Leons: POVUmaga na pala,may sikat na ng araw na nang gagaling sa labas ng bintana nag unat pa ako ng kamay at paa ng maalala kong may katabi nga pala ako kagabi...
Shit!na lang ang nasambit ko ng maalala ko na katabi ko nga pala si Andrew kagabi pero nasan na nga pala siya at bakit wala na siya ang aga naman niyang bumangon...bumangon na ako at nagpunta ng banyo upang mag mumog at maghilamos kailangan ko ring magbihis..nakatulog na nga pala ako kagabi di ko na namalayan kung saan natulog si andrew kagabi..baka sa supa at kung dito naman sa kama baka nasipa ko at medyo malikot ako matulog...
Bumaba na ako upang mag agahan at hanapin na rin si Andrew ang aga niya naman kasi gumising samantalang alas-otso medya pa lang hawak ko kasi ang cell phone ko baka kasi may mga message ako galing sa tindahan sa bayan...pumunta ako sa kusina nakita ko si Nanay at ang aming kasambahay na nagluluto pa lang ng agahan..
Oh Leon...gising ka na pala si Nanay habang may hinahalo sa kalan..
Magandang umaga nay..nasan na po si Andrew wala na siya sa kwarto ah..unang tanong ko Kay nanay...ahhh.. si andrew ba anak maagang lumabas diyan sa bukid at manggahan sa likod dala ang camera niya kukuha raw siya ng mga litrato para sa mga exhibit niya..
Anung oras po siya umalis bakit di niyo ako ginising para samahan siya?!tanong ko Kay Nanay na may pag aalala
Alas-6 ata anak sagot ni Nanay na tinignan pa ang orasan..sakto namang papasok si tatay galing sa unahan ng bahay..Oh anak gising ka na pala..nasan na si Andrew?napasarap ba ang tulog anak... tanong sa akin ni tatay ...,nagtaka naman ako sa tanong ni tatay...Hindi niyo po ba siya nakitang bumaba sabi kasi ni Nanay umalis daw at pumunta s likod bahay akala ko kasi kasama kayo..!
Hindi anak maaga ako umalis dahil tinignan namin ni don don ang mga kalabaw sa kabilang kalsada dahil maaga siya pumunta dito..tulog pa ang Nanay mo noong umalis ako..si tatay
Bakit saan ba pumunta si Andrew?tanong ni tatay Kay nanay
Nag alala ako Kay Andrew dahil matagal siyang nawala sa sto.domingo baka kung anu nangyari sa kanya kargo namin siya nila tatay..baka malaman ni mayor na pinapabayaan namin sya..
Nandyan sa manggahan sa likod..sagot ni Nanay na may pag aalala sa muka..baka kasi may nangyari na Kay Andrew may maliit kasing burol sa dulo ng manggahan namin..maraming ahas at baboy damo at madamo rin at maputik,mabato..
Nagakatinginan na kami ni tatay..at dali dali kaming lumabas ng bahay...pasensiya na Julio habol ni Nanay sa amin na nag aalala na...baka kung saan na siya napadpad sa manggahan at baka napano na siya..sabi pa ni Nanay...
Wag po kayong mag alala hahanapin ko siya..hahanapin namin siya ni tatay...
Cge na Imelda pumasok ka na sa loob..tatawagan ko si betong at si don don para may makasama kami ni Leon...si tatay
Cge mag ingat kayo..si NanayTay!...mauna na po akong hanapin si Andrew antayin niyo na lang dumating si dondon at si betong...sabay sabay na lang kayong pumunta para may kasama po kayo..
Cge anak mag ingat ka hah kabisado mo rin naman ang manggahan..dala mo ba ang cell phone mo?tanong ni tatay
Opo habang nagsususot ng maong na pantalon na pang bukid at bota...nilagay ko na rin ang itak sa akin tagiliran..cge po tatawag na lang po ako kung nahanap ko na siya..
Tumango lang si tatay at pumunta na ako sa likod bahay.naglalakad na ako sa tubigan tumitingin ng mga bakas ng dinaanan ni Andrew..nag aalala na rin ako sa kanya di ko akalain na mawawala siya..nandito na ako sa manggahan malawak rin kasi ang bukid kaya..makikita mo lang ang manggahan sa tabi ng burol..
Andrew...Andrew...sigaw ko habang tinatabas ang mga damo sa aking unahan..nag aalala na ako sa kanya dahil nasa part na madamo na ako ng manggahan malapit sa mabatong parte ng burol..nasan ka na ba Andrew.??.tanong ko sa akin sarili..halos dalawat kalahating oras na siyang nawawala sigurado gutom na siya o kaya nauuhaw..naglalakad ako at nagtatabas ng may napansin akong takip ng camera na may bakas na tsinelas...nalaglag siguro ni Andrew ito....naisip Kong sundan ang mga bakas at kung saan patungo ang mga nahawing damo sa paligid...di nga ako nagkamali nakita ko ang tsinelas ni Andrew na pigtas at maputik..may mga bakas din ng baboy ramo sa paligid...sisigaw na sana ako ng may narinig akong simisigaw ng tulong..
Tulog tulong...tulong ...!tumakbo ako papunta kung saan nang gagaling ang sigaw...nakita ko ang isang malaking puno ng mangga...si Andrew nga ang sumisigaw...haay nakahinga ako ng maluwag dahil nakita ko na siya..bakit siya nasa taas ng puno ng mangga?...
Andrew...bakit nandyan ka sa taas tanong ko...
Leon pare ikaw ba yan?...buti na lang dumating ka salamat...mag ingat ka may baboy ramo dyan sa ibaba...sabi ni Andrew nakita ko naman sa malayo ang maliit na baboy ramo..tatawa sana ako ngunit baka mainsulto siya..nag maalala pa rin ako sa kanya talaga..
Bumaba ka na nga diyan Andrew..kanina ka pa namin hinahanap nag aalala na sina Nanay at tatay wag ka ng matakot dahil ako na bahala sa baboy ramo ..dahan dahan lang at baka malaglag ka dyan..
Cge saglit lang..si Andrew habang pababa ng biglang mabali ang sangang inapakan niya..agad akong tumakbo upang saluhin ang pagbagsak niya..
Booog...!!!nasalo ko si Andrew...napayakap siya sa akin bigla kaming bumagsak sa putikan..nakahiga ako sa putikan at siya ay nasa ibabaw ko..nakita ko si Andrew na nakapikit at sobrang higpit ng yakap sa akin....
Hoy Andrew.. Dumilat ka na safe ka na...
Ahhh..akala ko mamatay na ako...sorry nadaganan kita Leon nasaktan ka ba?tanong ni Andrew namula ang muka niya bakit kaya..
Ayos lang ako..bakit biglang uminit pakiramdam ko..haaay...
Tumayo na si Andrew..at hinatak ako upang bumangon..kinuha ko agad ang cell phone ko upang tawagan si tatay na nakita ko na si Andrew..nasa manggahan na rin pala sila sa paghahanap..bumalik na sila sabi ko dahil ako na bahala Kay Andrew..habang si Andrew nasa tabi ng puno na pinupunasan ang kanyang camera na puro putik ang suot.
Nilapitan ko siya Tara na Andrew sabi ko sa kanya..pinauwi ko na sila tatay sabi ko nahanap na kita..Cge Leon. Ayusin ko lang tsinelas ko na pigtas kasi pareho sa takot ko sa baboy ramo nalubog pa sa putik..sagot niya..aabutin kami ng tanghali sa pag uwi pag inayos niya pa...halika na papasanin na kita hanggang makalabas tayo dito sa madamo at maputik na parte ng manggahan...tatangi pa sana siya ngunit wala siyang nagawa napilitan din siyang sumakay sa aking likuran..magaan pala si Andrew akala ko mabigat siya dahil sa katawan niyang may muscles..
Salamat Leon....sabi niya ng biglang kumulo ang tiyan niya..
Wala yun Andrew..kaw pa ba !..baka patayin ako ni mayor pag may nangyari sayo..biro ko umuwi na nga tayo gutom na rin ako hehehe..nagtawanan na lang kaming dalawa habang pabalik sa bahay....salamat at ligtas siya..dahil sobra akong nag alala sa kanya..haay....☺
Comments po..pasensiya na busy sa work kahit di ganun maganda gawa ako..saka sorry tagal ko po di nag update...
BINABASA MO ANG
The Mayors Son
RomanceStory of leon and andrew... Paano mo maitatago ang lihim na matagal mong itinago sa iyong ama na isang mayor dahil sa pagmamahal... Di mo inakala na mag mamahal ka ng isang tulad niya.... sana po magustuhan niyo ito...ito ang una kong sinulat sa wat...