20| For the Weak Hearts

281 4 4
                                        


20| For the Weak Hearts

Malapit sa may Metro daw si Aera nakatira kaya nagkahiwalay na kami nung umuwi kami. Sa oras na iyon para akong nabunutan ng tinik. Para bang masasabi ko na, finally, I felt peace. Mula sa pinagtambayan namin saglit ni Aera, malapit doon ang libingan ni lola Ameia at ni lolo Kulit, yung parents naman ni mommy. Matagal-tagal na rin pala nung huli ko silang binisita kaya napag-isipan kong dumaan muna saglit habang medyo maaga pa naman. Tinext ko nalang si mommy para magsabi na bibisitahin ko sina lolo at lola.

Saktong pagdaan ko sa may kanto, nahagip ng mata ko yung lalaking naiyak sa may dulo. At first, natakot ako. Sino ba namang hindi makakaramdam ng takot lalo na kapag nasa sementeryo ka tapos may naririnig kang humihikbi? Tinitigan ko ng mabuti yung lalaki. Familiar kasi yung ID lace na nakasabit sa may bulsa niya. ID lace iyon ng school namin. Dahan-dahan akong lumapit. Doon din kasi ang daan kung saan nakalibing sina lolo Kulit at lola Ameia. At sa bawat paghakbang ko, unti-unti kong namumukhaan kung sino yung lalaking iyon.

Si kuya Kurt.

Yung the One ng Thompson Media.

Yung kuya Kurt na mukhang matapang kapag makikita mo sa hallways ng school, pero pag dating dito kitang-kita ko ang pagnginig ng tuhod. Nahihiya na akong lumapit lalo nun. Baka kasi mapansin niya na nandito ako.

Sige, lolo at lola, baka next time ko na lang kayo daanan.

"Saan ka pupunta?" Mahinang tanong ni Kuya Kurt. Nakayuko pa rin siya nun, pinupunasan na yung mga luhang dumampi sa pisngi niya tapos saka siya lumingon sa akin. Dito ko hinangaan si kuya Kurt. Humarap kasi siya sa akin na nakangiti. Hindi niya dineny na mahina siya ngayon, pinakita niya ng buo na ito yung pinaka sensitibong oras para sa kaniya.

"Puntahan ko sana sina lolo at lola," Sagot ko naman. Hindi nga lang ako makatingin sa kaniya ng deretsuhan.

"Ah, ganun ba? Dito pala nakatira lolo at lola mo." Tumingin na siya ulit dun sa harapan niya na kung saan isang babaeng pangalan ang mababasa. Quinn Eliz Arias. Sino naman kaya yung babae.

As if nabasa ni kuya Kurt yung iniisip ko. Siya na mismo ang sumagot sa tanong ko. "Dito naman kasi nakatira itong mahal ko,"

Natigilan ako. Tumigil ako sa pag-inhale at exhale saglit. Tama ba yung narinig ko? Para tuloy ako nabuhusan ng malamig na tubig tapos saka pa lang nagising mula sa sinabi niya. Dito naman kasi nakatira itong mahal ko... Yung mahal niya... Wala na.

Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya. "Kung okay lang kuya Kurt, ano pong nangyari sa kaniya? Naaksidente po ba? O may sakit?"

Ngumiti siya sa akin nung tiningnan niya ako. "Hindi. She died because she killed herself."

Mas lalo akong nasuffocate. Hindi na talaga ako nakahinga. First time ko lang kasi makarinig ng ganito. They died because it was their choice. Wala na bang ibang option? Para sa kanila, wala na siguro.

Nagawa pa ni Kuya Kurt tumawa, "Oh bakit? Nagulat ka yata?"

Hindi ako nakaimik.

"Okay lang yan. Wag ka nang mabigla. Hindi lang mga may sakit at naaksidente ang mga nakahimlay sa lupa na ito. Meron din yung mga taong mahihina ang puso kaya sumuko."

"Totoo pala..." Bulong ko sa sarili ko.

Narinig din pala ni kuya Kurt yun, "ang alin ang totoo?"

Tumingala ako para tingnan na siya mismo sa kaniyang mga mata. Nakita ko na may halong lungkot at saya yung mga luhang nangilid sa mga mata niya. Para tuloy akong naiiyak, parang nararamdaman ko din kung ano yung nararamdaman niya. I cleared my throat. "Yung mga kwento sa school kung bakit ka lumipat dito sa Hanha Circle,"

Obviously, This Is Not LoveMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon