Hey!? You! ILY XXI

299 10 5
                                    

Maureen's Point of View.

Matagal bago umalis ang bus kaya habang naghihintay kami rito 'yung iba naghaharutan muna, kwentuhan, tawanan, 'yung iba seryoso lang, meron natutulog dahil halata mong hindi nakatulog dahil sa excitement.

Gaya na lang ng katabi ko, simula kanina na pagkakaupo namin hindi na sya nagsasalita or he didn't attempt to give me a one glimpse or  look, nakapikit lang sya habang nakapasak ang earphone sa tenga.

Sila Gab and Rid naman halos nagdadaldalan. Nasa harapan lang namin sila kaya halos naririnig ko ang usapan nila. Feeling close kasi 'tong si Gab kaya ayan! nalimutan na ni Rid na nandito pa ko. Psh! Sakit lang sa damdamin hah!  Sila masayang nagkukwentuhan samantalang ako rito mukhang ewan. 

Ang daya nila!!! Ayaw rin ba nila akong kausapin manlang o isama manlang sa kwentuhan nila?

Nakakainis lang ang fact na 'to e!. Sya [Errollle] ang katabi ko at alam kong nakakatuyo 'yun ng laway mamaya sa byahe. Kahit sabihing bumabalik na naman ang werdong kabog sa dibdib ko sa kanya ayaw ko syang makatabi sa buong byahe dahil una sa lahat, ano naman ang pag-uusapin namin? Ang awkward nga ng nararamdaman ko ngayon kahit pa tulog sya. Paano pa kaya kung gising sya diba? Ikalawa, dahil ayoko na ng ganito sya kalapit sa'kin dahil ayoko nang mauwi sa iba ang kabang 'to.

Ayokong ma in love sa kanya dahil maraming masasagasan, at masasaktan ko lang rin ang sarili ko. Ako ang mas magdudurusa sa huli kapag hinayaan kong mahalin ko sya.

Ako ang higit na magsa-suffer kung mag tetake a risk ako.  

Kung pwede lang umalis ngayon sa kinauupuan ko para simula ng first move sa pag-iiwas sa kanya, gagawin ko 'yun agad agad, kaya  nga lang saan naman ako pupunta? Halos puno na ang bus. . .

Pinikit ko na lang ang mga mata ko. . . ilang minuto lang naramdaman ko na ang pag-andar ng bus.

Sana, habang nasa byahe kami tangayin sana ng hangin ang nanunumbalik ko na namang nararamdaman sa kanya. 

Natatakot kasi talaga ako sa hinaharap. Takot talaga ako kung mauwi sa love ang simpleng paghangang 'to.

"Ready Guys!! Aalis na ang na tayo!"

"Yahooooooooooooooooooo~!"

"Woooooooo~!"

"Excited na ko!!"

At sunod sunod na ang ingay sa loob ng bus. Mas pinili ko na lang ang pumikit at huwag nang makisali pa sa ingay nila. Medyo nakakaramdam na rin kasi ako ng antok. Bitin kasi ang tulog ko kaya naman babawi ako rito sa bus. 

Para pagdating mamaya sa laguna, mamasyal agad ako at i-oo-occupy ko talaga ang isipan ko ng mga bagay bagay. Lalayo rin ako sa kanya hanggat maaari.

Ugh! Wait! Edi ba nga tatanungin ko na si Errolle about sa kung ano ang feelings nya sa'kin?

Ghax! Maloloka ata ako e!

Aiyts! itulog ko na nga muna 'to. Sakit talaga sa bangs ang pag-ibig. Nakakapanot!!

-----

Gab's P.O.V

Ilang minuto na ang lumipas simula ng umandar ang Bus. Itong katabi ko napagod na rin sa kakulitan ko kaya naman natutulog na rin.

Nilingon ko naman sila Maureen and her lovey, guess what? Nakasandal ang ulo nya sa balikat ni Errolle while Errolle's head ay nakasandal naman sa ulo ni Maureen.

Dahil ako si Gab. .  . a very naughty creature. I quickly  took them a picture. "hahaha. . . how lovely they are?"

I mumble through my giggles and I smile wicked. Ang ganda kasi nila tignan, mukha silang bagay na bagay at perfect couple of the year. Alam mo 'yun? ''Yung parang may chemistry talagang namamagitan sa kanila.

Hey! You?! I LOVE YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon