Maureen's Point of View
Pagsapit ng gabi hindi parin nawawala ang kakaibang feelings na dinulot sa'kin ni Errolle.
Wala naman kaming ginawang kakaiba i Errolle.
Naglakad lakad lang kami sa gubat habang magkahawak ang kamay ngunit walang nagsasalita.
Oo! Hawak kamay kami. Kahit ako hindi ako makapaniwala dahil una sa lahat wala namang kami ni Errolle pero nagagawa na namin ang maghawak kamay---wala rin naman kaming "Mutual Understanding" diba?
Napailing ako. Tama na nga! Tama na ang pagbabalik ng nangyari kanina pero hindi ko parin maiwasan ang balikan ang nangyari kanina. Pinagmasdan ko 'yung hawak kong mallows at para ba itong t.v na nagplay bigla ang nangyari kanina.
Habang naglalakad kami at hawak kamay pilit kong pinapakalma ang puso ko ngunit hindi ko magawa, mas lumalala pa nga ang tibok nito kada titignan ko si Errolle. Nakangiti kasi sya the whole walk. Ang ngiti nyang 'yun ay kakaiba sa mga ngiti nya sa'kin dati. Dati puro smirk lang ang ginagawa nya sa tuwing magkaharap kami pero 'yung ngiti nya talaga kanina ay para bang masaya sya. Para syang inlove na hindi ko mawari.
"Uy 'te! Kanina ka pa nangingiti dyan. Hindi ka parin ba makaget-over sa nangyari sa inyo ni Errolle?" Panuksong saad ni Gab na syang naging dahilan para mabalik ako sa katawang lupa ko.

BINABASA MO ANG
Hey! You?! I LOVE You
HumorHey! You?! I LOVE You. What if sabihan ka ng mga katagang yan?Nino? Edi Nang lalaking crush mo ngunit kinaiinisan mo! What would make you feel? What will be your reaction? What should you do? Are you going to say. TOO? Or? You must ignored that...