19| Aera
Nagulat ako sa ginawa ni Torres. I was expecting na makikinig siya lalo na kapag tungkol kay Aera ang usapan. After all, may pinagsamahan naman ang dalawa saka sabi naman niya na mahal niya yung babae di ba? Oo, alam kong medyo mabigat at hindi kapani-paniwala yung nangyari sa kanila dalawa, siguro kung ako ang nasa lugar ni Torres malamang masasaktan ako. Kaya naisip ko na lang siguro na baka nagawa niyang babaan ako ng phone kasi gusto na muna niyang iwasan sa Aera oara makamove on.
Pero ano ba yan, wrong timing naman. Kung kailan kailangan ni Aera ng tulong, tulong ni Torres specifically, saka naman nagbago ang isip at damdamin niya. But I can't blame him. Ako na rin naman mismo nagsabi na pagisipan niyang mabuti yung mga dapat niyang gawin at kung ano yung mga tama sa mali.
I still try to contact him pero wala na, hindi na niya talaga sinagot.
Palayo na ng palayo sina Aera pati nung lalaki. Pupunta na yata sa counter dahil magbabayad na. Dahan-dahan ko silang sinundan para hindi ako mahalata na bumubuntot ako sa kanila. Kumuha na lang ako ng isang pack ng napkin para kunwari may babayaran din ako. Sakto naman na nasa banda likuran lang nila ako kaya kahit papaano naririnig ko usapan nila.
"Lorence, paano ko sasabihin to sa parents ko? Sabi mo papanagutan mo na yung bata?" mahinang tanong ni Aera. Napatingin pa nga sa kanilang dalawa yung cashier kaya lalong napasimangot yung Lorence sa inis.
"Aba, malay ko. Bahala na." Matipid na sagot nung lalaki.
Nakabakas sa mukha ni Aera yung pagkalungkot. Ako yung nasasaktan para sa kaniya. Sorry Aera kung ito yung kinahantungan mo. Sorry din kung pinilit kong ilayo si Torres sayo. May magmamahal na sana sayo at mag-aalaga pero ako naman ang nagpadalawang isip kay Torres.
"Kung ayaw mong panagutan, edi sige! Iwan mo na ako! Iyon naman ang gusto mo di ba?!" Tumahimik ang buong grocery store sa sigaw ni Aera. HIndi na rin niya siguro kinaya pa yung tinatagong lungkot at galit sa lalaki. Napatulala lamang yung binata sa kaniya. Namula pa dahil sa hiya. Hindi umimik yung lalaki. Mas lalo akong nagulat nang makarinig kaming lahat ng isang malakas na 'Pak!'
" Walang hiya ka! Pakshet ka!" Matapos sampalin ni Aera yung Lorence ay agad-agad na siyang tumakbo papalayo.
Lahat tuloy ng tao napatingin sa lalaki. Saka pa lang nagsimula yung mga bulong-bulungan at mga masasamang tingin. Nakarinig pa ako ng kumento mula sa isang matandang babae, "Binubuntis-buntis mo tapos ganiyan ka? Hayop ka rin ano!"
Hindi na nakaimik si Lorence. Nagwalk out na lang siya. Hindi na niya nabitbit yung mga pinamili niya.
Binitawan ko na rin yung dala kong napkin at sinubukang sundan si Aera. Ang hirap na niyang hanapin kasi kanina pa siya nakatakbo nun, hindi ko alam kung saan ako pupunta para maghanap. Sakto naman pagkalagpas ko ng sakayan ng jeep, nakita ko si Aera na nakatayo sa gilid malapit sa nagbebenta ng pares.
Lalapitan ko kaya?
Nilakasan ko na lang loob ko na lapitan siya kahit na hindi naman niya ako kilala. Ang tanging gusto ni Aera lang ngayon ay ang makakasama. Nandito naman ako, bakit hindi di ba?
"Aera?" nahihiya kong tawag sa kaniya.
Tumingala siya at hinanap kung kanino galing yung boses ng nagtawag sa kaniya. Nung nagtagpo mga mata namin, napangiti siya. "Hello," natatawa pa niyang sabi habang pinupunasan niya yung mga luha niya. "Kilala kita, isa ka sa mga kaibigan ni Dylan, di ba?"
Tumango ako, "Paano mo nalaman?"
"Napagkukwentuhan naman namin din kayo minsan. Nakita na rin kita once nung sa ihawan..." Pilit ang mga ngiti ni Aera. Nasasaktan na siya pero pinapakita pa rin niya sa iba na balewala lang sa kaniya ang lahat, na kayang-kaya niyang mag-isa, na okay lang ang lahat ng ito. Gusto ko tuloy siyang yakapin. Kung pwede lang sana mabawasan kahit papaano yung bigat na dadalhin niya, magawa ko sana.
"Nakita ko yung sa grocery..." Sabi ko. Hindi ko pa nga alam kung sasabihin ko ba iyon o hindi? Pero lumabas na lang bigla sa bibig ko iyon dahil na rin siguro hindi ko alam kung ano gagawin ko.
Lalo siyang tumawa. Yung malungkot na tawa. "Ah, ganun ba?" Pinunasan niya yung nangingilid na naman niyang luha. Nanginginig na rin yung mga boses niya. "Grabe ano? Hindi ko inasahan na hahantong sa ganito?"
Hindi ako umimik. Nagpatuloy lang sya sa pagsasalita. "Sorry din pala yung tungkol kay Torres ha? Alam kong alam mo kung ano nangyari sa aming dalawa. Ikaw ang kadalasan niyang nababanggit eh kaya in-assume ko na lang na alam mo yung nagawa."
Napaisip ako. Anong ibig sabihin niya na ako ang kadalasang nababanggit ni Torres sa kaniya?
Napailing ako at lalong lumapit kay Aera. "Wala na yun. Naiintindihan ko iyon. Sorry din kasi ako na rin ang nagsabi kay Torres na pag-isipan niyang mabuti iyon. Ako ang may kasalanan kung bakit ka ngayon nagkakaganito..."
Inabot ni Aera mga kamay ko at mahigpit niya itong hinawakan. "Wala ka dapat i-sorry. Ako ang pumasok sa gulo na ito. Saka isa pa, nag-usap na kami ni Torres. Ako na ang pumilit sa kaniya na layuan na niya ako. Tama lang yung ginawa mo. Ayokong ipagpilitan ang sarili ko kay Dylan."
Lalo siyang napaluha sa mga oras na iyon. Hindi ko tuloy alam kung paano ko siya patatahanin. Natingin na rin sa amin pati yung mga taong nadaan sa sakayan ng jeep. Kahit na hindi ko kaclose si Aera, dahan dahan akong lumapit sa kaniya para yakapin siya. "Alam kong ngayon lang tayo nagkakilala, Aera. Pero promise ko sayo na nandito lang ako para sayo. If that guy can't support you and your baby, dito ako bilang kaibigan, Aera. Gawin ko lahat ng makakaya ko basta wag mo lang maramdaman na ikaw lang ang nag-iisa."
Napayakap lalo sa akin si Aera ng mahigpit sa mga sinabi ko. Humagulgol siya sa may balikat ko. "Thank you..."
Nang tumahan na si Aera mula sa pag-iyak, niyaya ko siya na kumain ng merienda. Suddenly, gumaan ang loob ko kay Aera. I may have judged her wrongly before because of what she did to Torres. Pero ngayon naiintindihan ko na side niya. She needed someone to depend on, yun lang. Kailangan niya na may susuporta sa kaniya, kasangga niya sa lahat ng problema. But the way how she resolve her needs are unacceptable in any way. Hindi naman pwedeng pikutin niya lang ang isang tao ng ganun-ganun lang. She can ask her needs from a friend naman, di ba?
Dumayo kami ni Aera sa kilalang burger joint dito sa Hanha Circle. Nakapagkwentuhan kami saglit. Nagpakilala sa isa't-isa. Nagtawanan kaming dalawa.
Somehow, for someone like me na medyo mailap sa tao, I can say that this is the moment which I can recall to someday and really say that I did make someone happy from my efforts.
Before we bid goodbyes, nagthank you pa ulit sa akin si Aera. Hiningi niya number ko para makapagbonding kami ulit ng ganito. Gusto daw niya makilala ng husto si Cather. Gusto niya magkaroon ng bagong tao sa buhay niya na hindi siya ija-judge at sasaktan.
Napangiti na lang ako. "Of course, Aera. Nandito lang kami, okay?"
BINABASA MO ANG
Obviously, This Is Not Love
De TodoA story of complicated twists and undeserving ending. We tend to consider it 'love' if two people enjoy their company, feels the same way to each other, and heart beats are in sync. But this is a book narrating how these people enjoy their company...
