Chapter 51
Jealous
Nag commute lang kami. Naisipan nila para raw sa kakaibang experience. Well, hindi na ako tumutol pa roon. Mas maganda naman kasi ang sumakay sa public vehicle kaysa sa de-aircon.
Inis at iritado si Errolle kay Gab dahil madalas itong katabi ko sa jeep. Hindi sya makatabi sa akin dahil gumagawa ng paraan si Gab para hindi kami magkalapit masyado.
"Hoy!" Binangga ako ni Gab gamit ang balakang nya habang naglalakad kami patungo sa isang kainan.
"Uh?" Walang gana akong tumingin sa kanya.
"Hindi sa malaking epal ako ha? Pansin mo na hindi ko pinapatabi si Errolle sa'yo diba!" Hindi sya nagtatanong. Sinasabi nya lang na tama talaga ang konklusyon ko.
Napairap na lang ako habang nakangiti samantalang tinatawanan nya ako sa naging reaksyon ko.
Nasa unahan namin ang dalawang lalaki. Masyadong malayo ang distansya nila kaya tiyak kong hindi nila kami dinig.
Napadako ang tingin ko sa likod ni Errolle at tsaka nagsalita. "Hindi lang naman ako noh. Atsaka, okay na rin yun ganon. Ayoko pang magkalapit kami masyado."
Tinulak tulak nya ako. "Aysus! Pa-trying hard effect pa ang lola ko. If I know naman... gusto mo siyang katabi!"
Mabilis kong tinakpan ang bibig nya. "Pwede ba?! Lumakalas na ang boses mo, Gab!"
Mabilis niyang inialis ang kamay ko. "Pwe! Ano naman... hahaha! But in fairness... iyang si Errolle. Grabe na ang pagsuklam sa'kin."
Hindi ko naiwasan ang pagtawa bilang pagsang-ayon sa kanya. "Teka... bakit ba kasi ayaw mong magtabi kami?"
"Eh kasi naman..." dinig ko medyo tensyunado nyang boses. Napalingon ako sa kanya ng nagtataka. "Ayaw kong makatabi si D-dave.." Nakayuko sya at may naglalarong ngiti sa labi. Kumiskislap ang kanyang bilugang mata. May kung ano syang sinabi pero tanging pangalan lang ni Rid ang narinig ko.
Binalewala ko na lamang ulit iyon at muling nagsalita.
Baka mali lang ako ng dinig.
"Bakit nga, Gab?" Kuryoso kong tanong at sinulyapan si Rid. Pinaglalaruan nya nag daliri nya. Uulitin nya pa kaya ang sinabi nya? HIndi ko masyadong narinig.
"Ayaw mo bang magkasama kami ni Errolle?" Kumunot ang noo ko sa tanong ko at sinulyapan ulit si Rid na ngayon ay nililingon na kami habang nauuna si Errolle papasok sa loob ng restawran.
Medyo kinutubunan ako sa naging asta ni Gab. Umiiling iling sya. "Hindi sa ganon..." Her cheeks ang now pinkish. "Ah basta!" Mabilis siyang nag-angat ng tingin at mabilis na naglakad.
BINABASA MO ANG
Hey! You?! I LOVE You
HumorHey! You?! I LOVE You. What if sabihan ka ng mga katagang yan?Nino? Edi Nang lalaking crush mo ngunit kinaiinisan mo! What would make you feel? What will be your reaction? What should you do? Are you going to say. TOO? Or? You must ignored that...