18| University Films

399 7 2
                                    

Thompson University Administrators allowed only four students, from our organization of course, to represent our school at the University Films Festival. That means, Si One, which is Kuya Kurt, Two, si Torres, the scriptwriter, si Jemima, tapos yung video editor nila, si Raice na ang pinasama ko. Since siya na rin lang naman ang nagtapos nung editing when we did revisions. Saka magandang exposure na rin para sa kaniya yung masama siya sa mga ganung klaseng events since lower batch pa siya at pwede pa niyang mabuild up ang confidence at credentials niya.

I stayed at school, kasama ko si Arki dito sa library. Busy siya sa pagfe-facebook niya sa phone niya habang ako naman nagha-highlighter ng kung ano ano sa notes ko, kunwari nag-aaral kahit hindi naman. Si Cather may klase pa kaya hindi ko kasama. Hinihintay ko na lang ang lunch break niya para sabay kami kumain.

Parehas kami ni Arki na hindi nag-iimikan, may mga sariling mundo. Pero hindi rin nagtagal, tinapik niya ako. "May tanong ako,"

Tumingin ako sa kaniya, nakatingin pa rin siya sa phone niya. "Ano?" Sabi ko naman.

It's been weeks, at ilang araw na lang ang matitira magkakaroon na kami ni Arki ng fake 'break up' sa parents niya. Ewan ko ba pero sa tuwing palapit na ng palapit yung araw, parang ako na mismo yung naatras sa usapan. NOT because I have developed feelings for Arki, rather, I can't imagine how disappointed Arki's parents and her Lola Erin will be if they heard about it. They've been so welcoming and warm when I visited them at Baguio, lalo na ang mama ni Arki na sobrang bait sa akin. Hindi biro yung ganung klaseng parents na madali kang tinanggap sa family nila kahit na girlfriend ka pa lang ng anak nila. Yung iba kasi hirap at tiyaga pa muna bago sila maging okay sa parents. I mean, I'm lucky enough to have met them kahit na as a fake girlfriend ni Arki.

I studied Arki for a while. I can't believe that I will be this close to this guy. He's a really good friend.

"Anong meron, Aris? Tutunawin mo ba ako?" He said, without bothering to look up. As if kanina pa niya ramdam na nakatingin ako sa kaniya.

Binaling ko na lang atensyon ko sa pagha-highlight ulit ng notes ko. "Hinihintay ko kasi yung itatanong mo, kaso parang nasiraan ka lang yata ng ulo hindi mo na tinuloy."

Finally, he looked at me. "De, eto tanong ko," ibinaba niya yung phone niya saglit. "Balita kay Torres?"

Napatigil ako saglit. For a moment, napaisip din ako. Ano na nga ba ang balita Torres?

"Bakit mo natanong? Mukhang okay naman ngayon yung tao ah?" Sabi ko, shrugging the question off. 

He lifts a shoulder, "Ewan. I'm his friend, pero hindi kasi siya nagoopen up eh. I just want to make sure the he's really okay. How about Aera? Musta na yung dalawang yun?"

Nilingon ko na ulit si Arki. "Frankly, wala na rin akong balita. He's old enough. I'm sure he made the right decision na, or whatever he thinks is right, sige irerespeto ko na lang. Basta I did my part as a friend, sinabi ko na yung stand ko. It's up to him kung paano niya iwe-weigh yun."

"Why don't you approach him?" Tanong ko naman sa kaniya ngayon. "Lalaki nga kayo, but still stick to your sensitive sides!"

He leans back, "I'm trying to, pero sya na mismo iiwas sa topic na yun. Clearly, he only confides on you. Just keep me in the loop once in a while, Aris. Kaibigan ko din siya, concern din ako syempre."

 The last time Torres and I talked was the time he apologized when we were at the beach, shooting for the video revisions. After that, we've been giving each other cold shoulders. Walang pansinan, saka lang mag-uusap kapag kailangan, or kapag andyan si Cather para lang hindi lang makahatala kakambal niya. If that's what he wants, ibibigay ko naman yun sa kaniya.  

Tumango na lang ako. "Sige," matipid kong sagot.


* * * * *


At the very same day, naisipan kong dumaan ng grocery saglit para bilhan sarili ko ng pabango, deodorant at iba pang mga bagay na pang-hygiene. Mula sa kinatatayuan ko, familiar sa akin yung babaeng nasa may Milk station. Palinga linga lang, ganun.

Si Aera.

Wala siyang kasama. Bigla ako napaatras baka kasi makilala niya ako sa mukha, lalo na't kami yung mukha na humabol kay Torres nung patakbo siyang lumabas sa ihawan resto na pinagkainan namin nung isang araw. I watched her in silence, observing kung ano ginagawa niya.

From time to time, hahawakan ni Aera tiyan nya tapos mapapapunas na lang sa pisngi niya. Umiiyak siya. Halata sa mukha niya na hindi pa niya kayang ipasan yung mundo bilang isang batang ina. Mahirap. Mahirap na mahirap. Hindi ko maimagine kung ano na kaya ang nararamdaman niya ngayon lalo na't may buhay na sa sinapupunan niya.

Lumingon lingon na rin ako sa iba pang aisle baka kasi may kasama si Aera, possibly si Torres ang kasama niya. Pero after a while, negative. Walang Torres. Pero may lalaki na lumapit sa kaniya, nakatingin lang na para bang walang pakielam sa mundo. "Oy," tawag niya bigla kay Aera. Tiningnan ko ng maigi yung lalaki, hindi ko kilala. Nakauniform pero hindi sa Hanha Circle yung paaralan nya. Sino kaya ito?

Ito na ba yung ama ng bata?

Si Aera naman nagmadaling magpunas ng kaniyang pisngi. Halatang ingiti ang mga labi. "O ano?  Okay ka na? Nakuha mo na ba kailangan mo?"

Matagal na tinitigan ng lalaki si Aera bago siya umimik. Nasa mukha nito ang pagkainis, "Naiyak ka na naman?"

Umiling kaagad si Aera, "Hindi ah! Ano ka ba! Napuwing lang ako, haha!"

Sa mga nakita ko, hindi ko alam kung ano nga ba ang dapat kong maramdaman. Naiintindihan ko na kung bakit sinubukan niyang pikutin si Torres at sabihin na ang bata na nasa sinapupunan niya ay sa kaniya. Naiintindihan ko na kung bakit niya nagawa yun. Kailangan kasi ni Aera ng makakasama, yung makakasama na mamahalin siya lalo na't siya'y magiging isang ina. At si Torres ang taong nagbibigay sa kaniya ng pagmamahal na nagkukulang sa kaniya.

Naluha ako. Nakakawitness kasi ako mismo sa personal yung mga ganitong klaseng problema, yung batang ina na hindi handa harapin kung ano man ang sasalubungin niya sa mundong ibabaw na ito. Alam niya kasi na mahihirapan siya, mangangapa.

"Tara na! Alis na tayo," tapos naunang naglakad yung lalaki kay Aera.

Mas lalong bumigat ang pakiramdam ko nang makitang tumulo na ng tuluyan yung luha ni Aera nung nawala na yung lalaki sa paningin niya.

I immediately grabbed my phone, and stared at it for a while.

Nagdadalawang isip kasi ako. Ano ba dapat kong gawin nito?

Kriiing, kriiiing, kriiing!

"Hello?" Sagot niya. Medyo maingay sa background pero buti naman medyo malinaw at naririnig ko ang boses niya.

"Uh..." Ano ba? Bakit ba ako tumawag? "Torres... Pwede ka bang makausap?"

Walang sagot.

"It's about Aera..." I continued.

Wala pa rin akong naririnig na sagot. Instead...

Click.

Nawala na yung tawag.

Obviously, This Is Not LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon