Chapter 50
Third Wheel"Ayoko pang pumasok." Bagot na bagot ang mukha ni Gab habang papasok kami ng aming bldg.
"Hay naku... get over na sa vacation." Natatawa-tawa kong sabi sa kanya.
Magkasabay kami ngayon kasi maykukunin sya kay Anjenette na format para sa term paper na gagawin nila sa isang major subject. Magkakaklase sila sa mga majors samantalang puro minor ko lang kaklase itong si Gab at ganun din si Anjenette.
Nadatnan namin ang iilang tao sa classroom na tamad na tamad rin gaya ni Gab. May mangilan-ngilan na masaya dahil sulit ang bakasyon.
Medyo maingay sa classroom at magulo kaya hindi namin makita sina Anjenette at Antonette. Hinanap sila ng mata namin pero hindi ko makita ultimo strand ng buhok.
"Baka wala pa?" Sagot ko sa tanong ni Gab dahil hindi nya makita ang hinahanap nya.
Nagtungo ako sa assign chair ko at kinuha ang ilang papers na ipapasa. Idodoble check ko lang kung nasagutan ko ba lahat.
"Uy! Maureen... nangiiwan ka." Ani Gab sa nagtatampong tono. Umiling na lang ako at hindi sya binigyan ng pansin. Tumayo lang sya sa gilid ko at patuloy parin sa paglinga sa mga natutumpukan kong nga kaklase.
Hindi matinag. Wala pa yun for sure!
Matapos nung new year kinuha si Sam ng mama nya. Hindi kami umangal dahil lilipad sila papuntang Japan para makapagbonding at ayun din naman ang gusto ni Sammy. Hindi ko alam ang dahilan ng pagalis nila pero nalungkot ako. Mamimiss ko sya kahit pa one month lang sila doon.
Narinig ko na ang boses ni Gab na nakikipag-usap kay Anjenette. Siguro'y kararating lang. Ilang sandali lang ng magpaalam si Gab at siyang dating ng prof.
Back to school. Back to normal ang lahat. Back to normal sa iba pero hindi sa'kin. Kagabi katxt ko si Errolle. Sabay kaming kakain ng lunch later dahil we have a same lunch time at ihahatid nya ako sa bahay. Kinikilig ako sa bagay na yun kaya kahit four hours lang ang tulog ko e feeling ko kumpleto. Kinikilig din ako dahil may nadiskubre ako sa kanya. Sobrang maginoo nya at medyo clingy at iniisip ko na ang swerte ko sa future boyfriend ko. Kahit sa txt masyado siyang casual sakin na para bang natatakot siyang masaktan ako. Limitado ang mga salita nya na sa tingin ko ay ganun talaga siya.
Nakakatuwa. Nakakahigh. Ganito pala talaga ang feeling na may taong gustong makasama ka sa bawat tiyak ng relo. Ganito pala ang feeling na espesyal ka. Daig ko pa nasa ulap.
"Okay. See you next meeting." Umalis ang professor at muling naging palengke ang classroom dahil na naman sa ingay ng mga kaklase ko.
Iniimis ko ang lamesa ko habang may kung anong sinasabi si Antonette sa'kin para sa next naming subject. Partners kami roon at may small report para sa project na binigay nung Christmas break.
BINABASA MO ANG
Hey! You?! I LOVE You
HumorHey! You?! I LOVE You. What if sabihan ka ng mga katagang yan?Nino? Edi Nang lalaking crush mo ngunit kinaiinisan mo! What would make you feel? What will be your reaction? What should you do? Are you going to say. TOO? Or? You must ignored that...