Medyo maliwanag na sa bintana ng aking kwarto ng akoy magising,di pa ako bumangon dahil medyo inaaaantok pa ako nagkwentuhan pa kasi kami nila tatay kagabi...Di kasi namin inaasahan na uuwi ang anak ni Mayor,,nagulat pa nga raw ang mga magulang ko dahil napaka gandang lalaki ni Andrew...tanda pa kasi nila na napaka payat niya nuon at may salamin pa balita pa nga raw nila nuon na sakitin siya..Di na kasi namin inaasahan na makikilala pa namin si Andrew,,dahil bago pa kami mag high school ay di na kami nakabalita tungkol sa kanila mula ng pumunta silang magkapatid sa America..di rin naman masyadong nagkukwento si mayor tungkol sa mga anak niya.Ang sinasabi lang nila ay tapos na sa magandang eskwelahan sina Andrew at Ana at may magandang trabaho na parang wala na talagang balak umuwi...Habang umuunat pa ako sa aking higaan ay may biglang kumatok sa pintuan..
Tok...tok Leon anak...sabi ni Nanay
Bumangon ako agad at binuksan ang pinto,baka kasi may kailangan siya o may sasabihin...naka boxer shorts lang ako ng buksan ko ang pinto...
Bakit nay?tanung ko sa kanya
Nagising ba kita anak?,,
Di naman po sagot ko sa kanya..habang naghihikab pa dahil muka pa akong inaantok...Magbihis ka na at may bisita ka sa baba.....
Hah!sinu naman po wag niyong sabihin si betong at dondon...tanung ko..,sila nga pala ang mga kaibigan ko minsan kasama sa bukid,si betong driver ni tatay sa pwesto at si don don ang nag aasikaso sa mg tubigan ni tatay mga kababata ko rin..ka batch din namin ni andrew..sa kabilang kanto lang sila nakatira..ako kasi ang utangan ng dalawa..may asawa na si betong kaya pag may emergency sa akin siya humuhiram..si don don naman ay may kinakasama na..nagpupunta rin sila dito pag may iuutos si tatay sa kanila...
Hindi anak si Andrew nandyan sa baba..,biglang sabi ni Nanay
Akala ko yung dalawa!!sige po susunod na ako..
Nagtataka naman ako bakit andito ang anak ni Mayor napaka aga naman yata niya ..tanung ko...habang kumukuha ako ng maong na short at puting t shirt sa cabinet ko..nagbihis naman ako agad para bumaba..binuksan ko muna yung bintana at may nakita akong grey na kotse sa baba mukang bago pa ito..
Lumabas na ako ng kwarto at bumaba na ng hagdan..nakita ko agad si Andrew sa sala naka sando siyang puti na fit sa katawan niya at naka short ng pula..bakat na bakat ang mga muscle niya..mukang talo ako sa katawan..sa isip ko lang..maganda naman katawan ko batak lang sa buhat ng mga palay at abono..siya kasi mukang nag gym kaya shape ang pagka muscle niya..lumapit na nga ako sa kanya...Uy pare ang aga mo yata,may kailangan ka ba??..tanung ko
Ngumiti naman siya sa akin,oo Leon ito nga pala pasalubong ko..sabay about ng supot ng duty free na may mga lamang tsokolate..
Salamat naman ang tugon ko..nag abala ka pa?
Ayos lang yan pasasalamat ko na rin yan kagabi kila Tito at tita,nakalimutan ko na ngang ibigay kagabi dahil dumating na si Dady..sagot naman ni Andrew
Gusto Kong magtanong sa kanya kung bakit siya nandito sa sto.Domingo antagal din kasi niyang nawala..bigla siyang nagsalita ulit..
Nagtataka siguro kayo kung bakit ako umuwi pare!?..
Oo Andrew antagal na din naman namin kayong di nakikita dito sa atin balita ko kasi busy kayo sa ibang bansa sa mga trabaho niyo yun kasi balita ni mayor sa amin..,sagot ko
Na miss ko lang dito..,,tugon niya
Napansin ko naman medyo lumungkot ang expression ng muka niya..nagkwentuhan pa kami marami pa akong natanong sa kanya at marami din siyang natanong sa akin,,tungkol sa kapatid niyang si Ana,bakit single pa ako pati pala siya single din..tungkol sa mga kababata namin...binalikan pa namin nung mga elementary kami parang usap magkaibigan ng natural at may tawanan lang. Tinawag na rin kami ni Nanay para kumain di pa kasi ako nag agahan kumain din siya..dahil na miss niya ang longganisa sa amin pati na ang sinangag at tuyo..kwentuhan pa rin kami hanggang matapos kami kumain,hiniling niya ring samahan ko siya sa pamamasyal Kung OK lang raw saa akin..pumayag naman ako dahil kababata ko naman si Andrew ..
BINABASA MO ANG
The Mayors Son
RomanceStory of leon and andrew... Paano mo maitatago ang lihim na matagal mong itinago sa iyong ama na isang mayor dahil sa pagmamahal... Di mo inakala na mag mamahal ka ng isang tulad niya.... sana po magustuhan niyo ito...ito ang una kong sinulat sa wat...