsan” paliwanag ko.

“Ayun lang yun. Other than that, wala na akong nililihim sayo” dugtong ko pa

“Kung wala then, ipaliwanag mo nga sakin kung sino yung lalaki sa unit mo?” makahulugang tanong niya.

“A friend” matipid na sagot ko sabay shrugged

“A friend? Don’t fool me Ysabel” naiinis na sabi niya

“Ano bang gusto mong sabihin ko kuya?” sukong tanong ko

“Yung totoo” madiing sagot niya

“Arrggh!! Kaibigan ko nga eh” nababanas na sagot ko. Kahit kelan ka talaga kuya. Hindi ka parin talaga marunong makinig.

“Wala pa akong nakitang magkaibigan na ganun” sabi niya habang tumitingin sa ibang direksyon

“Aksidente ang nangyari nung maabutan mo kaming ganun!!” depensa ko

“Wow!! What a great coincidence. Nakita ko kayo sa ganoong position, not to mention na nakatuwalya lang pala yung kasama mo” sarkastiko at hindi makapaniwalang sabi niya.

“Sabihin mo na ang gusto mong sabihin. Paniwalaan mo na ang alam mong nangyari. Basta nagsasabi ako ng totoo” sabi ko narinig ko naman si kuyang bumuntong hininga.

“Okay I believe you” sukong sagot niya, nung sinabi niya yun. Feeling ko naging maluwag yung loob ko. Talaga? Naniniwala na siya sa mga sinasabi ko?

“Friends. What kind of a friend? Yung tipo bang pang friends with benefits?” sarkastikong dugtong niya kaya parang tumigil sa pagtakbo yung utak ko.

“That’s it!! Suko na ko kuya. Bahala ka sa buhay mo” galit na sigaw ko sa kanya sabay talikod sa kanya at naglakad.

“Don’t you dare walk away from me, young lady” nagbabantang sabi niya kaya napatigil ako.

Gangster vs CassanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon