The Perfect Family

183 7 0
                                    

Sa Mansion ng mga ROFONDE:Andrews p.o.v

Halos 15 minutes akong nagdrive mula sa bahay nila leon, pauwi sa mansion..binilisan ko talaga magdrive dahil sa inis sa aking ama na si Mayor Leondro Rofonde,Di ko na kasi ma take ang pag control niya sa buhay naming magkapatid na si Ana naiwan muna siya sa America dahil ayaw niya talagang umuwi dahil sa aming ama..Bumusina ako sa gate ng mansion,,malaki ang mansion dalawa ang gate nito na may harden sa gitna,malaki ang bahay na nasa gitna nito na may pool sa likuran at may harden din,tatlo ang kwarto nito sa taas at dalawa sa ibaba para sa mga guests..Lima ang kasambahay Nina mama at dalawang guard..minana pa kasi ni Dady mula sa aking mga lolo,,kaya may kalumaan na rin ang gamit nito,.. Binuksan na ng guard ang gate,ipinasok ko na agad ang sasakyan iginarahe ko na agad ang aking kotse at bumaba patungo sa pintuan..pagpasok ko sa pinto ay sinalubong agad ako ni mommy na mukang nag alala. Hinalikan ko sa siya sa pisngi at dumeritso sa sofa upang maupo...mabait si mommy siya ang madalas dumadalaw sa amin sa America..naiintindihan niya kami halos sa lahat ng bagay na gusto naming magkapatid,

San ka ba galing anak?kumain ka na ba?tanong agad ni mommy

I'm good mom,namasyal lang ako..how's your day?tanung ko naman sa kanya

Ayos naman anak,ang aga mo umalis kaninang umaga di ka man lang nagpaalam sa akin,..tugon niya na nakangiti sa akin na parang may kaunting tampo...

Sorry mom,I need to think and I need fresh air na miss ko rin kasi ang sto.Domingo..sagot ko naman sa kanya..

Nakapag usap na ba kayo ng dady mo..hinahanap ka sakin kanina pa anak...si mommy

Di na muna ako umimik...Alam ni mommy na may problema kami ni dady..mula nang dumating ako ay Hindi pa ka kami nag uusap ng kaming dalawa lang mag ama.kahit nuong sinundo niya ako ay sa isang kotse ako sumakay...si mommy lang kasi ang nakakaalam ng mga nangyayari sa aming dalawang magkapatid sa abroad kaya minsan di niya sinasabi Kay Dady ang mga ginagawa namin..minsan nga nagsisinungaling siya para pagtakpan kami lalo na nang magbuntis si Ana nung 20 pa lang siya halos 4 months na ang tiyan ni Ana ng malaman ni Dady..wala na rin naman siyang nagawa kasi nandito siya sa pilipinas..strikto si Dady lalo na sa aming magkapatid,mahigpit sa lahat ng mga bagay di kami sumusuway sa mga gusto niya,kaya pinadala kami sa abroad magkapatid siya ang nagdesisyon nuon,nagtalo pa nga sila ni mommy dahil ayaw ni mommy na umalis kaming magkapatid..wala din namang nagawa si mommy..siya din ang nagdecide na kumuha kami ng business course magkapatid dahil sa mga negosyo namin sa maynila at dito sa sto.Domingo.pero photography talaga ang gusto ko kaya kumuha din ako ng course na yun habang nagtatrabaho sa company ng aking tiyuhen na kamag anak ni dady..Hindi ko naman alam kung alam na ni Dady na kumuha ako ng photography, si mama lang kasi ang nakakaalam.
Wala si Dady nasa meeting pa pero pauwi na rin sabi ni mommy sabay sabay na daw kami mag dinner...pumunta na si mommy sa kusina para e ready ang mga hapunan..umakyat muna ako para nagbihis,nahiga muna ako at nag stretch ng kaunti sa aking kama...

Pep...pep.....busina yun mula sa labas galing sa sasakyan ni Dady kasama mga body guard niya..bumangon ako at sumilip sa bintana di muna ako bumaba agad inaantay ko naman na may kumatok munang katulong,,wala kasi ako sa mood makausap si dady..may kumatok na ngang katulong at tinawag na ako..lumabas naman ako ng kwarto at bumaba na ng hagdan dumeritso na ako ng dining area nanduon si Dady nakaupo na ,pati na rin si mommy inaantay na pala nila ako..

Umupo ka na Andrew at kumain na tayo...sabi ni mommy

Umupo naman ako malapit Kay dady,nakaharap naman ako Kay mommy..nagsimula na kaming maghapunan wala pa rin umiimik..... si mommy ay di naman nagsasalita basta inaabutan niya lang ako ng mga pagkaing niluto niya...si Dady kasi talaga ay tahimik di mo malalaman ang iniisip niya...kaya minsan di namin ma analyze kung anung mood meron siya..yun pa rin kasi pagkaka kilala ko sa kanya kahit 12 years ko siyang di nakasama..tahimik pa rin hanggang matapos na kaming kumain....aktong tatayo na ako ng mag salita si Dady..

The Mayors SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon