☺☺💗💗
Andrew's pov
Alam kong desidido na si leon sa desisyon na sabihin sa mga magulang niya ang relasyon namin,kinakabahan man ako ay sigurado naman ako na di ako pababayaan ni leon alam ko din namang mabait sina Tito Julio at tita imelda.Sana ganun din si daddy ipinagdadasal ko in time matatanggap niya ako at ang taong mamahalin ko salamat kay mommy at sa kapatid kong si ana dahil kahit papaano nagkakaroon ako ng paghuhugatan ng lakas na loob..lalo na ng dumating si leon sa buhay ko di ko akalain na may totoong magmamahal at magpapahalaga sa akin bilang ako..😊❤
Bakit ka nakatitig diyan baka matunaw na talaga ako niyan....si leon habang nakatingin ako sa mga muka niya,inihiga niya kasi ako sa kama at nakapatong ang ulo ko sa mga braso niya habang nakayakap ako sa kanya.katatapos lang kasi niyang sabihin ang desisyon niya na sabihin sa mga magulang niya ang relasyon namin,wala naman akong tutol dahil sabi ko susuprtahan ko siya at ganun din siya sa akin..
Masama bang titigan ang mango ko?ang gwapo mo kasi...biro ko,at kinurot ko ang mga pisngi niya...tumawa naman siya at niyakap ako ng mahigpit para makaganti sa pagkurot ko sa pisngi niya inilagay niya ako sa ibabaw niya at hinalikan sa mga labi...😊❤💋🍬
I love you sweet,,,para sayo gagawin ko lahat para maging masaya ka..si leon pagkatapos akong halikan sa labi at nangungusap ang mga mata..😍❤
I love ❤ you too mango,,,salamat sa lahat yaan mo andito lang ako palagi para suportahan ka....😍 😘💋 ako naman ang humalik sa mga labi niya,,naging matagal ang mga halik at maalab nagiging malikot ang kamay ni leon nang......
Tok tok tok......
Kuya leon,sir andrew maghahapunan na daw po,nakahain na si tita imelda nandyan na rin po si tito julio...sabi ng kasambahay nina leon pagkatapos kumatok,napatigil naman kami sa ginagawa namin ni leon,nagkatitigan at nagkangitian na lang.Bakas man ang pagka dismaya sa mga mata niya ay huminto na rin kami....
Hoops.....sorry bad timing..sabi ko na nakangiti habang nakaibabaw pa rin sa kanya...
Humanda ka mamaya..tsup....si leon at nag smack sa mga labi ko saka sinagot ang kasambay....
Oo ate mayeth ba baba na kami pakisabi kila tatay salamat....sigaw ni leon sa kasambahay nilang nasa labas ng pintuan,mabilis naman kaming bumangon at nag ayos nagpalit din ako ng damit pati si leon ay inayos na rin ang sarili..
Ready ka na?si leon💋
Yup.....sagot ko 💋
Sabay na kaming bumaba ni leon at mabilis na pumunta sa kusina,kinakabahan man ako ay alam ko na magiging maayos ang lahat...naabutan naman naming naghahain pa lang si tita imelda at ang kasambahay si tito julio naman ay mukang nasa labas pa.
Maupo na kayo diyan,,tapos na ako maghain antayin na lang natin ang tatay niyo...tumango naman ako at nagsalita si leon..😊 habang paupo kami sa hapagkainan...
Andami naman atang nakahain inay may inaasahan ba kayong bisita?si leon na nagtanong sa ina..sasagot pa lang sana si tita imelda bigla namang dumating si tito julio...
Oh mga anak nandiyan na pala kayo..imelda tapos ka na bang maghain? halika na dito sa hapag..tamang tama dumating na ang bisita natin...si tito julio
Nagkatinginan naman ka ni leon mukang,hindi matutuloy ang plano niya na pag amin tungkol sa aming dalawa,tinitignan ko naman sa likod ni tito julio kung sinu ang bisita...hinawakan naman ni leon ang mga kamay ko mula sa ilalim ng lamesa at pinisil ito tinignan ko na lang siya,mukang decided na talaga siya...ngumiti na lang ako...
BINABASA MO ANG
The Mayors Son
RomanceStory of leon and andrew... Paano mo maitatago ang lihim na matagal mong itinago sa iyong ama na isang mayor dahil sa pagmamahal... Di mo inakala na mag mamahal ka ng isang tulad niya.... sana po magustuhan niyo ito...ito ang una kong sinulat sa wat...