Hey!? You! ILY XLII

92 2 0
                                    



Nakatulala ako rito sa kwarto ko. Iniisip ang napagusapan namin ni Errolle. Mula sa paa ko napatingin ako sa labas ng bintana kung saan nanggagaling ang liwanag ng buwan.



Napahigpit ang pagkayakap ko sa binti ko. Tulog na sina Gab at mahimbing pa pero ako, kahit anong pilit kong matulog hindi ko magawa.



Ayaw talaga akong patulugin ng mga salita ni Errolle. Masyadong masakit at mahirap madigest.



Napa-kurap ako habang mababakas mo sa mukha ko ang kalungkutan na dala ng mga salita ni Errolle. Hindi ko napigilan na alalahanin ang mga salitang binitiwan nya at ang nangyari kanina.





---
"Hindi ako magsosorry. Hindi ako naguguilty kung nagugulo ko ang mundo dahil sa mga bagay na nagagawa ko but I really do, I feel sorry 'yung doon  sa pagkakahulog mo sa bangin. I don't want to hurt you physically. I'm sorry for that."



Walang emosyon ang mukha ni Errolle. Wala kang makikita na kung ano sa mukha nya. Para bang normal lang ang bagay na pinauusapan namin at hindi 'to ganun ka-bigdeal. 




Tanging ngiti ang una kong nagawa, nagiwas ako ng tingin at tsaka labag sa loob na bitiwan ang salitang, "Napagusapan na natin 'yun. Wala na kong issue about doon..." dahil isa lang ang gusto kong marinig mula sa bibig mo, Errolle. Bakit bigla kang umalis at bumalik na lang basta basta at mas ginulo ang mundo ko? Okay na ako e. Ayos na ko ng nawala ka dahil infatuation lang naman ata yung nararamdaman ko sa'yo kaso heto ka nga't ginugulo ako. Lumala tuloy ang hindi dapat lumala.

Hey! You?! I LOVE YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon