Chapter 19

319 7 2
                                    

Narinig ni lloydi ang ingay mula sa may bandang harapan nya natigil sya at biglang natulak si maja mula sa pagkakahalik sa kanya.

"sarah...?? Sarah..! wait! " Ani ni lloydi habang hinabol si sarah.

"ok lang lloydi, hindi mo naman kailangan magpaliwanag pa sa akin eh. Hindi mo naman ako girlfriend." Ani ni sarah habang umiiyak.

"Sarah, that's not what you think. Let me explain please.!"

 "Hindi mo naman nasabi sa akin na kayo na pala ni maja, sana hindi na pala ako pumunta dito para samahan ka, Mukhang andyan naman sya para tulungan ka" 

"sarah please! hindi ganun yun." he begged.

"sige, baka hinihintay ka na ni maja dun. Ok lang ako." Habang pinipigilan na nya ang patuloy na pagluha sa kanyang mga mata.

"Sarah............"

narinig nya pang tinawag sya ni lloydi pero binalewala na nya ito at dirediretsong lumabas  Nakasalubungan nya pa ang kanyang magulang na mukhang papasok pa lang sa ospital.

"Sarah anak, Anong nangyari sayo? bakit para kang umiyak?" pag-aalalang sabi ni mommy devine.

"wala po mommy, napuwing lang. tara na po.!" ani ni sarah habang pinipigilang umiyak.

"eh anak hindi pa namin na bibisita ang tito mo."Ani ni daddy Delfin.

"next time nyo na lang po dalawin pag medyo ok na si tito, sige na di, alis na po tayo."

"sarah.! Sarah.!"

narinig nyang tinawag sya ni lloydi.

"dad tara na po please!."

nalito naman ang daddy nya dahil hindi nya alam kung ano nga ba nangyayari sa kanyang anak.

"sige na delfin." ani ni mommy devine.

pagkasakay nila ng kotse nakita nya pa sa may side mirror na hinahabol sila ni lloydi, Saka na lang nya ipapaliwanag sa parents nya ang mga nangyari, dahil kahit sya naguguluhan sa nararamdaman nya.

Bumalik si lloydi sa rooftop ng ospital upang ilabas ang nararamdaman nya, akala nya umalis na si maja pero nandun pa rin pala ito. Nakangiti pa itong sinalubong sya.

"Ano nangyari?" parang walang alam na tanong ni maja.

"maja, alam mo kung ano nangyari at hindi maganda to." ani ni lloydi na kita sa mga mata nito ang inis galit ang halohalo ng emosyon.

"well, I do not sorry for that lloydi, tumugon ka din naman sa mga halik ko hindi ba.?" pang-aasar pa ni maja.

"pwede ba maja, iwanan mo muna ako. gusto kong mapag-isa."

"bakit lloydi girlfriend mo ba si sarah.? sa pagkakaalam ko e bestfriend mo lang naman sya diba. Bakit ganyan ka ka-affected.?!

"wala kang alam maj.!" ani ni lloydi.

"then tell me.! makikinig ako kung ano man meron kayo nung sarah na yun.!" ani ni maja na naiirita na din.

"maja! pwede ba!! umuwi ka na."

"lloydi baka nakakalimutan mo, kame ang tumulong sa dad mo, at hindi din magtatagal magpapakasal na tayo, kaya mas maganda ngayon pa lang magtapatan na tayo at maging totoo sa isa't isa."

"wala akong panahon! wala akong pakialam! leave me alone maj!." pasigaw na sabi ni lloydi.

nagulat si maja dahil walang sino man ang nanigaw sa kanya ng ganun, wala na din syang nagawa kundi iwan si lloydi dun dahil kitang kita naman nya sa mga mata nito ang galit na nararamdaman.

hindi na nya nagugustuhan pa ang naririnig dito, gusto na nyang ma pag-isa at isigaw ang nararamdamang galit. Galit na dahil hindi sya binigyan ni sarah ng pagkakataon na magpaliwanag sya o galit dahil sa maling nagawa nila ni maja.....Hindi na nya alam.

4years later

Apat na taon na ang nakalipas simula nung mga tagpong iyon nila lloydi,maja at sarah. Ngayon 24 na sya at Ngayon din hinaharap na nila ang kanya kanya nilang buhay simula nung nangyari yun mas pinili na lang ni sarah na wag na makipagkomunikasyon pa o makipagkita dito, Ayaw na nyang masaktan uli. Simula din noon nangako sya sa sariling kikilalanin nya muna ng buo yung lalaking manliligaw sa kanya ayaw na nyang maulit yung nangyari na kung kelan handa na syang magmahal eh nasaktan agad sya Gusto nya na totoo na talaga yung magmamahal sa kanya ngayon kahit gaano pa sya katagal maghintay basta totoo yun ang lagi nyang isinasaisip,isinasapuso at isinasagawa.

Sa apat na taon din yun mga 2 years din bago sya nag entertain ng mga manliligaw at ngayon isa na dun sa mga humahanga sa kanya ay ang  vice president nilang si matteo na nagtatrabaho sa kumpanya nilang "Unicahija" Clothing Company. Sya na ngayon ang presidente nito ayon na din sa kagustuhan ng kanyang mga magulang dahil sya rin naman daw ang magmamana nito sa bandang huli.

Unicahija company...............

"Good Morning Ms.Beautiful." Ani ni matteo.

"Ang aga-aga namang pambobola nyan matteo."

"totoo yun ah."

"OO na lang, alam ko namang hindi mo ako tatantanan pag hindi ako naniwala sayo e." Ani ni sarah habang papasok na sya ng opisina nya, nakasunod lang din si matteo sa kanya.

"So, nag breakfast ka na ba sarah?" tanong ni matteo.

"yeah, tapos na."

"ok. then see you na lang after work Ms.Beautiful."

"haha ikaw talaga matteo, cge na ang dami pa nating trabaho oh. shu! shu!" pangtataboy kunwari ni sarah kay matteo.

"Haha ok. bye! dinner mamaya ah bawal tumanggi."Ani ni matteo at sinara na ang pinto.

"Si matteo talaga ang kulit." ani ni sarah at nagpakaabala na naman muli sa kanyang trabaho.

5 months na din simula nung niligawan sya ni matteo pero wala pa din syang nararamdamang kakaiba dito, Yung magic na hinahanap-hanap nya. Ayaw naman nyang paasahin si matteo pero makulit din talaga ang binata at ayaw sumuko sa kanya. Ganun kakulit si matteo.

"hey! Ms.Beautiful seryoso ka na naman dyan. Ano ba nasa isip mo?" Ani ng binata habang nagdidinner sila, napansin ata ni matteo na wala sa katinuan ang dalaga.

"ha! ano yun?" Ani ni sarah na parang hindi narinig ang sinabi ng binata.

"o kitam's! ikaw talaga sarah, kaya pala pagod na pagod na ako eh.." Ani ng binata.

"huh! bakit ka naman napagod?" naguguluhang tanong ng dalaga.

"e kasi kanina pa ako dyan sa isip mo eh, kaya ayan napagod tuloy ako."

"hehe pumi pick-Up lines ka dyan matteo ah." Ani ni sarah na natawa naman sa ginawa ng binata.

"e kasi naman ikaw, parang ang lalim ng iniisip mo eh.'

"wala to, wag mo na lang pansini, tara kain na nga lang tayo."Ani ni sarah.

Maya-maya inihatid na din ni matteo si sarah sa bahay nito.

"Salamat sa paghatid ah, pati na din sa dinner" nakingiting sabi ng dalaga.

"wala yun, kaw pa malakas ka sakin eh."Ani naman ng binata

"suss! ikaw talaga matteo.Sige na at masyado ng late oh. ingat ah."

"ok, Good night ms.beautiful"  

hinintay nya munang makaalis si matteo bago sya pumasok sa kanilang bahay.

----------------------------------------------------------------------------

Oha! dagdag cast haha

pinapahaba pa ni author eh noh. peace yoww1 :P

Easy lang kayo mga ashrald ah. Dahil inexit ko muna si lloydi, syempre di naman pwedeng walang karibal si ge kay sarah diba. haha para enjoy.! :P

#AshLloyd, AshRald o AshMat   AHAHA 

My Fast Forward Love storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon