25 | We'll Be Better

51 4 4
                                        


Kahit nung bata ako, gustong-gusto ko yung pakiramdam ng kaba, takot at nerbyos sa tuwing sasakay ako ng roller coasters, o nung pag-akyat sa isang mataas na building tapos titingin ng paibaba sa bintana, o kaya yung may gagawin kang bagay na first time mo pa lang.

It's the excitement that I always liked.

However, after receiving a call from Torres, naramdaman ko na naman yung kaba, takot at nerbyos nang marinig ko sa kaniya yung pangalan ni Aera. Nagmadali kami ni Arki umalis sa kanila para bumyahe papuntang Laguna, kung saan yung address na pinadala ni Torres sa akin. Hindi ito yung pakiramdam na gusto kong maramdaman ngayon, hindi kasi ito excitement.

Ang likot ng utak ko sa kakaisip ng mga posibilidad na maaaring mangyari kay Aera, lalo na't may ipinagbubuntis siya. Kung ito may kinalaman sa lalaking nakita ko sa grocery store na kasama niya, talagang hindi ko mapipigilan ang sarili ko sa galit na nararamdaman ko. Naalala ko pa ng malinaw kung paano niya tratuhin si Aera noon. Walang karespe-respeto. Nakuha lang niya ang gusto niya tapos bigla na lang mang-iiwan at hindi aakuhin ang responsibilidad.

Kitang-kita siguro sa mukha ko yung sobrang pag-aalala ko kasi bigla na lang hinawakan ni Arki kamay ko habang nagmamaneho siya. I stared at it for a while. He made his thumb run in circles against my palms. I've been used to this, him holding my hands. And every time he does hold me, it always calms me. Hindi yung tipong parang malanding kilig, yung tama lang na para maiparamdam ni Arki na may kaibigan akong maaasahan sa lahat ng bagay. And I admit that I like it.

I just squeezed his hands back to reassure him that I will be okay. His smile never faded, he didn't even let go of my hand. But I let him hold me because I'm afraid that if he did let go, my mad thoughts will come rushing.

We met Torres at the lobby. Nakaupo siya sa isang sulok, nahikbi. Mga kamay na pilit tinatakpan ang mukha niya para itago siguro sa iba na naiyak siya. Pero I know him too well. I know him like I know Cather. Hindi man kami ganoon ka-close ni Torres noong bata pa kami pero I do observe. This is him in his most vulnerable state.

Patakbo kaming lumapit ni Arki. I hugged him right away. Hindi na nga siya lumingon kung sino ang yumakap sa kaniya. Dere-deretso lang ang pagtulo ng mga luha niya. "What happened?" I asked.

"Si Aera..." He heaved. "I don't know what to do. She's in a 50/50 state."

Si Arki napaupo na lang sa tabi ko, napapatulala na lang. Samantalang ako parang nabuhusan ng malamig na tubig sa mga salitang narinig ko. Hindi ko namalayan na pati pala ako tumulo na ang mga luha ko.

"Bakit?" Yun na lang ang salitang naibulalas ko sa mga bibig ko.

Umiling si Torres. Tahimik na lang siya at wala nang nasabi. 

We all waited patiently for the doctors to come out from the emergency room. Sumunod na din pala mga parents at lola ni Aera. Sinalubong sila ni Torres para pakalmahin din sila. They were all in a corner, talking.

Tumingin ako kay Arki this time. I can sense that he's lost. Siguro ngayon lang nagsi-sink in sa kaniya kung gaano pala kagulo ang issue kay Aera. I reached for his hand. Doon lang siya medyo natauhan nang maramdaman niya yung mga kamay ko.

"Hey," I smiled weakly, "thank you for bringing me here."

He side hugged me. "You don't have to thank me. You're both my friends and you both care about Aera. It's the least that I can do."

There's a minute of silence between us. I guess I am lost as he is as well.

"Do you think he'll be okay? It seems like Torres do really love that girl, huh?"

Do I think he'll be okay? I do. But it will definitely take time. Hindi naman tayo nakakarecover kaagad sa mga ganitong mabibigat na issue. We still need some time to heal.

Do Torres really love that girl?

Medyo napalunok ako sa tanong na iyon. I remember the time na dinala niya ako sa Wheel of Fate to confess. Not really confess, but rather to say whatever it was in his mind. He made his intentions clear towards me. That he wants to be fair before he even think about pursuing me. That he wants to be clear from any lingering past relationships.

I don't want to be selfish. Pero I knew right then and there na kahit na may gusto ako kay Torres, hindi ko na i-eentertain pa yung sinasabi niyang pag-pursue sa akin. I'm letting my feelings go. Kung hahabulin ko pa siya, mas lalo lang gugulo lalo't na alam kong mahal na mahal pa niya si Aera kahit hindi niya sa akin aminin ng deretso.

So yes. Torres loves the girl.

Maya't maya lumabas na yung mga doctors sa emergency room habang yung mga nurses naman tinutulak yung kama ni Aera palabas. Ita-transfer na siguro siya sa private room. Lumapit na kaagad ang mga parents ni Aera asking them what happened.

I overhear them say, "The baby's gone. As for Ms. Aera, she'll be okay. She just needs time to rest. I advice you to keep her away from any stress. Were you aware that she was pregnant?"

Tahimik lang yung father ni Aera pero yung mama na lang niya ang nagsalita. "Opo, doc. Alam ko po na buntis yung anak ko. Dinala nga po namin siya dito sa Laguna para hindi na po ma-stress sa amin."

Tumingin naman yung doktor kay Torres. "Ikaw ba yung ama nung bata?"

"Hindi po, dok. Kaibigan niya lang ako."

After that short conversation, umalis na din yung doktor. Binilin na lang sila na wag na muna guluhin si Aera mula sa pagkakatulog. Hayaan  na muna siya na magrecover. Though lahat sila pumunta na kung saan naka-assign na room si Aera. Si Torres na lang yung naiiwan sa kanila sa lobby. 

Saka kami ni Arki lumapit sa kaniya ng husto.

"So, what happens next?" I asked.

"Nothing." He quickly replied.

We then met each other in the eyes. His eyes were so cold and empty. "We do nothing."

Biglang sumingit si Arki sa usapan namin. "She'll get better, bro. Don't worry." He tapped Torres in his shoulders, comforting him.


Obviously, This Is Not LoveMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon