I can really feel the heat even after the concert. Kahit nga pintig ng tenga ko ay naririnig ko pa rin sa sobrang lakas ng tugtugan kanina. Hindi ako marunong sumayaw, kaya malamang nag-hephep hooray lang ako siguro sa gitna. Kaya siguro ako tinatawanan ni Arki.
Lumayo saglit sa akin si Arki, nakikihalubilo yata siya sa ibang kakilala niya sa Southern Bay. Ako naman, tumambay na lang ako malapit sa may kuhanan ng drinks habang inuubos ko yung fruit punch na hawak ko. Ang init kasi kaya tama lang 'to na pang-palamig.
Suddenly, may lumapit sa akin. Hindi ko muna siya nilingon kasi ang lakas ng amoy ng alak sa kaniya. Sobrang lapit niya sa akin, yung tipong akala ko mamamanyakin na ako. Kaso, kahit na malakas yung amoy ng alak sa kaniya, pamilyar pa rin sa akin yung pabango na gamit niya. Halos tatlong taon ko nang naaamoy sa kaniya yun.
"Torres..." mahina kong sabi.
He was laughing. I can feel his breath on my skin, "B-bakit ngayon lang kita nakita, ha?" Then, he clumsily leaned on the table. May mga natapong drinks tuloy.
Agad-agad ko siyang inalalayan, pilit kong binubuhat yung bigat niya. Isinandal ko siya sa may balikat ko. Tiningnan ko si Torres, and I know right then and there, I broke my heart even it's not suppose to break in the first place. Nakatanggal yung unang tatlong butones sa polo ni Torres tapos ang gulo na rin ng buhok niya, parang ilang beses na niyang dinaanan ng kamay niya almost as if he's frustrated.
"Bakit ka naglalasing!" I exclaimed.
He's still laughing, "Wag mo kasi ako sasaktan, Aera, ayan tuloy, hindi ko kinakaya..."
Napahigpit ako sa hawak ko kay Torres. Yung tipong nanggigigil na sa kaniya. "Torres, si Aris to. Hindi Aera..." I told him. Hinila ko si Torres papunta sa malapit na upuan na nakita ko para maiupo ko siya. He was really wasted saka hindi ko na kaya pang suportahan yung bigat niya. I stared at him for a while.
And then, as if, nakilala na niya nga ako. Narealize na niya na hindi ako si Aera. "Aris... I'm so sorry," he tried to apologize. But he's too drunk to mean it.
Tinanggal ko na lang yung buhok na nakaharang sa mga mata niya. My fingers brushed his skin, feel ko once in a lifetime na lang ito mangyayari. Fortunately, kumalma na si Torres, though I can feel his eyes on me, tapos hinawakan niya yung kamay ko. He was holding it too tight. Pilit ko namang tinatanggal yung kamay ko sa hawak niya. Can't you see? Si Aera talaga ang nasa isip niya, malamang iniisip niya na ako si Aera, na si Aera yung kasama niya ngayon. Hindi ako. Alam kong hindi dapat ako nasasaktan, pero wala akong magawa eh. Ramdam ko ngayon yung kirot.
Pinigilan kong hindi umiyak. "Torres, tatawagan ko si Cather ha? Papauwi na kita. Dapat hindi ka nandito,"
I reached for my phone and called Cather. Thank goodness, sinagot naman niya kaagad tawag ko. "Cather! Yung kakambal mo nandi---"
Torres suddenly pulled me.
He cupped my cheeks.
Leaned his face closer to mine.
And our lips touched.
I melted.
Nabitawan ko yung phone ko. Bigla akong nanlambot, na yung tipong kahit itulak ko papalayo si Torres ay hindi ko magawa. I am still in the process of buffering what's happening. Nakamulat ako, nakapikit si Torres. And I can see his tears lingering from his eyes.
I can taste his tears, the beer he's drinking, and his broken heart. I can taste him. For a moment, I want to stop time. I want him to hold me like this, kiss me, and forget the world around us. For a moment, I thought he loves me, that the kiss was meant for me. For a moment, I believed that he was mine.
BINABASA MO ANG
Obviously, This Is Not Love
SonstigesA story of complicated twists and undeserving ending. We tend to consider it 'love' if two people enjoy their company, feels the same way to each other, and heart beats are in sync. But this is a book narrating how these people enjoy their company...