i will wait..part 1

77 2 1
                                    






andrew's pov


Dad plz..plz kahit ngayon na lang po plz...aalis na kami ni mommy bukas gusto ko lang po siyang makita nasa hospital siya ngayon dad...plz..gusto ko lang siyang makita....nagmamakaawa na ako kay daddy,ayaw ko mang gawin ay ginawa ko na dahil sa pag aalala at pag iisip na kung anu na ang nangyari kay leon,di ko na nga ni replayan si don don dahil mabilis akong tumakbo kay mommy para sabihin ang nangyari kay leon,at para makausap namin si daddy na payagan man lang akong makapunta ng hospital...mabilis naman akong sinamahan ni mommy sa opisina ni daddy sa ibaba,kadarating lang din kasi ni daddy galing munisipyo..kaya nga andito ako ngayon sa opisina niya para magpaalam andito rin si mommy kasama namin.

Plz..dad pag uulit ko,naiiyak na ako sa kaba at kung anu anu na ang pumapasok sa isip ko...

Cge na leondro payagan mo na ang anak mo..si mommy,nakatingin lang sa aming dalawa si daddy habang nakaupo kami sa sala set niya dito sa opisina niya pinakikiramdaman kung papayagan ba ako..

Leondro?si mommy na nakatingin.pa rin kay mommy...nang nagsalita na si daddy...

Alam mo bang siya ang nagpabalik sayo dito andrew,,mukang wala ka pang sinabi sa kanya tungkol sa mommy mo...cge papayagan kita kasama mo ang mga bodyguard ko...tuloy tuloy na sabi ni daddy nagulat man ako sa mga sinabi niya ay mas gusto ko pa ring makita si leon..alam ko na naman na may kinalaman si daddy sa lahat ng ito...galit man ako ay ayokong iparamdam sa kanya....tumango naman si mommy sa akin,tumayo na ako palabas ng pinto nang magsalita ulit si daddy...

Alam mong ginagawa ko ito para sa iyo at sa mommy mo sana maintindihan mo..si daddy

Yes dad!...sagot ko na may lungkot at galit sa puso ko para sa kanya,alam ko naman na para ito sa pansarili niyang kagustuhan dahil tatakbo siya sa eleksiyon.mabilis akong lumabas at tumakbo sa kwarto at nagbihis...bumaba ako ng hagdan di na ako nagpaalam kay momny dahil naiwan siya sa opisina ni daddy,paglabas ko ng main door ay nasa harap ko na ang van at nanduon na rin ang mga body guard ni daddy nag aantay...

Magandang gabi po sir.......bati nila sa akin ,tatlo kasi sila...tumango na lang ako bilang sagot mukang alam naman nila kung saang hospital ako pupunta..sumakay na nga ako at mabilis kaming umalis,madilim na sa labas dahil alas 8 na ng gabi tahimik lang ang mga bodyguard ko habang ako naman ay nakatingin lang sa labas at nag iisip at nag aalala kay leon..tumulo nanaman ang luha ko siguro nga hanggang dito lang kami,ayokong mgalit sa kanya dahil siya ang nagpabalik sa akin sa mansion ang gusto ko lang ay makita siya at kung anu ang kalagayan niya....habang nag iisip ako ay di ko namalayan na nakarating na pala kami ng mabilis dito sa STO.DOMINGO GENERAL HOSPITAL...

Sir andito na po tayo......sabi nung isa sa mga tauhan ni daddy, baba na sana ako nang magsalita ulit ito...

Sir sandali po,ako na lang po muna ang papasok bilin po kasi ni mayor na tignan muna ang sitwasyon sa loob..ako na rin po ang magtatanong kung saang kwarto si Sir leon....pagpipigil ng body guard sa akin...

Pati ba ito utos ni daddy!!?tanong ko na nakatingin ng masama sa kanila...sobra na si daddy sa pangingialam sa buhay ko...

Opo sir pasensiya na po.....tumango na lang ako habang papalabas ang isa sa kanila na jerome ang pangalan wala naman akong magagawa kundi mag antay...after 10 minutes ay bumalik si jerome sa van nagulat ako dahil may kasama ito na may gasa sa kaliwang nuo nito at benda sa kaliwang kamay... nakatitig lang ako rito napaka gwapo pa rin nito,gusto ko na siyang yakapin dahil namimiz ko na ito,,masaya ako dahil ligtas siya,nakatitig lang ako kay leon,gusto ko ng umiyak sa saya syempre may lungkot sa akin dahil sa aksidente niya at sa sitwasyon naming dalawa..nawala lang kami sa pga tititigan na parang tumigil ang oras ng magsalita si jerome...

Sir pasensiya na po,, nasalubong ko po kasi si sir leon sa loob kaya po isinama ko na lang po siya dito,marami din po kasing tao sa loob..pumayag naman po siya na dalin ko na lang siya dito....tumango naman ako,nakatingin pa rin kay leon di nagsalita si leon pero sumakay ito sa tabi ko sa loob ng van aalalayan ko sana ito pero nagpigil ako dahil sa mga kasama namin,sinara na ang pinto ng van,sumakay na din si jerome at may binulong sa driver at umandar na nga ito...masaya ako dahil kasama ko si leon ngayon pero mababaliw ako sa katahimikan habang umaandar ang van..kailangan kong magsalita para mawala ang kung anung akwardness ang nasa loob ng sasakyan....

kumusta ka na ?ako

kumusta?si leon

Sabay kaming nagsalita ni leon,..siguro tinatansya niya rin ang sasabihin niya dahil nasa sasakyan kami,kahit nabalitaan na ng lahat na bisexual ako pati siguro mga bodyguards ni daddy....siya naman ang unang sumagot sa aming dalawa..

Ok lang,buhay pa rin ito may kaunting galos pero ayos pa naman..si leon

Ganun ba,buti naman..sagot ko din.tumingin ako sa kanya nakatingin rin pala siya sa akin

si betong ang nasa hospital dahil may tama ang paa nito kailangan daw obserbahan pa ...si leon

Ahhh..anu bang nangyari??tanong ko kay leon

Sa motorsiklo madulas ang daan,pupunta sana kami sa kanila kaya lang umulan ng malakas nawalan kami ng balanse...ikaw bakit nasa hospital ka??si leon

Ahhhh,,..sasagot na sana ako ng magsalita si jerome huminto na kasi ang van,

Sir leon andito na po tayo...............sabi ni jerome kay leon,,,hindi ko alam kung nasaan kami mukang si leon ang nagsabi kung saan kami pupunta..Sana naman ay makapag usap kami ng maayos kung nasan man kami ngayon...

Sana naman ay makapag usap kami ng maayos kung nasan man kami ngayon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.






May part 2 po itong chapter sana po suportahan niyo pa rin ito.....salamat malapit na po itong matapos..like and comment po..:-)

The Mayors SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon