Epilogue

3.3K 69 7
                                    

Aaaand… we’re off.

“Naise, water please.” I get my wet wipes and wipe off my make up. “Thank you.”

“Ma’am, after lunch po may shoot kayo para sa isang TVC.”

“Ready na ‘yung susuotin ko dun?”

“Yes, Ma’am. Eto po ‘yung script.”

“Thank you, Naise.”

Pao and I took our lunch together. I review the script while we’re eating. Ini-scan scan ko lang. Wala naman masyadong sasabihin. I take the newspaper on the table. Today. It’s been a year. Eto ‘yung araw na hinihintay ko. Ngayon ‘yung araw na… babalik ‘yung tunay na kaligayahan ko. 08/08.

“Babe, something’s bothering you?”

I turn to look at him and shook my head.

He took my hands. I just gave him a smile. An assurance smile.

I went to the set kung saan ishoshoot ‘yung TVC. Medyo nadelay kase nagkaroon ng ilang technical problems. Tsaka ‘yung mga extra eh na-late. Oh di ba, winner. Ayan, mas lalo pang nadelay kase sinermunan pa ni direk. Winner na winner.

After the shoot, I headed to the restaurant where a friend and I are having a dinner.

“Hey!” Tumayo siya to give me a peck on my cheeks.

“Hello.”

“I’ve already ordered our food. I hope you don’t mind.”

We take our seats. “It’s okay. Sorry I’m late. Nadelay kase ‘yung shoot.”

“No. It’s alright. I’m just glad nagagawa na naten ule ‘yung mga ganito.” Nginitian niya ako.

“Me too.”

“I miss you, Chandi.”

Hinawakan ko ‘yung kamay niya. “I miss you too, Frank.”

Since Zaki flew to New York, Frank and I got together again. Yes, got together again. Mas couple ata kame kesa sakanilang dalawa ni Welsh eh :) I’m just happy na okay na kame ule. Ang sarap ng ganito. Nang hindi na ako nagsisinungaling sa sarili ko. Nang wala na akong tinatago.

Andito ako ngayon. Kung saan niya sinabeng hintayin ko siya. Kung saan niya sinabeng babalik siya. So I’m not moving. I’ll wait here.

I remember the days na dito ako pupunta pag nalulungkot ako. Aayusin ‘tong Little Museum. Keeping it the way it should be.

Nakausap ko si Maddy at Nikko about sa agreement dati. They choose to end the communication at itago saken si Zaki. Kase, ‘yung agreement na inalok ng Dad ni Zaki kay Maddy eh kasama ang paglayo ko kay Zaki. We badly needed the money, Maddy agreed with it. Hindi ko alam kung makakaramdam ba ako ng galit kay Maddy at Nikko. Kase, tingin ko isa din sila sa tuluyang naglayo sa aken noon kay Zaki. Pero saan na naman hahantong ‘yung galit ko pag pinairal ko? Baka pati sila mawala din saken. I just let it go. Ayoko ng isipin kung ano man ‘yung mga masamang nangyari dati. Basta… bumalik na siya.

Sa loob ng isang taon, sinubukan kong hanapin ‘yung tunay na kaligayahan ko tulad ng sinabe niya. I just ended up asking myself, ano ba ‘tong ginagawa ko? Pasaan ba ‘to hahantong kung alam ko naman talaga kung ano ang tunay na kaligayahan ko?

One of Your Fans (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon