The Mayors Son
Nandyan na si mayor. !!
Nandyan na si mayor.!!Sigaw ng mga tao habang nagtatakbuhan patungo sa covered court.
na siya din ang nagpagawa si Mayor Leondro Rofonde mayaman,maimpluwensiya at kilala na mabait sa mga tao na nasasakupan niya,ang mga Rofonde ang may hawak sa bayan ng Sto.Domingo kung saan ako nakatira at lumaki.ako nga pala si Leon de vera 25 years old,5'6,maputi,gwapo tamang katawan dahil sa pagsasaka,graduate ako ng education pero sa ngayon pagsasaka muna dahil tinutulungan ko si tatay sa bukid..Tay! Nandyan na si Mayor habang nasa tindahan habang kausap si aling tasing..
Ang pangalan nga pala ng tatay ko ay Julio de Vera,ang Nanay ko ay Imelda de vera, nag iisang anak lang ako dahil mahirap magbuntis si inay nuon sabi ni itay dahil high blood si Nanay..
Oo nandyan na ako! Sabi ni tatay
Balita ko mamimigay ng punla si Mayor? Sabi ko
Oo nak buti naman kahit papano nakakatulong siya sa mga kababayan natin!
Mabait naman sina Mayor pati ang asawa niyang si Anita rofonde may dalawang anak si mam Anita ang panganay na si andrew Rofonde at si Ana Rofonde na kilala din ng buong bayan dahil matagal na ang pamilya nila sa hanay ng pulitika.kababata ko nga pala si andrew dahil pareho kami ng elementaryang pinasukan dahil gusto nila laging mapalapit sa taong bayan pati ang kapatid niyang si Ana ay kaibigan ko rin dahil di naman malaki ang agwat nilang magkapatid..nasa america ang magkapatid dahil duon sila nag kolehiyo at nagtrabaho,kaya wala na akong balita sa kanila.
Tara na tay" sabi ko mukang magsisimula na ang speech ni Mayor.
Tumungo kami malapit sa entablado kung saan nagsasalita si Mayor,nginitian kami ni mam Anita pati na si Mayor ay nakilala kami ni tatay naupo kami sa harapan upang makinig sa mga salita ni mayor,si tatay kasi ang presidente ng magsasaka sa aming lugar kaya kailangan nasa harap siya mismo,kami rin kasi ang may ari ng tindahan ng abuno at pagkain mga hayop sa bayan...umabot din halos isang oras ang programa Nang matapos ng mag speech si mayor ay agad siyang bumaba ng entablado upang bumati at kamayan ang mga tao..lumapit naman kami sa kanya upang makipagkamay..
Musta na julio,leon?Mayor
Ayos naman Mayor,salamat nga pala at di niyo kami nakakalimutan dito,,tugon naman ni tatay..
Wala yun! Trabaho natin yan upang makatulong sa mga kababayan natin,sige kailagan na nating ipamigay ang mga punla dahil kailngan ko ng bumalik sa city hall dahil may mga ka meeting ako..
Kinamayan ko naman si Mayor at ngiti naman ang sinukli ni mam Anita na asawa ni Mayor .namigay na ng mga punla si Mayor pero kami na ang nagtuloy dahil kailngan na niyang bumalik sa city hall.nagpasalamat ang mga tao habang papaalis si mayor.matapos namin sa covered court ay ikinarga na namin ni tatay ang punla sa aming jeep upang umuwi na alas-kwatro na ng hapon nagpasalamat n si tatay sa mga kabarangay namin..ako na ang nagmaneho dahil alam Kong pagod na si tatay..Gabi ng makauwi kami ni tatay dahil dumaan pa kami sa pwesto namin sa bayan isinara pa namin ito bago kami tumuloy sa bahay.nagtaka naman ako ng may nakatigil na sasakyan malapit sa aming bahay..
Tay may inaasahan ba kayong bisita ngayon Gabi?
Wala naman anak! sagot naman ni tatay
Nagtataka ako dahil van ito na kulay itim,,..si Nanay lang kasi ang tao sa amin at dalawang kasambahay at ang pinsan Kong si Marjorie na wala dahil umuwi muna sa kanila dahil bakasyon..papasok na kami sa gate nakailaw naman ang ilaw sa gate bumusina ako at binuksan naman ng kasambahay namin.
Ate Mayeth may bisita ba si Nanay?tanong ko
Oo sir leon yong may ari ng van sa labas..tugon niya bumaba agad si tatay pumasok na siya sa bahay upang tignan kung sinu ang nasa loob..ginarahe ko naman ang jeep sa gilid ng bahay..bilin kasi namin Kay Nanay wag basta magpapasok ng taong di namin kilala,nang Mae garage ko na ay sa likod ako dumaan sa may kusina,
BINABASA MO ANG
The Mayors Son
RomanceStory of leon and andrew... Paano mo maitatago ang lihim na matagal mong itinago sa iyong ama na isang mayor dahil sa pagmamahal... Di mo inakala na mag mamahal ka ng isang tulad niya.... sana po magustuhan niyo ito...ito ang una kong sinulat sa wat...