Hey!? You! ILY XXX

275 8 2
                                    

Maureen's Point of View


Mga ilang minuto lang nagtagal si Rid. To be specific, siguro for about 9-10 mins.



At the whole time? walang nagsasalita sa'min. Ako, nakahiga at nakapikit lang sa kama. Sya, nakatanaw sa labas ng bintana habang may malalim na iniisip.



Gustuhin ko man mag open ng topic kanina pero parang may kung anong nakabara sa lalamunan ko. Alam mo 'yun. Ang daldal ng isipan mo, 'tas 'yung dila mo parang nawawala. And there's a fact, I got a fear. Takot na baka pagnagsalita ako mareject nya lang ako.



Ayun ang ayokong mangyari, ma reject ako ni Rid.


"Okay ka na?"


"Okay na po ako Ms. Konting pahinga na lang po ito."


Tinanguan nya lang ako. Pagkaalis ni Rid, saktong dumating si Ms. para lang sabihin na ma di-discharge na ko. Kasunod nyang pumasok sa room ko ang Doctor at may kung ano-anong sinabi kay Ms. na syang hindi ko maintindihan. Basta, tahimik ko lang sila na pinapanuod. Bago pa umalis ang Doctor, sinabihan nya ko.


Sabi ng doctor, hindi naman masama ang pagbagsak ko and it's thanks to God dahil walang na dislocate sa katawan ko kaya wala akong dapat ikatakot or ipag-alala.



"Tara na, Maureen. Bukas gaganapin ang Mountain Hiking."


Ngumiti na lang ako kay Ms. Sinukbit ko ang shoulder bag ko sa kanang balikat ko at sinundan na sya sa paglalakad papalabas ng room.




===

Dave's Point of View.


Mali ba ako? Mali bang hindi ko kinausap kanina si Maureen? Mali na basta basta na lang akong naging cold? Simple lang naman kasi ang gusto ko. Sana damayan nya rin ako nang gaya kay Errolle. Mali ba ako sa bagay na 'yun? Sana tratuhin rin ako ni Maureen gaya ng kay Errolle kapag may problema ito? Mali ba ako sa bagay na 'yun?


Nagpacold ako dahil umaasa akong dadamayan rin nya ako dahil nararamdaman nyang may pinagdaraanan ako, pero bakit wala syang ginawa? Bakit mas pinili nyang mahiga at pumikit? Bakit mas pinili nyang manahimik na lang at hayaan ako na solohin ang dalahin ko?



Kaibigan nya ako diba? Kaibigan lang nya ako... Oo nga pala nakalimutan ko. E si Errolle? May iba syang nararamdaman kaya handa syang damayan ito. Pero wala naman kaming pagkakaiba diba?

Hey! You?! I LOVE YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon