"Chandi baby." Bumaba si Zaki sa sasakyan niya't sinalubong ako ng yakap.
"So, saan mo gusto mag-dinner?"
"Hmm... Uwi na lang tayo sa bahay. Pagluluto kita."
"Ang sweet talaga ng baby ko." Nginitian niya ako. Nakakatunaw mga ngiti ng baby ko.
Lahat nakatingin sa amin. Lahat ng babae nagbubulungan. Alam ko kung anong mga iniisip nila. Mga inggitera.
Nilapit ni Zaki ang mukha niya sa mukha ko, saka niya ako hinalikan.
Lahat nagpalakpakan. Kala mo mga bagong kasal kame. Puro "Ayiiieee" ang naririnig ko sa paligid ko. Feeling ko nasa isang movie kame.
"HOOOOOOYYYYYY! Nananaginip ka na naman ng dilat!"
"Ano ba, Pak!" Sinigawan na naman ako ni Nikko sa tenga. Makalaglag tutuli eh. Pak ang tawagan namen kasi pakners in crime kami.
"Tara na. Umuwi na tayo." Ang epal naman netong si Nikko. Di pa nga tapos training ng baby ko.
"Enjoyin mo muna 'yung magandang tanawin ng mga hot players dito! Pero kung gusto mo ng umuwi, umuwi ka na. Tatapusin ko lang 'to."
"Di ka nadala eh, noh? Natamaan ka na nga sakto sa mukha dati, andito ka paren. Haha!"
*flashback*
"Nikkoooo! Si Zaki! Iiiiiih. Ang galing galing talaga ng baby ko!"
*boogsh!*
Arayy. Ilong ko. Di na nga katangusan mas lalo pang sisirain.
"Hahahahahahaha!" Grabe 'tong mga babaeng 'to. Aaaah. Can I evaporate just for this moment?
"Miss! Miss!" Si Zaki. Papalapit. Oh Em! "Okay ka lang?"
Hinihintay kong iabot niya ang kamay niya saken at itayo ako. Shoot! Mahahawakan ko na ang kamay ni Zaki. Aaaaahhhhh!
"Hi Zakiiiiiiiiiiii!"
"Zakiiiiiii! Oh my god, pa-picture naman ulet."
"Zakiiiiii, pawis na pawis ka na oh. Eto, bimpo ko."
"Zakiiii, nauuhaw ka na! Eto tubig. Inumin mo na. Dali!"
Anak ng! Lalapit na eh! Hahawakan na kamay ko. Umepal pa 'tong mga malalanding 'to. Argh!
"HAHAHAHAHAHAHA! Uy, pak! Tumayo ka na diyan! Spell asa?" Tinawanan pa ko nitong bestfriend ko imbis na tulungan ako.
**********
"May mga umepal lang nun kaya hindi ako natulungan ni Zaki baby noh." Palusot ko sa kahihiyan ko dati.
"Otot mo po! Haha!"
"Ayy! 'Wag mo na ngang ipaalala. Halika na, umuwi na tayo."
Ayaw parin tigilan ni Nikko ang kakatawa. Aysh! Kaasar.
Ang gwapo gwapo niya talaga. Maputing balat. Medyo singkit na mata. Di nga lang katangkaran. Pero pamatay ang ngiti. Matangos na ilong. At syempre, ang kissable lips. Athletic. At... habulin ng babae.
Hayy... Zaizaki Chaise Agosto. Bakit ganyan ka? Bakit ang gwapo gwapo mo? Alam mo, ang selfish mo. Nung nagpaulan ang diyos ng kagwapuhan, sinalo mo lahat. Di ka man lang nagpayong kahit na nung medyo ambon na lang. Ang sarap mong sabuyan ng acido. Para masira na 'yang gwapo mong mukha.

BINABASA MO ANG
One of Your Fans (Completed)
Teen FictionA die hard fan/stalker turned to a friend turned to a... girlfriend!? Wait! Wait! Wait! Pano nangyari 'yun!? Anyare after!? Paturo naman. Baka mag-work din sa crush ko. This story is about a typical college girl, Maria Chandria Madeshka Isabela Ramo...