Chapter 4

2.7K 62 0
                                    

"Aaaaarrrrrgh!"

"Paaaaaakkkkk! Maawa ka sa braso koooo! Murdered na murdered na! Triple dead na oh!"


Kanina ko pa hinahampas sa braso si Niko. Nakakainis na talaga 'yung Cheska na 'yun. Pag nalaman ko lang talaga kung sino siya!

Ang boring ng araw ngayon. Hindi ko ulit nakita dumaan si Zaki sa Activity Area after lunch. Absent nanaman ata. Nagparecitation ule si Toledo. Buti na lang madaming absent nung nag-absent ako. At buti, hindi ako na-‘Your argument is invalid!’ Hindi kame nagklase sa VB nung lec. Tapos nung lab, nag-Facebook lang kame. Inaabangan ko kung online si Zaki. Kaso hindi nag-OL.

"Pumunta ka na nga dun! Mag-sstretching na ata kayo!" Pinapalayas na ako ni Nikko sa tabi niya.

Bumaba na ako sa bleacher at pumunta na sa side ng mga Pep. Sakto, dumating si Zaki baby! Umikot ako. Dun ako dumaan sa may gilid ng mga volleyball players. Hayy... baby. Why are you so handsome? Nakangiti uli siya. Ang saya niya. Pero palingon lingon siya sa may bleachers. Baby, hinahanap mo ba ako? Andito ako! Nakalampas na ako't lahat lahat. Mas mabagal pa sa pagong 'yung lakad ko, kaso di niya ako napansin.

Andito na ako sa side namen. Start na ng stretching. Segusegundo lingon ako ng lingon kay baby. Mukhang wala 'yung babaeng trainer. Buti naman. 'Yung lalaki lang 'yung andun. Nakangiti parin ako kahit na ansakit sakit sa katawan ng mga pinaggagawa namen. Nakakakilig kase 'yung ngiti ni baby.

Nagtatawag si coach ng mga girls. Bigla niya akong tinawag. Isa daw ako sa i-lilift. Bigla akong pinagpawisan. Oh my. Takot po ako sa height. Hindi ko masabisabi kay coach. Panigurado, pagtatawanan at sesermunan ako. Nagtawag na siya ng mag-lilift saken at spotter.

Pano ba 'to? Shoot. Pinuwesto na niya kame at tinuro kung anong gagawin. Basic lang. Simple lift. Half sabay full. Kinakabahan ako. Ang tatangkad ng mag-lilift saken. Lord, gabayan mo po ako.

Eto na. 1, 2, 3, 4, 5, Bwelo, 6, 7, 8. Half lift. 1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8. Full lift. 1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8. Down. Phew!

Second stunt. Lilipat kame sa may kabilang side. Malapit sa may side ng volleyball players. Makikita ko ng malapitan baby ko. Toss naman daw ang next stunt. Huwaaaaat!? Toss!? Shoot. Ini-explain saken ni coach kung anong gagawin sa ere. Basket toss daw. I-totoss ako tapos i-eextend ko ang arms at legs ko to reach my toes. Ano ba ‘tong pinasok ko? Ahuhuhu.

1, 2, 3, 4, 5, Bwelo, 6, 7, 8. Full lift. 1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8. Toss! Oh my God! Kaluluwa ko! Kaluluwa ko! Kaluluwa ko!

*boogsh!*

Ugh. Braso't likod ko. Andilim. "Miss Aguirre!? Miss Aguirre!?" Ugh. Unti unti kong dinilat ang mata ko. Lahat sila nakabilog saken. Hinanap ko mukha ng baby ko. Wala.

"Miss Aguirre? Are you okay?" Kinakawayan ako ni coach sa mukha. "Hindi mo inayos 'yung stunt mo sa ere, ayan tuloy, mali ang landing mo."

"Paaaaaakkkkkk! Tabi! Tabi!" Pinaghahawi ni Nikko 'yung mga tao na nakabilog saken. "Uy, pak. Letsugas naman. Ang shunga mo talaga kahit kelan eh, noh? Bumangon ka na diyan! Wala ka sa kama mo!"

One of Your Fans (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon