Uuuuuggggh! Kelan pa naging blue kulay ng kisame namen sa bahay? Blue sheets? Blue pillows? Teka. Lumawak ata kama ko.
Huh! Asan ako? OMZ! Dahan dahan akong sumilip sa loob ng kumot...
Phew! Nakadamit pa naman ako. Ahehe. 'Yung dami't parin na suot ko kagabi. 'Walang labis, walang kulang. Except lang 'yung sapatos ko.
Teka! Asan ba ako!?
Hinanap ko 'yung phone ko. 6am. 'Yung pouch ko? Hinalughog ko 'yung kama. Ay! Nalaglag!
Zaki? Andito si Zaki. Sa ibaba ng kama. Natutulog. Andito ako sakanila!? Shoot! Alam ba 'to ng magulang niya!? Patay. Baka mamaya pag nakita kameng dalawa dito kung ano isipin!
Bumangon na ako. Dinampot ko na 'yung pouch at sapatos ko. Dahan dahan akong pumunta sa may pinto.
Napatingin ako ule kay Zaki. Ang himbing pa ng tulog niya. Lumapit ako sa may table niya. Naghanap ako ng papel at ballpen.
Zaki,
Pasensya na kung paggising mo wala na ako. Baka kasi mamaya hindi alam ng parents mo na andito ako. Baka kung ano pa isipin nila at mapa-trouble ka pa. Thank you, ha! For letting me sleep and stay here. At dahil diyan, i-ttreat kita sa Monday! :)
- Chandi
Iniwan ko 'yung sulat sa ibabaw ng kama niya't dahan dahan na akong lumabas ng kwarto.*********
Lumipas ang mga araw. Linggo. Buwan. Second sem na. At bukas, December na.
Ang bilis. Parang isang-kisap mata ko lang lahat.
Apat na buwan mula ng bumalik na ule si Frank sa France. Apat na buwan na ang nakakalipas. Ano bang mga nangyare pagkatapos nun?
(Chandi and Zaki sa side ^___^ Kyot nila :"))
Mas lalo kameng naging malapit ni Zaki pag-alis ni Frank. Binilin niya ang isa't-isa samen. Madalas magkasabay kameng kumakain ng isaw sa may kanto ng school after training namen. Napapansin na niya ako. Sinasabe niya saken, "Galing mo sa ere kanina ah!" Tuwing tinotoss or nililift ako.
Kinukwentuhan na niya ako. Alam niyo ba broken family din pala sila. This year lang nagkahiwalay Mom and Dad niya. At galit siya sa Dad niya. Tapos ang favorite color niya is blue. Gustong gusto niya pag nilalaro ko tenga niya. Tapos nag-start siya mag-volleyball nung elementary pa siya. Lahat ng kaaway niya inii-spikean niya ng bola sa mukha. Haha. Ang nagturo lang sakanya ay 'yung ate niya na nasa LA na nakadestino ngayon. 'Yung Mom niya ay frustated cook. Nagsimula siyang mag-paint nung grade two siya. Art class nila. Napansin ng teacher niya 'yung gawa niya at sinali siya sa contest. Nanalo naman ng champion agad! Kaya ayun pinagpatuloy na niya. Tapos bukod sa pag-vovolleyball, kasama siya sa dance troupe nila nung highschool. Nag phophotography nga din pala siya. At dahil sa pagka-vain ko, puro mukha ko ang laman ng DSLR niya.
At sila naman ni Frank. Magkababata na talaga sila. Dati kase magkapitbahay sila noong elementary days nila. At hanggang paglaki, inalagaan na nila 'yung friendship nila. Kilalang kilala nila ang isa't-isa. Kaya alam din nila kung papano papasayahin ang isa't-isa.
Oh di ba, medyo madami na akong alam sakanya! 'Yung little museum nga pala niya sa may elementary building, ni-redesign namen. Tinulungan ko siya. Ang lungkot kase ng aura eh.
Kapag weekend o kaya walang pasok o walang magawa. Nag-vivideoke kame sakanila. Kasama Mom niya. Tapos gun painting sa may bakanteng lote ng subdivion nila. O kaya balloon dart painting sa Activity Area ko sa bahay. Tapos pag nanonood kame sa bahay ng cooking or baking shows, tapos natripan namen, gagayahin namen. Pasarapan kame. At ang judge, si Maddy't Mom ni Zaki. At syempre, ako palagi ang panalo! Haha. Tinuruan nga pala niya ako mag-bike. Pero sinukuan ko. Takot akong masugatan. Pachix 'yung binti ko. Tinuturuan niya din akong mag-volleyball. Pero pag-irerecieve ko na 'yung bola, tinatakbuhan ko siya. Hahaha! Kase naman. Takot nga ako! At pag gusto niyang magpahangin, mag-isip isip, may problema, dun mo lang siya matatagpuan sa bubong ng kwarto niya. Naalala ko nga nun eh. Nagpanic 'yung Mom niya. Hinanap saken. Nawawala daw anak niya. Edi hinalughog namen buong bahay. Paglabas ko, pauwi na sana ako, may naaninag ako sa bubong nila. Akala ko magnanakaw. Nagsisisigaw ako papasok ng bahay nila. Pag tingin namen, ayun, siya lang pala.

BINABASA MO ANG
One of Your Fans (Completed)
Teen FictionA die hard fan/stalker turned to a friend turned to a... girlfriend!? Wait! Wait! Wait! Pano nangyari 'yun!? Anyare after!? Paturo naman. Baka mag-work din sa crush ko. This story is about a typical college girl, Maria Chandria Madeshka Isabela Ramo...