23| Bombs are Dropped

178 3 1
                                    

So, trick question lang.

Ano ito? Wala naman sigurong malisya ito, ano?

Aris-Torres Day daw sabi niya.

 Tipong simpleng bonding lang naman ito ng isang matagal na magkaibigan. Hmm, correction. Hindi pala matagal na magkaibigan, I mean, matagal lang kami magkakilala. Ngayong taon lang naman kami naging malapit ni Torres eh, and it's weird na nagiging madalas na rin yung paglabas namin na hindi kasama si Cather.

Like I said, Aris-Torres day daw.

Dinala ako ni Torres dito sa Enchanted Kingdom, and wow, para sa isang tao na ililibre ako talaga namang dito pa ako dinala. I insisted na sa iba na lang kami pumunta para mas makamura pero mas gusto niya daw dito sa EK kasi hindi pa daw siya nakakapunta.

"Hindi niyo ba naging field trip ito nung elementary kayo ni Cather? Or nung highschool man lang?" I asked.

Nakapila kami dito ni Torres sa may entrance, may ticket na kami, hinihintay na lang namin na makapasok kami sa loob.

"Naging field trip nung highschool na pero hindi ako sumasama."

Hindi ako naniwala. "Eh bakit yung kakambal mo nakapunta na? Nakwento pa nga niya sa akin na nagsuka siya habang nakasakay sa Flying Fiesta."

Mataas ang sikat ng araw, pinayungan ako ni Torres tapos sa akin pa niya pinasuot yung cap na bitbit niya. "Well, unlike Cather, wala ako masyadong kaibiga back then. If you believe me or not, sobrang weird ako nung bata ako na walang gustong makipagkaibigan sa akin."

Mas lalong hindi ako naniwala. Natawa pa ako sa kuwento niya. "As if naman! Wow, Dylan Torres! Loner noon? Hirap paniwalaan."

"That was the reason why I had a huge crush on Aera before. Sa lahat ng taong kumakausap sa akin, she was the most genuine of all the people I've met."

Wow, iyon na lang ang nasabi ko sa sarili ko at that moment. Today I understand why and how Torres loved Aera all this time. All these years.

"Ano, masyado bang malaking bomba ang pinasabog ko sa iyo ngayon?" Napansin ni Torres ang pagkatahimik ko.

"You really love her, huh?" I can't help myself but to ask. Ewan ko kung ano ang gusto kong iprove sa sinabi ko. Gusto ko lang siguro malaman kung ano na ang lagay niya with Aera, just to be sure. Para, uhm, I don't know, alam ko lang saan ako lulugar.

"I do. I do love her." He finally answered.

My heart sank.

I kept my hands buried inside my pockets. Kinukurot ko nga yung sarili ko eh. I should've known, you know. Sa dami ba naman ng tao, of course, he loves Aera. Ano na namang nakakatawang ideya ang pumasok sa utak ko in the first place.

Pero Aris, ito lang ang masasabi ko, ang landi mo. First, I am feeling overprotective kay Arki when it comes to Marian. Tapos ngayon, ito naman, nalaman ko lang na mahal ni Torres si Aera hanggang ngayon, nanglumo ka na sa pagkalungkot.

What am I even expecting out of this?

"Welcome to Enchanted Kingdom!" Bigla nang nag-ingay yung mga speakers para patugtugin yung theme song ng EK. Nagsimula na ring magpapasok yung mga crew ng mga guest sa loob. Umayos na kami ni Torres ng pila para makausad na rin.

Though, with all the thoughts clouding inside my head, bigla na ring nahapo yung worries ko when I heard Torres say, "But I am putting everything behind. Nag-usap na kami ni Aera at naging malinaw na sa amin ang lahat. She will always have a place in my heart, pero okay na kami. Okay na siya, okay na ako. Naka-move on na ang dalawang mundo namin. I am happy where I am right now."

Obviously, This Is Not LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon