Chapter 24

368 12 2
                                    

1 week later

"Hmm, Ano nga kaya kung pumunta ulet kame dun sa bar, Baka sakaling andun si pogi este gerald. Pag nandun edi swerte ko mapagkikilala ko na din si sarah at si gerald yung pogi kong manok.. wahaha." ani ni yeng sa kanyang sarili habang nagdadrive papunta sa bahay ni sarah.

Nung in-On nya yung kanyang stereo sa car sakto namang pinapatugtog ang kantang "Destiny"...

"Aba! kahit ata di ko na sila pagtagpuin eh mukhang nakatadhana na talaga silang magkita.. Haha kanta pa lang sumasang-ayon na sa plano ko eh.." Sabi na naman nya sa kanyang sarili.

Maya-maya nakarating na din sya sa bahay ni sarah..

"O yenggay! ano ginagawa mo dito?..Ani ni sarah.

" Labas tayo sars! hehe"

"hmm, baka magalit si YaYa. Alam mo naman nung huli tayong lumabas e inuwi mo na akong walang malay."

"Tulog ka lang nun sars! ako magpapaalam kay YaYa. Ako bahala sayo. " At kumindat pa si yeng.

"Aba! close kayo ah. Haha"

"Sabi ko sayo papayag yan, tignan mo ah. Wait ka lang. Asan pala si YaYa?"

"sa Kusina. Tignan natin kung payagan ka ang sungit pa naman nun ngayon haha.."

"Sus! mawawala yan tamo, dadalhin ko sya dito at sasabihin nyang pumapayag na syang lumabas ulet tayo. Maniwala ka! .."

"Lakas ng fighting spirit! haha sige, Yenggay patunayan mo. Go!.. Maghihintay lang ako dito." Ani ni sarah.

Dumiretso agad si yeng sa kusina at hinanap si YaYa...

"YaYa!.." Sigaw ni yeng.

"Ay! bakit ka ba sumisigaw na bata ka..?" gulat na sabi ni Yaya Luring.

"hehe wala po, excited kasi akong makita kayo eh."

"sus! yeng may kailangan ka noh.?"

"hmm...."

"o sabi na, At ano naman yun?.

"Ahm, pwede po bang lumabas ulet kame ni sarah? Sige na please yaya.." paawa effect na sabi ni yeng.

"Hindi pwede, Kakagaling lang nya sa sakit pagkatapos nyung maglakwatsa nung isang linggo, tapos lalabas na naman kayo ngayon..Hindi pwede."

"Yaya naman, May pupuntahan lang kame.. sige na please!." pagmamakaawa ni yeng.

"At saan naman?" Tanong naman ni YaYa.

"Dun kay pogi."

"Ano!? Sinong pogi yan huh! aba, ikaw na bata ka baka mapahamak si sarah nyan, alam mo namang may manliligaw na yan.."

"eh hindi pa naman nya Boyfriend yun, At sabi ko sayo yung bago kung manok ang the best para sa alaga nyo..Promise!"

"paano ka naman nakakasigurado? matagal mo na ba yang kilala? mabait ba yan? di nya ba sasaktan si sarah? huh! Sino ba yan?.." Dirediretsong sabi ni YaYa luring.

"Easy! Easy! grabe ka naman yaya. Armalight lang?" pagbibiro ni yeng.

"Hindi ako nagbibiro yeng, Sino ba yan?" Tanong ulet ni yaya.

"Si pogi nga po, este Gerald po.."

"Si Gerald? Yung kasama mong maghatid kay sarah dito nung nakaraan? Si Gerald anderson na napa poging bata?..... Dirediretso na namang sabi ni YaYa.

"Hahaha sabi ko easy ka lang ya! OpO, sya po...So, Ano papayag na po ba kayo?"

"Aba! Sige sige, walang problema.." Pagpayag agad ni yaya ng malamang si gerald pala ang pupuntahan nila yeng.

My Fast Forward Love storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon