Chapter 14

352 11 7
                                    

Author's note: Salamat naman sa mga nagbabasa ng FF nato. Hehe pasensorry na din kung wala pang kilig scenes ang AshLloyd O AshRald pinag-iisipan ko pa kasi. At pasensorry din kung medyo di pa seryoso yung mga pov's alam nyo naman nasa age pa lang sila na 18-19 saka na natin sila patandain haha patandain talaga? di ba pwedeng matured muna sa pag-iisip? LoL :P

Enjoy reading guy'z!

---------------------------------------------------------------

July 28, 2013

Lumipas ang tatlong araw at ngayon nya pa lang matatawagan si sarah. Alam nyang nag-aalala na ito dahil sa daming text & Calls na natatanggap nya mula dito. Masyado din kasi silang busy sa pag hahanap ng maaaring makatulong sa kanila upang mapabilis na ang pag-opera sa kanyang dad.

PHILIPPINES (1:00 am)

Kasalukuyan namang mahimbing sa pagtulog si sarah.

Ring......! Ring....! Ring.....!

kinukusot-kusot nya ang kanyang mata bago sagutin kung sino man ang tumatawag sa kanya. Hindi na din sya nag abala pang tingnan kung sino yung caller dahil talagang inaantok pa sya.

" Hello? " ani ni sarah habang nakapikit ang mga mata.

" Hello sarah? " ani ni Lloydi.

napadilat naman si sarah dahil sa narinig, Binaba saglit ang Cellphone upang siguraduhin kung si lloydi nga yung tumatawag. At hindi naman sya nagkamali, Kaya agad-agad naman nya itong sinagot ng dirediretso na para bang wala ng bukas dahil din sa kasalanan nitong ngayon lang na isipan tumawag.

"My GADDD ! Lloydi! Ano ba nangyari sayo bakit hindi ka nakauwi? May nangyari bang masama sayo? Na-aksidente ka ba? Anoo!? Sumagot ka !? Hindi mo ba alam na may nag-aalala sayo dito? Ano!? ." dirediretsong sabi ni sarah.

Nahalata naman ni lloydi na talagang pinag-alala nya ng sobra si sarah.

"I'm Sorry bebe at ngayon lang ako nakatawag." malungkot na sabi ni lloydi.

"dapat lang noh! halos hindi na ako mapakali dito sa pag-aakalang baka may nangyari sayong masama." nasa tono pa din nito ang pag-aalala na may halong pagtatampo.

"Huwag ka na mag tampo bebe, Ayos naman na ako, Kausap mo na nga oh." pilit nyang pinasisigla ang tono ng boses para di mahalata ni sarah na halos maiiyak na sya dahil sa kalagayan ng kanyang ama ngayon.

" hmm. Cge na nga. Pasalamat ka at mah....." oops! di ko pa pwedeng sabihin sa kanya kung hindi pa sa personal.

" Ano yun!?" nahalata naman ni lloydi na parang natigilan si sarah sa sasabihin nya.

' Ah wala, hehe." pagdedeny ni sarah.

" Ahh ok."

"oh bakit parang kanina ko pa nahahalatang ang lungkot mo? May nangyari ba talaga sayo? sabihin mo sakin" ani ni sarah na kanina pa nya napapansing malungkot ang boses nito.

Hindi na rin napigilan pang mapa-iyak ni lloydi "huhuhu."

"be, umiiyak ka ba? Ano ba nangyari? please tell me" Kinabahan naman si sarah, ngayon nya na lang ulit kasi ito narinig na umiyak.

"si Daddy kasi. HuhuHu..." patuloy pa din sa pag-iyak si Lloydi.

 "huh!? bakit ano nangyari kay dadski? " pag-aalalang tanong ni sarah.

 " Si dad inatake ulit sa puso." umiiyak na sabi ni lloydi.

" What!? paanong nangyari ? Akala ko ba ok. na sya? kaya nga baballik ka na sana dito diba.?" Hindi makapaniwalang sabi ni sarah.

" Yun din ang akala ko. Hindi din namin alam, sabi ni mom nakita na lang daw nila si dad na walang malay..............I need you here sarah, I need you"  patuloy pa din sa pag-iyak si lloydi.

"Sorry, bebe at wala ako ngayon sa tabi mo. I'll try ok. be strong for dadski and also for your mom, Ikaw lang ang makakapagpa lakas ng loob sa mama mo ngayon, lalo na at may sakit si dadski."

"thanks sarah." umiiyak pa rin si lloydi ng ibaba na nya ang phone.

" Kailangan talaga nya ako." mahinang sabi ni sarah pagkatapos nila mag-usap.

---------------------------------------------------------

 May napansin ba kayo sa mga lines? Haha naalala ko lang. :P

Salamat ulit sa mga nagbabasa :) sa susunod ulit na chappy.

Comment & Vote thank you So much!! :)

#AshLloyd or AshRald  sino nga ba? Abangan ~.^

My Fast Forward Love storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon