Maureen
Hindi ko alam kung ikatutuwa ko ba ang nabasa ko kanina sa loob ng notebook na 'to.
'Yung mga litrato. . .
'Yung mga salita. . .
'Yung mga ngiti at saya nila.
Nakakagulo sila sa utak ko na tipong. . .
Kung dapat na ba akong magdiwang dahil sa mga nakita ko kasi sa totoo lang talaga, nagpapatunay ito sa mga salitang nabasa ko. At higit sa lahat . . . kung dapat na ba akong magsaya at huwag ng mamroblema sa mga nalaman ko patungkol sa sarili ko.
Naramdaman ko ang pag-alpas ng luha sa pisngi ko mula sa mga mata ko. Ngumiti ako ng mapait at tumawa na parang baliw.
Dati, lagi kong binubulong na sana, 'Anak mayaman na lang ako' pero ngayong araw na 'to, natupad sya. Pero . . . bakit hindi ako masaya. Hindi akoo masaya!!!!
Wala akong nararamdaman kahit katiting na saya e. Ang totoo, feeling ko nasa dream land lang ako. tipong pangarap na mawawala rin pagkamulat na pagkamulat ko. Pero hindi kasi, totoo talaga ito dahil mulat na mulat ako oh?!
Nakatulala rito sa pesteng notebook na ito at halos walang emosyon.
Unti unti kong nararamdaman ang galit sa puso ko sa pamamgitan ng unti unting pag-sara ng kamao ko. Ang sarap punit ng notebook na ito ngunit hindi ko magawa. Hindi sya dapat mawala dahil nag-iisa lamang ito na ebidensya sa pagkatao ko.
Nakakagagong buhay 'to noh? Nakakagago lang isipin. Nangangarap akong maging mayaman noon pero simula't sapul, hindi na pala ako dapat nangangarap dahil mayaman naman ako. Dahil sa totoo lang naman, mayaman na ako nang ipanganak ako. Pinagkaitan nga lang ako ng peste kong tunay na Ina maramdaman ang buhay na dapat ay akin.
BINABASA MO ANG
Hey! You?! I LOVE You
UmorismoHey! You?! I LOVE You. What if sabihan ka ng mga katagang yan?Nino? Edi Nang lalaking crush mo ngunit kinaiinisan mo! What would make you feel? What will be your reaction? What should you do? Are you going to say. TOO? Or? You must ignored that...