Leons pov
Oh leon..mukang di ka nakatulog ah?may hangover ka pa rin ba?si betong
Maaga akong umalis sa bahay dahil sa nangyari kagabi..di ako halos nakatulog sa pag iisip sa naging paghalik sa akin ni andrew,pero ang di ko napigilan ay tumugon ako sa halik na yun...nagustuhan ko pa..maaga akong sumama kay tatay papunta sa tubigan dahil schedule ng patubig kasama si dondon..nang malaman kong sumama si andrew kay nanay parang ayoko muna siyang makita dahil gusto kong umiwas para makapag isip kaya umalis kaagad ako gamit ang scooter ko,naabutan ko naman si betong na magbubukas pa lang ng tindahan...di ko kasi alam ang nararamdaman ko....haaay...basta dito muna ako sa tindahan hanggang makapag isip...
Anu nalunod ka na yata sa pag iisip pare?si betong ulit
...habang nagtitimpla ng kape at may dala namang pandesal sa marieHah...ah e anu na tinatanong mo?..
Wala pare kung anuman yan..iniisip mo kumain ka muna ng pandesal tapos magkape ka na rin...para naman mawala sakit ng ulo mo...si betong na nakaupo na pala sa harap ng lamesa ko habang dala ang dalawang tasa ng kape na tinimpla niya..
Ganun na ba kahalata pare?
Baka babae yan kuya betong?si marie na nagpupunas sa harap ng kaha..
Tumigil ka nga diyan marie,usapang lalaki ito...si betong na nakatingin sa kapatid na si marie,na umirap naman sa kanyang kuya..
Di ko nga alam pare naguguluhan kasi ako ngayon,nasubukan mo na bang makaramdam ng paghanga sa kapwa mo ng kasarian??seryoso kong tanong kay betong...alam ko kasing mapagkakatiwalaan silang dalawa ni dondon dahil matagal na kaming magkakaibigan....kumunot naman ang nuo ni betong bago sumagot...
Di naman sa hinuhusgahan kita pare,kasi alam ko namang totoo kang lalaki..ang paghanga naman kasi kalimitan pisikal pano kung mahal mo na di lang paghanga diba?kung naguguluhan ka tanungin mo sa sarili mo ..e confirm mo kung anu ba talaga yang nararamdaman mo....
Tumango naman ako sa malalim na explanasyon ni betong at nagpasalamat.
Kung sino man yan pare,kausapin mo muna para makasigurado ka..si betong na parang may alam sa tinutukoy kong tao...tumayo na rin siya at naiwan akong mag isa sa lamesa na nagkakape,may delivery 🚚 na kasi kaya kailangan niya ng umalis...
Pinag-iisipan ko pa rin yung sinabi ni betong,hindi lang siguro sarili ko ang kailangan kong tanungin dapat si andrew din,kung bakit niya ginawa yun...pero nagustuhan ko naman panu kung pareho kami ng pakiramdam sa nangyari?panu kung hindi?panu kung mali lang ako ng inaakala sa kanya?....kailangan ko ng sagot para hindi ako naguguluhan....😞
Nagdecide na ako na bago mag tanghalian ay uuwi na para makausap si andrew,sigurado iniisip na niya na uwiiwas ako sa kanya dahil sa nangyari kagabi..bakit ako ang mahihiya sa kanya diba..haaay...baka nasaktan ko na feelings niya..panu kung galit na siya sa ginawa ko...masyado akong affected siguro nga di lang paGhanga ito...nawala ang pag mumuni muni ko ng may pumasok na customer......😁
Bago nga magtanghalian ay umuwi na ako..habang nasa daan ako ay napaka bilis ng tibok ng puso ko,kaba siguro dahil haharapin ko n si andrew...pagdating ko sa bahay ay nakita ko si tatay na inaayos ang jeep,ipinarada ko ang scooter ko sa tabi ng jeep...
oh... tay ako na po gagawa niyan magbibihis lang po ako...
Wag na anak matatapos na rin ito,,buti naman umuwi ka na...si tatay
Opo,,gusto ko rin kasi dito mananghalian pagdadahilan ko kay tatay,sumilip naman si Nanay at nagsalita
anak nandyan ka na pala magbihis ka na at ng makapag pananghalian na tayo...si nanay na nakasilip sa binta...
Cge po akyat na ako tatawagin ko na rin si andrew...sagot ko kay nanay
Ah wala si andrew anak,pumunta sa manggahan kukuha raw ng mangga. .may nakita na raw kasi siyang bunga nung pumunta siya..nagmamadali nga dala pa yung camera niya...si tatay na may kinakalikot sa jeep
Hah..sinu pong kasama niya?bakit niyo pinayagan?kanina pa ba?may kaba kong tanung kay tatay
Halos ka pupunta niya lang anak,kung gusto mo sundan mo na nga baka kung saan nanaman makarating yun...si tatay
Cge po..sagot ko kay tatay mabilis akong naglakad at takbo ang ginawa ko papunta ng manggahan,kinakabahan ako baka mawala nanaman si andrew..sa sobrang pagmamadali ko pagpasok ng manggahan ay....____.....
Aray!!..sabi niya...naBangga ko si andrew na papalabas n pala ng manggahan may mga hawak pa siyang mangga buti na lang nasalo ko siya sa bewang dahil matutumba pa sana siya sa lupa..magkadikit ang katawan namin nagkatitigan kami...ang pula niya...shit sobrang kaba at init ng katawan ko...haaayy..😞😁
Sorry....sabi niya na nakayuko na parang nahihiya...binitawan ko na rin siya..tinitignan ko pa rin siya ng magsalita siya ulit na nakatingin na sa akin...malungkot ang mga mata niya na parang maiiyak...:'(kinabahan ako pero ito na siguro yung tamang oras para makapag usap kami...
Ito para sayo Leon....sabay abot sa akin ng isang kumpol ng bunga ng malalaking mangga ,..
Peace offering ko sayo leon,sorry ulit kung anuman yung iniisip mo sa akin tama ka,,,hindi ko na kailangang itago pa sayo sigurado nararamdaman mo na yun,kung anuman yung nGawa ko kagabi di ko pinagsisisihan yun dahil isa yun sa mga bagay na tama kong ginawa......... kasi gusto kita leon...oo gusto kita...si andrew na tumutulo na ang malililit na luha sa mata...sa kaba siguro at hiya..
Masaya ako sa narinig ko mula kay andrew,ang bilis ng tibok ng dibdib ko ng makita ko ang mga luha niya aabutin ko na sana ang mangga nang...nagsalita siya ulit..
Mahal na.............
Hindi ko na control ang mga sumunod kong ginawa sa sobrang saya ng puso ko..nilapitan ko si Andrew at hinila ko yung batok niya na kinagulat niya at nilapit ko ang labi niya sa labi ko..nagulat talaga siya sa ginawa ko pero naging maalab ang paghalik ko sa kanya na tinugon niya naman ang mga ito....matagal na halik na puno ng sagot sa mga katanungan...habang saksi ang puno ng mangga at ang mga bunga nito...
Cheesy lang po..💛💛💛💛💛
Tnx sa vote!!
Sana basahin niyo rin ung 3 things..salamat
BINABASA MO ANG
The Mayors Son
RomanceStory of leon and andrew... Paano mo maitatago ang lihim na matagal mong itinago sa iyong ama na isang mayor dahil sa pagmamahal... Di mo inakala na mag mamahal ka ng isang tulad niya.... sana po magustuhan niyo ito...ito ang una kong sinulat sa wat...