Maybe it was around midnight when I decided it's time to go home. Nagwoworry din mama ni Cather sa akin kapag hindi ako umuwi kasi kilala niya si mama ko na hindi mapapakali iyon. As much as I want to spend my night here, nakakahiya naman. Well, at least, gumaan na pakiramdam ko dahil kay Cather.
"Ihahatid ka ni Torres, anak." Sabi sa akin ni tita. Kahit na ayaw ko magpahatid, hindi na lang ako umimik pa kasi alam kong hindi rin naman sila papayag na hindi ako maihatid sa amin sa ganitong oras.
I hugged Cather and thanked her mom for letting me stay for a short while. Then, lumabas na kami ni Torres para magsimula nang maglakad.
I want my mom to be happy. I really do. I want her to date that co-worker of hers who once visited my mom when she was too sick to report to work. I want her to date someone else, not Jorge. Ano bang meron sa mga babae and with toxic relationships?
This saddens me dahil alam kong hindi natin nadidikta ang puso. Kung kanino mo mararamdaman tumibok ito, na sa kanila na buong atensyon mo. Pero kaya nga ang utak ay nilagay sa tuktok eh. Kaya nga ito nasa ulo kasi nga kailangan mong mag isip. Uunahin lagi mag-isip, hindi yung puro puso lang ang pinapairal.
Sorry, ma. Pero aaminin kong medyo tanga ka sa part na 'yon.
I felt a warm hand on my shoulder. Bigla ko na lang narealize na nandito na pala ako sa tapat ng bahay namin. I'm glad that Torres did not speak to me on the way here. Need ko kasi mapag-isa with my thoughts.
"Thank you." I smiled at him.
He smiled back. "Aris, I want you to know that I will always be here, ha?"
He suddenly hugged me. Hindi ko na siya tinulak this time, unlike nung kanina na inalis ko kamay niya papalayo sa akin. I let him comfort me this time.
I nodded and hugged him back.
Narinig ko magbukas yung pinto namin, nandun si mama sa may pinto hinihintay na ako pumasok. Nag thank you na lang ako ulit kay Torres bago ako tumuloy sa amin.
"Anak..." mahinang tawag sa akin ni mama. "Sorry..."
To tell you the truth, wala pa ako sa mood kausapin si mama. I am trying my best to stop myself from blurting unnecessary comments at her. Baka kasi may masabi pa ako sa kaniya na pagsisisihan ko sa huli. Ayokong magsalita na alam kong masama pa ang loob ko sa kaniya.
"Matanda ka na, ma. You should know what you're doing." Yun na lang nasabi ko before I locked myself in my room.
I heard that she followed me. Nakatayo lang siya dun sa labas ng pinto ko. "Aris, I am really sorry. Alam kong ayaw mo sa papa mo, pero sana maintindihan mo. Gusto niya bumawi. Gusto niya ipakita na nagbago na siya."
Can't she take a hint na ayaw ko munang makipag usap? And now she's saying all these bullshit? Sorry sa mga nagagamit kong words, pero sumusobra na talaga. I don't like Jorge for her. Ayoko bumalik siya ulit sa dati.
"Do whatever makes you happy. If he laid a hand on you again, I will never forgive you. Ikaw ang nagdala niyan sa sarili mo ma." I yelled. Hindi ko na rin napigilan nararamdaman ko kasi sasabog na talaga.
Mali ba? Mali ba 'tong ginagawa ko? Mali ba na hayaan ko si mama sa mga desisyon niya? Hayaan ko siya na bumalik sa lalaki na iyon? Mali ba 'tong nararamdaman ko na galit? Hindi di ba? I know that my feelings are valid. Alam kong tama ako. Alam ko na maling balikan niya si Jorge. Hindi ba si mama natuto sa mga nangyari sa kaniya noon?
Narinig ko nang humikbi si mama sa labas ng kwarto ko. I suddenly felt guilty.
Then, before I know it, ilang araw na rin ang lumipas.
Hindi kami nagkikibuan ni mama, alam kong ramdam pa niya na hindi pa rin ako okay sa mga nagawa niya. And I don't think I'll ever be okay after that.
After kong umuwi from a meeting sa org, nakita ko na may nakaupo sa may loob ng store namin. Hindi ako pamilyar kung sino iyon pero may ibang kutob na ako. I watched how my mom smiled from afar as her eyes glisten with full of hope and love.
Kumirot ang puso ko.
Hindi rin nagtagal nang makita ako ni mama na nakatayo sa kabilang kalsada. She weakly smiled and nodded her head to acknowledge me. Nagkatinginan sila saglit nung lalaki bago humarap patalikod yung lalaki na nakaupo sa harapan ni mama.
I don't remember his face at all.
Ibang-iba doon sa mukha na naaalala ko nung bata pa ako.
Noon, yung mukha na iyon bumabalot sa gigil at galit. Pero ngayon?
Guilt?
Regrets?
Ewan ko.
Nagdadalawang isip ako tumuloy sa amin. Siguro mga ilang minuto rin kami nagtititigan sa isa't-isa na halos hindi ko na rin namalayan na naglalakad na yung lalaki papalapit sa akin.
Puti na ang buhok nito.
Medyo may katabaan ang pisikal na katawan.
Namumula ang mukha nito dahil sa init ng panahon dito sa Pilipinas.
"Ary."
I've never heard anyone called me like that. Siya lang talaga.
Si papa lang talaga.
Before he could even lay a hand on me,
I ran.
I ran as far as I can.
BINABASA MO ANG
Obviously, This Is Not Love
RandomA story of complicated twists and undeserving ending. We tend to consider it 'love' if two people enjoy their company, feels the same way to each other, and heart beats are in sync. But this is a book narrating how these people enjoy their company...