9| Perilous

432 16 2
                                        

Naka-day off ngayon si Kuya Peter kaya kami lang ni mommy at ni Ate Jen ang nasa store namin. Tapos aalis pa si mommy mamaya, hindi ko alam kung saan pupunta, kaya kami na lang ni ate Jen sa store buong araw. On the other hand, weekend naman kaya medyo magaan.

I was at the counter the whole morning, naglilinis lang. Then, narinig kong nag-jingle yung wind chime namin. Hindi ko naman normally pinapansin kung sino yung napasok, to be honest, mas naiinis pa ako kasi dagdag tao lang tapos tatambay lang pala sa loob, hindi bibili. But today, iba. Pagkapasok pa lang kasi nung tao, tinawag na niya kaagad pangalan ko.

"Aris," malumanay ang boses niya pero nandun pa rin yung pagiging excited niya.

Nagulat ako nang makita ko kung sino yung nasa pintuan. She was wearing a sleeveless top and a maxi skirt. Yung mommy ni Arki nandito.

"Tita Keira..." I muttered. Nagulat kasi talaga ako, hindi man lang ako nakapaghanda na babalik na pala siya dito. Then, I noticed a familiar face behind her, si Arki naman ang pumasok.

Lumabas ako sa may counter para salubungin silang pareho. Una kong niyakap si tita Keira, tapos bigla namang inextend ni Arki mga braso niya. No choice, niyakap ko na lang din siya. "H...Hindi ko alam na darating kayo," sabi ko. I gave Arki a subtle glare.

"Oh, I love surprises. I'm sorry." Nakangiti sa akin si tita Keira. "Kinulit ko lang kasi itong si Arki na bisitahin ka, ang tagal ko na kasing walang balita sa inyo."

Ah, you mean, two weeks ago?

"Hindi man lang po ako nakapag-ayos tita, sorry din po." I told her, "Uh, bakit naman po kayo napabisita?"

"It's nothing. Gusto ko lang kumain tayo ng dinner later. Pwede ba?" Tita Keira suddenly looked so hopeful. Tipong gusto niya talaga akong isama sa dinner na sinasabi niya.

"Tita... medyo busy rin po ngayon. Wala pong tatao kasi dito ngayon. Ako lang po at saka si Ate Jen ang nandito." Explain ko naman sa kanila. "Pwede po ba bukas?"

"If Arki will help, will that speed things up?" There was a glimmer of hope in her eyes.

"We close at 8, tita Keira. Arki being here won't make any difference..." I glumly told her.

She pursed her lips, "I understand. Sige, tomorrow perhaps?"

Tumango ako. "Opo, tita. Magpapaalam na rin ako kay mama."

"Ay, onga pala. I want to meet your mother! Will she be here tomorrow?" tanong ulit ni tita sa akin.

"I hope so. Wala po kasi nabanggit si mama kung kailan siya babalik. Pero feel ko naman po na babalik din po yun mamayang gabi. Text ko na lang po siguro si Arki kung nandito po si mama para mapuntuhan niyo po." Sa peripheral vision ko, Arki really looked amused. What is his deal this time? Parang nakakaasar yung ngiti niya. Hindi ko na lang pinansin, baka masira pa araw ko.

"I like that idea. Sige, Aris, I'll see you tomorrow." she gave me a quick hug and a kiss before she went out. Naiwan si Arki sa cafe. Seryoso ba 'to?

Bumalik na lang ako kaagad sa counter kasi nag-iisa lang dun si ate Jen. "Umuwi ka na. Wala ka namang gagawin dito." sabi ko.

Lumingon si Arki sa akin, he gave me one of his boyish smile. Yung ngiti na nakakalaglag panga ng mga babae sa Thompson University. "Really? Kakasabi mo lang na dalawa lang kayo dito. Might as well help my girlfriend, right?"

Nagkatinginan kami ni Ate Jen matapos mabanggit ni Arki yung salitang 'girlfriend'. Napakamot na lang ako sa ulo tapos hinila si Arki sa isang sulok.

Hinampas ko kaagad siya sa tagiliran niya. Tumawa lang naman siya. "ANONG PINAGSASABI MO?!" bulong ko. Pero ugh, ang hirap sigawan itong lalaking ito kasi may customer tapos baka marinig pa ni ate Jen ito.

Obviously, This Is Not LoveMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon