Hey!? You! ILY XXXVI

146 4 3
                                    

@NhieKhonTrainStory

"Stop!" Sigaw na sabi ni Rid pagkatungtong namin sa floor ng room ni Sam.

"Bakit pa kailangang huminto?" Kunot noo kong tanong sa kanya. Naka-stretch out ang kanang kamay nya sa harapan ko. Hinaharangan nya ako gamit ito at para bang nagsisilbing linya sa pagitan namin dahil halos pantay na pantay kami sa isa't isa.

"Para fair ano kaba. This is the real game. Paunahan makarating sa room ni Sam. Kung sino man ang mauna, sa kanya nang buong oras si Sam."

Napairap ako.  Lagi ko namang kasama si Sam kaya wala akong paki kung matalo ako. Bahala syang kagatin ang sarili nyang kabaliwan.

"Ano, Maureen? Game ka naba?"

Ngumiti na lang ako ng pang-inis at inirapan sya. "Game na game!" Sigaw ko. Ngumiti si Rid at tumingin sa hallway.  "Okay. Magbibilang na ako." Nakangisi nyang  nyang sabi habang nasa hallway ang mga mata. "For the count of one.... two... threee!" Pagkabitaw nya ng three, tumakbo agad sya. Tumakbo rin ako pero mabagal lang dahil pinapanuod ko sya.

Para syang ewan!

"Bilisan mo Maureen. Matatalo ka!"

Sigaw nya. Napagalitan naman sya ng Nurse na dumaan sa gilid nya pero dinaan nya lang sa pagpapacute kaya napailing na lang ang Nurse. Nagtuloy tuloy sa pagtakbo si Rid habang tumatawa na parang baliw.

"Mga kabataan talaga." Rinig kong sabi nung Nurse pagkadaan ko sa kanya.

Hindi ko maiwasan ang mapangiti dahil sa natatanaw ko mula kay Rid.

Masaya ako. Masayang masaya ako sa tuwing sya ang kasama ko.

Napangiti na lang ako at binilisan ko na ang pagtakbo dahil lumiliit na ang bulto ni Rid.

Nakarating ako sa room ni Sam na hingal na hingal.

Gash! Kailan ba ko huling tumakbo? Grabe! Halos kapusin na ako sa oxygen e.

Napahawak ako sa tuhod ko habang hinahabol ko ang hininga ko.

"Paano ba 'yan? Dahil talo ka it means, ako na nanalo." Mayabang na bulalas ni Rid.

Napaangat ako ng tingin at tinignan ko sya ng matalim. "Malamang! Talo ako kaya ibigsahin ay panalo ka. Tanga lang?" Hindi ko na iwasan ang irapan sya at maging sarkastiko ang tono.

Nailing na lang ako habang nakasandal sya sa pader na katapat lang ng pintuan ng roon ni Sam.

Napaupo ako sa sahig at sumandal ako sa room ni Sam na katabi lang ng pinto.

"Bakit hindi ka pa pumasok?"

Hay! Salamat at nababawi ko na ang tamang paghinga ko. Ho! Nawalan ako ng maraming oxygen roon ha?!

Na itaas ni Rid ang kanang paa nya at isinandal nya ito sa pader. Tumingin sya sa loob ng room ni Sam. "May nauna kasi sa'kin kaya hindi rin ako ang panalo." Bigla syang tumingin sa'kin at nginitian ako.

I just rolled my eyes. "Sino?" Kunot noo kong tanong.

Hindi kaya si Gab?

Hinintay ko ang sagot ni Rid pero ang ginawa lang nya is umalis sa kinatatayuan nya at pumunta sakin. He offered me his right hand.

"Tignan mo. Matutuwa ka ata?" Inabot ko ang kamay nya at tumawa.

Sira rin sya e noh. Pasuspense pa sya. Baka si Gab nga lang talaga 'yan. Psh! Sakyan ko na nga lang ang laro ni Rid.

Pagkatayo ko, inalis ko agad ang kamay ko sa kanya at tsaka pinagpagan ang pwetan ko. Inis akong sumilip sa pinto ng room ni Sam.

Nawala ang pagkainis ko sa trip ni Rid. Napalitan naman ito ng pagkairita at sakit.

Ano bang ginagawa ng babaeng 'to rito? Ano rin kayang sumapi sa kanya para na isip ang dalawin ang munti nyang anak?

May naramdaman akong kamay na hinihimas ang balikat ko. "Ayos ka lang ba, Maureen? Bakit nanggigigil ka dyan?"

Napapikit ako sandali at tsaka hinarap si Rid. "Ayos naman ako..." Napatingin ako sa kamay ko. Bakit close fist sila at halos nanggigigil.

Maureen! Anong nangyayari sa'yo? Huwag mong sabihin na apektado ka parin sa mga nalaman mo?

"Ahm... Rid. Cr lang ako." Hindi ko na sya hinintay pang sumagot. Basta ko na lang syang iniwan roon at nagtungo na sa restroom.

Ayoko syang makita. Ayoko sa presence ng nanay ni Sam. Ayokong makita ang pagmumukha nyang nakakabanas dahil sa kagandahan. Ayoko sa boses nyang nakakasakit ng eardrum. Ayoko sa kanya bilang magulangAYOKO!! Ayoko dahil wala syang kwenta at pabaya sya!!!

Saktong walang tao sa Cr. kaya dumiretso agad ako sa harapan ng salamin at binuksan ang gripo. Hinayaan kong damhin ng palad ko ang lamig at nakakarefresh na tubig. Pinagmasdan ko ang itsura ko habang patuloy lang sa pagsalo ang palad ko. Ilang sandali lang ng  binasa ko na ang mukha ko.

Pagangat ko ng tingin ko sa salamin, nakita ko ang pagsalubong ng kilay ko at unti unting pamumula ng mata.

Naalala ko ang mga nangyari sa Laguna. Nakakainit ng dugo!

----

Hey! You?! I LOVE YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon