13| Facing it alone

468 13 4
                                        

6 o'clock ng umaga ng bubukas yung store namin. May breakfast meals din kasi kami sa menu at may mga customers na sa amin na nag-uumagahan kahit Sabado o Linggo pa yan. Common yung mga taong nakatira lang sa dorm o sa mga shared apartments na kumakain sa Martin's. 5:30 pa lang ng umaga nang kumatok si Torres sa pintuan, ako yung nagbukas sa kaniya. He greeted me with a smile tapos isang masayang 'Good morning,'. Hindi ko siya pinansin kasi hindi ako morning person kaya hindi naman good ang morning ko.

Si kuya Peter ang nagturo sa kaniya ng basics pagdating sa paghandle ng cashier. Ako naman naglilinis na ng mga lamesa at inaayos na yung mga upuan. Tinulungan ko na rin si Ate Jen sa paghahanda sa kusina. Siguro 5 minutes before 6AM, binuksan na namin yung store. Medyo magaan pa naman sa umaga kaya kaming dalawa ni Torres ay nakaupo pa lang sa may counter.

"Aba, swerte mo, pinaghandle ka kaagad ng counter." sabi ko kay Torres.

He grinned at me, "Syempre naman, magaling ako. Madali lang naman magets eh kaya okay lang."

Umirap ako, "Sorry naman. Napaka-humble mo talaga,"

Tahimik na kami after nun. Siguro pawifi-wifi muna saglit bago dumating yung first customer namin sa umaga. Si Torres yung sumalubong sa dalawang matanda sa counter. "Good morning po, welcome to Martin's,"

Ngumiti naman sa kaniya yung matandang lalaki. "Good morning din, hijo."

Nakatingala pa yung dalawang matanda, tinitingnan kung ano yung maoorder nila. Siguro after 5 minutes, nakapagdecide na sila na kukunin nila yung basic breakfast meal na may kasamang kape. Pinanuod ko si Torres na i-punch yun sa computer. So far, okay naman siya. Siguro mabagal lang sa umpisa. Ngumiti na naman si Torres sa dalawang matanda. "Three hundred fifty pesos po," 

After nun, iniwan ko muna siya sa counter kasi pumasok na ako sa kitchen para tumulong kay ate Jen at kuya Peter sa pagprepare. Fried rice, corned beef at egg ang nasa basic meal tapos may kasama pang dalawang pirasong tinapay na may kape yung inorder nung dalawang matanda. Ako na yung naghatid sa inorder nila sa lamesa. Pagkabalik ko sa counter, nakangiti sa akin si Torres.

"Waah. Galing ko. First customer ko yun," sabi niya. Talagang proud pa siya sa sarili niya. Natawa na lang ako sa kaniya tapos binigyan siya ng thumbs up.

Hindi nagtagal dumami na yung customers. Nag-panic na si Torres kaya ako na yung pinaghandle niya sa may computer habang siya naman yung nagdadala ng order sa mga lamesa ng customers. Dumating din si Cather sa store, tinawanan niya kakambal niya nang makitang naglilinis ng table. "Ang lakas talaga ng trip ng kakambal kong iyon. Aba, naisipang magtrabaho."

Hindi ako sumagot sa sinabi niya. Nakatingin lang ako sa kaniya tapos pinangliliitan siya ng mata. "Ano na naman gusto mo, Cather? Wag mong sabihin na libre ha! Mauubos baon ko sayo eh,"

Umiling siya, "Edi, hindi na. Paorder na lang ako ng isang slice ng carrot cake niyo."

"Okay," Sabi ko. "Fifty five pesos."

Cather handed me her money unconsciously while she's watching her twin brother serving other customers. Parang hindi talaga siya makapaniwala na makita kakambal niya na nagtatatrabaho. "Grabe epekto sa kaniya ni Aera."

"Eh di ba mahal niya?" Sabi ko naman habang inaabot na sa kaniya yung sukli niya. "Tumabi ka na diyan, may nakapila pa."

Cather made a face at me, "Ang aga-aga, ang sungit mo kaagad." Natawa na lang ako.

Nang bumalik si Torres sa counter, binati niya kakambal niya. "Bakit nandito ka? Wala bang breakfast sa bahay?"

Sinungitan ni Cather si Torres, "Hindi nagluto si mama ng breakfast para makita ka niya dito. Papunta na rin pala siya dito, nauna lang ako."

Obviously, This Is Not LoveMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon