Maureen's Point of View.
"Merry Christmasss!"
"Merry Christmas!"
Kanya kanyang batian ang naririnig ko sa paligid pagkalabas ko ng bahay namin upang pumunta sa kalapit na simbahan upang magsimba. Alas dyes na ng umaga, masyado ng late para sa usual kong pagsisimba. 8-9 Mass kasi kami lagi nila mama tuwing Christmas.
May mga nag-greet sa'kin kaya mag greet rin ako.
Wala ngayon si Sam dahil may lakad sila ni---- Mama nya. Si Kuya Esvher naman may date ata dahil ang aga aga umalis ng bahay. Sina Mama, kanina pa nasa simbahan kaya ako na lang ngayon mag sisimba mag isa.
Late na ko nagising dahil sa puyat. Nakumpleto ko kasi ang simbang gabi for the first time kaya nasarapan ako sa tulog.
Sumakay lang ako ng tricycle para makaabot ako. Sampung minuto na kasi ang nakalilipas matapos ang alas dyes.
Nang marating ako sa medyo may kalakihang simbahan sa'min--nasa pagkaka-alam ko may katandaan na. Mga 30 years na atang nakatayo ito rito malapit sa lugar namin--- nakipaggitgitan ako makapasok lang sa loob. Labas palang maraming tao, tiyak kong konti lang ang tao sa loob. Madalas kasi ganun, naiinitan sila sa sikip kaya they chose to stay outside the Church.
Success akong nakapasok sa loob, pumuwesto ako sa lugar na kita ang altar. Hindi naman ako nahirapan. Maya maya, tumayo si Father at pumunta sa usual nitong kinapupwestuhan kapag magsasalita na sya ng aral ng Diyos.
Taimtim naman akong nakinig, ang haba nga ng sermon nya about sa kahulugan ng Pasko. Mga uri na nangyayari sa kapaskuhan na hindi naman dapat ganun. Nalilimutan na raw kasi ng tao ang totoong kahulugan nito.
Gusto ko sanang sabihin kay Father na parte ng modernization ang pagbabago ng selebrasyon ng Pasko dahil sa nagbabago ang utak at mga gawain ng tao.
May ma-ngilan-ngilan rin naman ang sumusunod parin sa diwa nito ayun nga lang, hindi maaalis na most of us, gifts ang inaabangan.
Ang dami narin kasing nauuso kaya nababago ang takbo ng mundo. Syempre, tayong mga tao, mahilig tayo sa bago. Trying a new things ang madalas na motto natin.
![](https://img.wattpad.com/cover/14166318-288-k582959.jpg)
BINABASA MO ANG
Hey! You?! I LOVE You
HumorHey! You?! I LOVE You. What if sabihan ka ng mga katagang yan?Nino? Edi Nang lalaking crush mo ngunit kinaiinisan mo! What would make you feel? What will be your reaction? What should you do? Are you going to say. TOO? Or? You must ignored that...