"So, Yenggay ano na! sino nga yung tinutukoy ni yaya?? sino ba kasama mo?.." Ulit na tanong ni sarah.
"ayeee... Sars! nakakaloka talaga yang beauty mo, grabe!.." Ani ni yeng na kinikilig pa.
"ayeee, ayeee ka dyan? ano ba sinasabi mo? at saka hindi naman yan ang tinatanong ko ah..."
"Haha OO nga noh, sorry naman may naalala lang." naalala ni yeng yung kwentuhan nila ni gerald.
"Oh e sino nga?." Ulit muli ni sarah.
"Si pogi." nakangiting sabi ni yeng.
"huh! Pogi? Pogi pangalan nya??"
"ay! este GERALD pala hehe." pagtatama ni yeng.
"Ah ok." tipid na sabi ni sarah.
"yun lang masasabi mo 'ah ok?' Grabe ka naman sars!.."
"e ano gusto mong maging reaksyon ko? kahit naman sabihin mo saking buong pangalan nya, hindi ko pa din sya kilala..."
"hmm, Siguro nga. Di mo lang sya matandaan. pero nakita mo na sya." makahulugang sabi ni yeng.
"kung nakita ko na sya edi sana kilala ko sya agad pagkasabi mo nung pangalan nya.."Ani ni sarah.
"wala naman akong sinabing kilala mo na sars, haha ang sabi ko nakita mo na sya, hindi mo lang siguro matandaan... naglinis ka ba ng tenga mo? HAHA "
"haha Sira! hmm ewan ko. Siguro pag nagkita kame nyang gerald na yan e maalala ko sya kung san man kame nagkita noon..? Ayon sa pagkakasabi mo na nakita ko na sya ah.."
"Ay! sayang di ko man lang nakuha no. ni pogi..." Ani ni yeng.
"bakit ba POGI ang tawag mo dun?.." Takang tanong ni sarah.
"wala lang, e Pogi kasi yun eh Macho pa" kunwaring kinikilig naman si yeng.
"So, Crush mo yung Gerald na yun? eh kagabi mo lang naman sya nakilala.?"
"Hindi ko crush yun noh! at saka meron na yung Gusto, i think mahal na nga nya eh." Sabay tingin kay sarah na nakatingin din pala sa kanya.
"O bat ka naman tumingin sakin?"
"Haha wala naman, may naalala lang ulit ako." naalala na naman ni yeng yung kwentuhan nila ni gerald about kay sarah na kitang-kita sa mga mata nito ang kasiyahan ng makatabi si sarah.
"hmm, Bahala ka nga." Tumayo na si sarah papunta sana sa loob ng bahay ng biglang magsalita ulit si yeng.
"Oi! Sars, may bago na akong manok! haha"
"Manok? may manok ka ba?"
"haha loka! hindi yung ang ibig kong sabihin, basta meron na akong bago HAHA."
"bahala ka na talaga dyan yeng." At pumasok na si sarah sa loob ng kanilang bahay.
Maya-maya may bumusinang sasakyan............
Beep.......! Beep....! Beep....!
papalabas na sana si YaYa ng pigilan ito ni sarah..
"Ya! ako na lang po."
"Ah sige," Ani naman ng ginang.
Pagbukas ng gate ni sarah................
"Matteo?"
"Hi Sarah! Good Morning" maligayang bati ng binata kay sarah, At inabot din ang daladala nyang flowers.
BINABASA MO ANG
My Fast Forward Love story
Fiksi PenggemarASHLLOYD vs. ASHRALD? Sino nga ba ang karapat dapat para kay sarah? yung taong Tinuring nyang best fried at minahal nya, pero sinaktan sya O yung taong bigla na lang papasok sa buhay nya para pasayahin sya at mahalin sya? paano naman kung bumalik an...