Hey!? You! ILY LIII

6 0 0
                                    

Chapter 53
Just a friend


Napanganga lang ako sa narinig ko. Totoo ba talaga ito? Pero hindi ko panansin iyon. Hindi maaaring mainlove sya sa'kin. Hindi pwede. Ano na lang ang gagawin ko?


Niyakap ulit ako ni Rid nang mahigpit na siya namang ginantihan ko. Nawala ang lahat ng pangamba ko dahil sa yakap nya. Mas  lumakas naman ang kabog sa dibdib ko dahil roon.


Mas malakas ito at mabilis na rin ang paghinga ko.


"I will stay at your side and please let me stay."


"RichDave..."


"Just a friend will be okay with me."


Nanlalaki ang mata ko ng may biglang paparating na humaharorot na kotse ang papunta sa kinaroroonan namin. Nakakasilaw ang liwanag na galing sa headlight ng ito. Busina rin ito ng busina ngunit para bang hindi ito naririnig ni Rid. Hindi ako makapagsalita. Hindi ako makakilos. Napapikit na lang ako at mas hinigpitan ko pa ang yakap kay Rid.


Naghihintay ako ng may sasalpok sa'min ngunit sa unti unti kong pagdilat. Mukha ng pinsan ko ang sumalubong sa'kin. Sa likuran nya ang tirik na liwanag ng araw.


Nakangiti sya ng nakakaloko samantalang hinihingal naman ako.


"Panaginip..." hindi ko napigilan ang bumulong. Napaupo ako at hinawakan ang noo ko.


Weird? Bakit pakiramdaman ko e totoo ang halik ni Rid.


"Ano pinsan? Nanghihinayang?" Mapangasar ang nahihimigan ko kay Esvher. Mabilis ko syang tinapunan ng masamang tingin.


Umupo sya sa paanan ng kama ko at nagdekwatro. Mabilis kong pinukol sa kanya ang yakap yakap kong unan. Tumama ito sa kanyang ulo. "Pwede ba?! Bakit ka ba narito?" Singhal ko.


"Grabe ka talaga. May hard feelings ka ba?"


"Bakit ka nga nandito?" Bulyaw ko sa kanya. Pinukol nya pabalik  sakin ang unan. "Aww!" Tumama ito sa mukha ko.


"Siguro almost there na kayo ni Dave? Ikaw mau-mau ha? Sino ba talaga ang gusto mo? Huwag mong sabihin na---" I cut him off. 


Pinukol ko sa kanya ang lahat ng unan ko kasama ang ilang stuff toys ko para lang manahimik sya.


"S-saan mo nakuha iyan? Gawa gawa ka ng kwento, panget!" Nauutal ako at halos kabahan.

Tumayo ako at mabilis pumasok sa c.r. Sumandal ako sa pintuan at ginulo-gulo ko ang aking buhok.


No!  Impossible!  Hindi ako nagsasalita pagtulog. Papaano? Saan nya nakuha iyon?


Kumatok ang pinsan ko ng pagkalakas lakas na siyang halos ika-bounce ko. Umalis ako sa pagkakasandal at humarap sa salamin.


Hey! You?! I LOVE YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon