@Nhiekhontrainstory
Maureen
Bago kami tuluyang umalis at bumalik ng Manila, nagkaroon kami ng last chance to get some memories.
Kaming apat nina Gab with Sandra, Rid at Errolle, napagdesisyunang magsama-sama.
Una, nag-hesitant pa ako na makasama silang tatlo. Feeling ko ang awkward lang at baka imbes mag-enjoy ako sa "last minutes" e baka maging "worst minutes" ang mangyari, kaso napilit ako ni Gab na makasama sila at kayanin kong makasama sila. This is the matter of life daw e.
Wala akong magawa kundi ang maging positibo at inisip ko na lang na magsasaya akong kasama sila kahit deep down, ang daming katanungan ang bumabagabag sa'kin.
Masaya naman makasama sina Sandra with Rid and Errolle at dahil sa sayang 'yun nawala ang mga takot kon't mga katanungan. They are funny!
Nagpunta muna kami sa isang souvenir shop, binili lahat ng bagay na magandahan---They are impulsive buyer! Mga mayayaman kasi!---then after they buy, nagtake naman kami ng photos sa mga piling kalapit na lugar na talagang masasabi mo ng 'Wow?! Ang ganda naman dyan'
Mga bandang 5 pm ng hapon kami tuluyang umalis sa rest house at ngayon ay nasa bus kami. Naghihintay sa ilang kasamahan na masyadong pa-VIP. Gaya ng seating arrangement ng pagpunta rito sa Laguna ay sya ri'ng seating arrangement pag-uwi. Pinagkaiba lang, nasa likod ko si Gab na katabi ang tahimik na si Rid habang sa harapan nya ang werdong si Errolle na which is katabi ko.
BINABASA MO ANG
Hey! You?! I LOVE You
HumorHey! You?! I LOVE You. What if sabihan ka ng mga katagang yan?Nino? Edi Nang lalaking crush mo ngunit kinaiinisan mo! What would make you feel? What will be your reaction? What should you do? Are you going to say. TOO? Or? You must ignored that...