Dinala ako ni Torres sa Autumn after ng meeting namin sa ThompMed kasi sabi niya mag-uusap daw kami tungkol kay Aera. The topic must be sensitive kasi dito ako dinadala ni Torres para lang mag-usap. I hope naging okay ang lahat, lalo na't nakita ko namang nangiti si Torres sa meeting.
Tahimik dito sa likod ng campus, wala naman kasi masyadong nadaan dito at kung tutuusin mo pa nga bawal talaga dumaan dito. Pero ewan, hinahayaan naman nilang bukas ang gate para sana hindi kami makadaan dito di ba? Madami na rin nagkalat na mga dahon na nagsilaglag mula sa mga puno. Naaalala ko na naman yung birthday ni Cather at ni Torres na dito nai-celebrate. Bawat tapak ko pa nga mga malulutong na tuyong dahon ang naririnig ko. I remember myself back when I was young, hilig kong paglaruan yung mga tuyong dahon para tapak-tapakan. Madami kasing puno sa probinsya lalo na't nagpapalaki talaga ng mga puno yung kapatid ni mama. Kaya sa tuwing bibisita ako dun, ako ang nag-iipon ng mga tuyong dahon sa isang gilid tapos paglalaruan ang mga iyon pagkatapos. Kasama ko ang mga pinsan ko nun.
Ilang saglit lang din ay huminto si Torres sa paglalakad. Bumalik sa realidad ang isip ko. Oo nga pala, nandito ako para pag-usapan si Aera.
"So..." panimula ko, "Kumusta na si Aera?"
"Okay naman siya. Actually, pupunta nga daw siya sa doktor para magpacheck up." sagot naman niya.
Ilang minuto ding naging tahimik si Torres. Umupo na muna ako sa bench na malapit sa amin. Hinihintay ko lang magsalita ulit si Torres. Hinihintay ko lang na maging kumportable siya na kausapin ako about Aera. Tinapik ko yung bakanteng space sa tabi ko, niyayaya ko sya umupo.
Torres, for a second, smiled at me.
Nakakatayo balahibo yung mga ngiti ni Torres ngayon. Ewan ko bakit, siguro kasi ang tagal ko rin iyon hindi nakita sa mukha niya and this time parang nakakapanibago lang sa nakasanayan mo matapos ang ilang linggo, o buwan.
He sighed heavily.
"Alam na ng parents ni Aera na buntis siya..." I can feel Torres being uneasy. As expected from parents, hindi nagiging maganda ang kinakalabasan kapag nalaman nila na ang anak nilang babae ay buntis. Imagine the parents' frustration. Also, imagine the girl's fear but she still had the courage to face it alone. The courage to choose that decision is incomparable to any thing in this cruel world.
Nag-aalala ako para kay Aera.
"Her parents, of course, sobrang galit sa kaniya." Napayuko si Torres habag nagkukwento. "Pinalayas siya kagabi..."
"Ha?!" I nearly choked. My heart raced. "Nasaan na ngayon siya?"
"Nandun siya ngayon sa lola niya sa Laguna."
"Paano yung expenses ni Aera? Paano yung bata? Ano sinabi sayo ni Aera? Alam kong nagkita kayo Torres nung isang araw. What did she say to you?"
Umiling si Torres. "She just thanked me. Tapos nagpaalam na sa akin. Alam niya kasi kung ano ang mangyayari kapag sinabi na niya sa magulang niya yung totoo. Nagpaalam na sa akin kasi sa Laguna na muna siya mag-stay."
"Hindi man lang nagpaalam sa akin si Aera... Akala ko pa naman makakasama din natin siya." I said. A bit heart broken. For a while pakiramdam ko na kasalanan ko kung ano yung nangyari kay Aera. But then again, back to my senses, hindi naman ako yung lalaking bumuntis.
And I wonder, was it rape that happened to her? Or was it out of carelessness? I don't know. Hindi ko na tinanong pa iyon kay Aera. Seeing the guy with him the last time, sa tingin ko nagkaroon sila ni Aera ng relasyon. And something... happened between them.
Hinawakan ko si Torres sa balikat niya, sinusubukan na i-comfort siya kahit hindi naman ako maalam kung paano. "Okay ka lang? With all that happened?"
Tumango siya. "Surprisingly, malaking pasasalamat na rin kay Aera. Half of my life, I spent it on her... Wishing and hoping that she was mine. Na sana ako na lang sa una pa lang... I really loved her, you know."
Tahimik lang ako. Hearing Torres confess his love for her somehow... burns. Alam ko naman na nagkakaroon ako ng feelings para sa kaniya. Pero I still try to deny it at sinusubukan na kalimutan lalo na't alam ko kung ano nararamdaman niya. These past few weeks, akala ko nawawala na yung weird feeling na nararamdaman ko kay Torres. Apparently not. Naging manhid lang ako nung mga panahon na nag-iiwasan kami at sa mga panahong pinipilit kong itama ang nararamdaman ko.
Aris, magising ka naman. Just stop.
"But all this time, she helped me moved on. Na tanggapin na yung kung ano man ang meron. And now, Aera is a mother. Masaya na ako na pinipili niya ngayon yung bata. Mostly people her age would choose something else to solve their problem..."
Napangiti ako.
"And Aris... thank you."
I froze. "H-ha? Bakit?" Tinanggal ko na yung kamay ko sa balikat niya. "Para saan?"
He shrugged his shoulders, "For being there... Malaking bagay na yun sa akin na may nakakausap ako sa mga ganitong bagay."
My cheeks reddened. Napayuko ako para itago yung pagkapula sa mukha ko. But much to my dismay, tinawanan na ako ni Torres. Bigla niya akong inakbayan at hinila papalapit sa kaniya. Yung tipong nakayap na sa akin. "Thank you, Aris. For real." He whispered.
And I died.
Stop. Please.
Agad akong umalis sa pagkakaakbay niya. Tumayo ako agad and straightened myself. "Uhm, o-okay..." Nervous laugh. "Hindi m-mo naman kailangan mag thank you... W-wala naman ako ginawa..."
I can feel his eyes lingering on me. With a goofy smirk on his face. Parang gusto ko na lang siya suntukin. Bakit ba ang gulo niya?
"Anyway... anong oras na ba? Malapit na mag-uwian... Uhm, s-sige... Mauna na ako ha? Hahanapin na ako ni mama eh, tutulong kasi ako sa kaniya sa Martin's."
Then, I left.
Napasampal na lang ako sa sarili ko.
"Woah!!" Biglang singit naman ni Arki out of no where. "You seriously need to be checked, Aris! Ito na yung second time na nakita kong sinampal mo ang sarili mo." He laughed. "Should I bring you to a doctor?"
I pushed him lightly, "Ewan ko sayo!" I became ease when Arki is around. "Umalis ka na nga, uuwi na ako Lewis."
"I know... Kaya nga hinihintay kita eh." He said.
I stared at him for a moment. Hinawakan ko ang noo niya. "Arki baka ikaw ang may kailangan ng doktor? May sira ka yata eh!"
Mas lalo lumakas tawa niya. "Ewan ko din sayo, Martin. Tara na nga!"
Tumango na lang ako. Pero bago pa man ako lalong lumayo ng campus, tumingin ako ulit sa likuran ko. Nandun si Torres nakatayo malapit sa may gate, kakapasok pa lang niya ng campus galing sa Autumn. Nakatingin siya amin ni Arki. He just nodded at me then gave me wave goodbye. Nagba-bye na lang din ako.
BINABASA MO ANG
Obviously, This Is Not Love
De TodoA story of complicated twists and undeserving ending. We tend to consider it 'love' if two people enjoy their company, feels the same way to each other, and heart beats are in sync. But this is a book narrating how these people enjoy their company...
