Maybe it was a for the best. After all, these feelings weren't real. Nadadala lang siguro ako sa mga dramatic moments na napapansin ko kapag kasama ko kapatid ni Cather. Talagang may mga taong darating din sa buhay natin na ipaparealize lang sa atin ang mga bagay-bagay. That's it. Ipinarealize lang sa akin ni Torres kung ano nga ba ang pinagkaiba ng love sa infatuation.
My feelings for him slowly falter. It took me two weeks straight para mabalewala yung mga kunong sparks at butterflies na nararamdaman ko. HIndi naman naging mahirap yun kasi wala naman akong mapanghahawakan sa aming dalawa. Torres and I were just mere strangers who happen to know each other by face and name. Yun lang. I noticed myself these past few days na nagiging mas careless and comfortable na ako kahit andyan pa si Torres katabi ko. I don't care anymore, and that is what made me go on.
"Aris, ito ilipat mo itong clip dito. Make sure it's two seconds long." Instruct sa akin ni Torres habang nag-eedit ako ng video. Tapos na kasi yung production ng One Question para sa University Films. Editing na lang ang kulang sa process. The script might be short, pero matagal when it comes to its cinematic perspective. Kaming dalawa ni Torres ang in-charge para sa editing.
Ginawa ko naman yung sinasabi niya. Nag-cut to ako then, nilipat ko yung establishing shot ng bayside pier. Then, we watched the clip again. Paulit-ulit na naming chine-check ni Torres yung video, Si Torres lang naman yung madaming side comment sa video. Hindi na nga namin nasundan yung video script eh. Mahirap tuloy mag-adjust.
Torres sighed. "That'll do. Sige, let's wrap up Aris. Magpahinga ka na." He immediately stood up from his seat tapos nag-unat unat siya. Paano ba naman kasi, 6 hours straight na kaming nakaupo ni Torres. Parehas pa kaming hindi nakapag-lunch.
Naiwan naman ako sa may desk, sine-save ko pa lang yung naging process namin ni Torres sa pag-eedit. Tahimik ang office kasi kaming dalawa na lang ang natira sa loob. The rest, kanina pa nakauwi. Kahit na medyo kumportable na ako kapag nandiyan si Torres, hindi ko pa rin siya iniimik. Kinakausap ko lang siya kapag kailangan ko.
Tapos ako naman yung tumayo na. Kinuha ko na kaagad backpack ko saka lumabas na ng office. Nandun pa si Torres sa loob, kausap na niya si Aera sa cellphone. Pagkalabas ko, bigla akong hinarangan ni Arki sa paglalakad.
"Ano, nagulat ka ba?" Ang laki ng ngiti niya sa mukha. Sa sobrang laki, feel ko pati katawan niya makakain na niya.
Umiling na lang ako. "Hindi mo ako magugulat ng ganun-ganun, Arki. Try harder."
While I was setting aside my feelings for Torres, kami naman ni Arki ang naging close. Hindi naman sa tipong close kami na pwede nang magligawan. We're already both contented with the friendship we've built.
"Ano bang klaseng surprise ang kailangan mo para magulat ka?" Tanong ni Arki sa akin, halatang nadisappoint siya sa effort niyang gulatin ako.
I pressed the button for the elevator to come up. We waited. Then, tumingin ako kay Arki, nag-iisip. "Marriage proposal, I guess." Tumawa ako.
Natawa na rin si Arki. "Susko, kailangan pa palang pakasalan ka para magulat ka?" Then, he suddenly got into his knees and reached for my hand. "Aris Leanne Martin, will you marry me?"
I know that Arki was just kidding. Parehas kami ni Arki na punong-puno ng kalokohan. Nakisabay na lang din ako sa trip niya. "Why, yes!" I said in a British accent. Tapos nagkunwaring naiiyak ako habang pinapaypayan ang sarili.
"Wow. Hindi ko alam na kayo na pala in the first place." Torres exclaimed. Hawak-hawak niya sa kamay niya yung phone niya habang nakatingin sa akin.
Napatayo si Arki kaagad tapos inakbayan ako, "Aba. Nasaan ka ba Torres habang nililigawan ko si Aris?" He joked. "Ah, oo nga pala, patay na patay ka kay Aera! Bakit ayaw mo pang ipakilala yun sa amin, ha? Kahit picture! Ito talaga e, parang hindi kaibigan!"
BINABASA MO ANG
Obviously, This Is Not Love
RandomA story of complicated twists and undeserving ending. We tend to consider it 'love' if two people enjoy their company, feels the same way to each other, and heart beats are in sync. But this is a book narrating how these people enjoy their company...
