Maybe I overthink.
Kami lang kasi ni Torres ang magkasama ngayon and I feel uncomfortable. Kung ano-ano pa ang naisip ko kanina nang makita ko siya na nag-aabang sa akin sa may sala pagkagising ko kaning umaga. Parang may pupuntahan kaming date (kahit wala, huh, as if) kasi nakabihis talaga siya ng maayos. Tapos si mommy grabe pa makatingin.
Okay lang naman kasi kasama si Torres pero dapat kasama ko din si Cather. Seryosong-seryoso pa naman si Torres sa pagdadrive. Habang ako naman, nililibang ko na lang sarili ko sa pagbibilang ng mga sasakyan na kulay berde. Kaya naman pala ako hinihintay ni Torres kanina kasi ipe-prepare na namin yung birthday venue ni Cather... Or nilang dalawa? Ay, di ko alam. Basta birthday nila parehas.
Hindi ko naman nakalimutan birthday nila. Sadyang nagulat lang ako na pupuntahan talaga ako ni Torres.
Speaking of birthday. Ipi-pick up na namin ni Torres yung inorder niyang balloons at favorite pastries ni Cather. And I can't stop thinking how lucky a girl can get kapag naging boyfriend nila si Torres. I don't know why pero talagang effort na effort din si Torres.
Then, we arrived. Saglit lang naman ang byahe pero feel ko isang linggo akong nakaupo sa sasakyan kasi sobrang tahimik naming dalawa. Nagsalita na lang ulit si Torres nang makita niya yung taong nakausap niya sa phone.
"Magandang tanghali po, tita Kris." Bati ni Torres sa matandang babae, tapos nagmano pa siya. Yun na lang din ang ginawa ko kahit hindi ko kilala. Nakakahiya. Nginitian ako ng matanda.
"Aba, sino 'tong magandang dilag, Dylan?" Halata na natuwa sa akin yung matanda. Yung reaksyon niya parang ako yung nawawala niyang apo na matagal na niyang hinahanap.
"Kaibigan po ni Cather, tita." Sagot naman ni Torres.
Ah, so ganun? Hindi pala kami friends?
Okay, fine.
"Aris po, tita." Pakilala ko naman sa sarili ko sa matanda. In-adjust niya ng kaunti ang salamin niya tapos tiningnan ako ng maayos.
"Ay, kay gandang bata." Puri pa nito sa akin. Sus, itong matandang ito, ang galing mangbola eh.
"Tita Kris, nandito po kami ni Aris para po doon sa balloons? Okay na po ba?" Singit bigla ni Torres. Bakit parang nasa bad mood itong siya ngayon? Kanina pa siya nakabusangot ha. Ano kaya meron?
"Ay, oo! Hali kayo rito. Tapos na yun kanina pa," Pumasok naman kaming tatlo dun sa garahe nila. Tiyak nga na nandun ang mga balloons para kay Cather. Puro puti lahat iyon. Whit kasi ang favorite color ni best friend.
Binayaran na lang iyon ni Torres kaagad tapos dahan-dahan niyang ipinasok sa kotse yung mga balloons. Kasya naman kahit papaano kasi iilan lang naman ito. Next, sasadyain na naman namin yung apple pie na gusto ni Cather.
Dinaanan namin ni Torres yung taga-gawa ng paborito naming apple pie ni Cather. Yes, paborito ko rin iyon. Isa sa mga naging common naming dalawa ni Cather. Itinigil ni Torres yung sasakyan sa malapit na parkingan tapos nilakad na lang naming pareho yung Mama Ahn's. Kahit nga na nasa parkingan pa lang kami, amoy na amoy ko na kaagad yung mababangong pastries ni Tita Rhian, yung may ari ng Mama Ahn's. Naramdaman ko tuloy na nag-ingay tiyan ko.
BINABASA MO ANG
Obviously, This Is Not Love
DiversosA story of complicated twists and undeserving ending. We tend to consider it 'love' if two people enjoy their company, feels the same way to each other, and heart beats are in sync. But this is a book narrating how these people enjoy their company...
