the diNNer 1

103 3 0
                                    

Leon's pov



Ilang araw na din ang nakalipas ng maging kami ni andrew,di ko alam pero ibang saya ang pakiramdam ko pag nandyan si andrew..di ko akalain na mamahalin ko siya..dahil alam ko sa sarili ko na lalaki naman talaga ako pero kay andrew di ko alam mahal ko siya..talaga sigurong walang pinipiling kasarian ang pag ibig...pero gusto ko malaman nila nanay at tatay ang sitwasyon namin ni andrew kasi mula pagka bata di ako naglihim sa kanila..kaya alam ko maiintindihan nila ako para malaman na rin namin ang saloobin nila sa relasyon naming dalawa...


Pare malalim nanaman iniisip mo ah,mahal ka nun...si betong na kakadating lang galing delivery.alam ko kasing may kutob na si betong sa amin ni andrew may tiwala naman ako sa kanya na kung sabihin ko man ay sa amin lang ang usapan..

Di naman pare,,...may iniisip lang..ako na nakaupo sa harap ng lamesa sa loob ng pwesto..umupo naman si betong sa tabi ko..

Si Andrew yan noh pare?wag ka ng tumanggi kita ko naman sa inyong dalawa..kayo na ba?tinakpan ko ang bibig ni betong ng mga palad ko para manahimik...nagulat man ako ay siguro pansin niya na siguro mula nung simula pa lang...

Ingay mo naman pareng betong...wala talaga akong maitago sa inyo ni dondon...oo kami na pare..pero sikreto lang...iniisip mo siguro bading na din ako..ngumiti naman si betong inalis ko na kasi ang mga palad ko sa bibig niya..

Sira ka talaga...ikaw pa alam naman naming lalake ka kasama ka namin sa kalokohan..saka naiintindihan ka namin ni dondon..magkakaibigan kaya tayo saka wala kaming karapatang husgahan kayo ni Andrew nagmamahalan kayo e,wag niyo na lang iisipin ang sasabihin ng ibang tao dahil iba-iba tayo ng pananaw....natuwa naman ako sa sinabi ni betong..malalaman mo talaga kung sinu ang mga tunay mong kaibigan....

Salamat pare...di ko rin alam na inlove talaga ako sa kanya...saka may gusto na rin pala siya sa akin...saka pare bisexual talaga si andrew..wag kang maingay ha....bulong ko kay betong na tinapik ko pa sa balikat..

Talaga???kaya pala iba siya tumingin sa amin ni dondon....si betong na nagbiro pa..

Loko....!kayo nga ata nagkagusto sa kanya at napaka kinis niya at muka ng babae natulala pa nga kayo nung minsan tayong nag inuman.....sagot ko sa biro ni betong.

Joke lang naman pare,ikaw talaga ang tinitignan niya palagi pansin ko rin..hehehe saka masaya ako para sayo pare,,alam na ba nila tito julio at tita imelda?sina mayor?tanong bigla ni betong na parang nababasa mga iniisip ko...

Yun nga pare iniisip ko,pinag usapan na rin namin ni andrew kagabi,balak na naming sabihin kay tatay at kay nanay..pero kina mayor siguro pag handa na si andrew...ayoko din kasing maglihim kila tatay alam ko namang maiintindihan nila ako...ako na seryosong nakatingin kay betong..tumango naman siya saka nagsalita..

Alam ko namang maiintindihan kayo nina tito..goodluck pare hah..basta andito lang kami ni dondon..seryoso mo inlove kang talaga...hehehe si betong na tumatawa na nakisabay na lang ako sa tawa niya..atleast medyo lumuwag ang pakiramdam ko salamat sa kanilang mga kaibigan ko..saka lumakas ang loob ko na sabihin kina tatay para kay andrew gagawin ko,,.nagsalita ulit si betong...

Nag..anu na kayo pare??si betong na nag biro ulit na nakangiti...namutla ata ako sa tanong niya..

Gago!!secret na malupet...umalis ka na ng matapos na ang delivery 🚚 umalis naman si betong na nakangisi na parang nagsasabing may utang akong sagot sa tanong niya....

Maghapon rin ako dito sa puwesto dahil wala si tatay,may seminar ang leader ng magsasaka sa kabilang bayan,baka gabihin na rin siya kaya ako muna ang pinatao niya dito marami kasing stock na darating...saka sabi niya may pag uusapan kami mamayang hapunan bago siya umalis ng bahay kaninang umaga...habang may inaayos akong mga papeles ay may narecieve akong text mula kay andrew..pinalitan niya rin kasi ang mga pangalan namin sa mga cellphone namin..

From:sweetdrew
Mango musta diyan,anu time ka uuwi?❤
Me:ayos naman sweet,baka mamaya uwi na din ako tinatapos ko lang yung stock na dumating...miz u
From:sweetdrew
Miz u too mango,tutulungan ko magluto si tita imelda mamayang dinner..ingat ka pag uwi mamaya..i love ❤ you
me:i love you sweet 🍬

Matapos ang palitan ng message namin ni andrew ay inasikaso ko na ang mga dapat tapusin,,hapon na rin kaya bago mag alas 5 ay umuwi na ako..sina betong na rin ang binilinan kong magsara..ayos lang naman raw gawa ng para daw akong nagmamadali na may nag aantay na asawa sa akin biro ni betong...binatukan ko na lang ang loko at mabilis na umalis...oo nga para na akong may asawa ngayon kasi gusto ko lagi kong nakikita si andrew,nahahalikan..haaay....😊❤

Mabilis naman akong nakauwi sa bahay,ipinarada ko ang scooter ko at mabilis na pumasok sa loob,mukang nagluluto na sina nanay dahil na nganGamoy na ang niluluto nila..pumunta ako sa kusina nakita ko naman sina nanay at kasambahay namin pati si andrew na naghihiwa ng gulay,kinindatan ko naman siya namula syempre..nginitian niya naman ako...

Anak leon andiyan ka na pala..magpahinga ka na muna,at nagluluto pa kami..maaga din daw uuwi tatay mo para sabay sabay tayo...si nanay na naghihiwa din ng gulay...

Mukang madami kayong lulutuin naynah.. .Cge po akyat na muna ako nay,magbibihis na rin po muna ako...tinutulungan rin pala kayo magluto Ni andrew...?tanong ko habang nakatingin kay andrew

Oo anak,ayaw kasi niyang magkulong sa kwarto,sabi ko nga kami na lang mapilit eh kaya yan pinaghihiwa ko na lang...si nanay.....tumango na lang ako kinindatan ko na rin na sumunod sa kwarto si andrew..pag uusapan kasi namin na balak ko ng sabihin kina tatay mamayang gabi...tumango naman siya at mabilis na akong umalis sa kusina at umakyat na sa kwarto at nagbihis..

Pagka akyat ko ay nagbihis ka agad at umupo sa kama saka sinende ang tv habang inaantay si andrew...,di nga nagtagal ay dumating na si andrew mabilis siyang lumapit sa akin at umupo din sa kama...hinalikan ko naman siya agad sa labi...

Mango balak mo na ba talagang sabihin kina tito at tita?si andrew na nagtanong pagakatapos ko siyang halikan...inihiga ko na rin kasi siya sa kama..habang ang ulo niya ay nasa mga braso ko...nakaakbay ako sa kanya habang nakayakap siya sa akin...

Oo sweet,,ayoko rin maglihim kina tatay...saka alam kong maiintindihan nila tayo...hinihimas ko rin ang braso ni Andrew

Pero???😌 si andrew na mukang nag-aalala..bago pa siya magsalita ay nagsalita na ako...

Sshhh...wag kang mag alala ako bahalang magsabi sa kanila saka kilala ko sina tatay at nanay mas gusto nila na nagsasabi ng totoo sa kanila....saka andito ako di kita pababayaan....hinalikan ko sa labi si andrew para hindi siya matakot....ako rin naman ay kinakabahan pero desidedo na ako na sabihin kina tatay at nanay....❤💋😊

To be continued......

Sorry hinati ko po..pero worth it po promise...

Salamat po ulit sa lahat ng mambabasa ko... Vote and comment po....😊
Sa Sunday po ung part 2...

The Mayors SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon