"Bonjour, Mademoiselle Bargeron!" Binati si Frank nung isang lalaki.
"Bonjour, Alvin!" Binati niya din ng nakangiti 'yung Alvin.
"Asseyez-vous, Madame." Ginuide kame nung Alvin sa may mesa at pinaupo. Inabutan ng menu.
"Prenez votre temps. Je reviens plus tard, Madame." Sabi nung Alvin pagkaabot ng menu samen.
Ano daw? Wala akong naintindihan.
"Ano daw, Frank? Dudugo ilong ko dito eh."
"Haha. Take your time in choosing your order. Babalik daw siya mamaya."
"Ah. Teka, asan ba tayo? Pwede namang mag-McDo na lang tayo o kaya Jollibee. Malapit pa sa school."
"Andito tayo sa restaurant ng mga magulang ko."
" Wow. Big time na big time ka pala Frank."
Nginitian niya ule ako. Tinignan ko na 'yung menu. Ano ba 'tong mga nakasulat dito. Pot au feu. Beef na may pagkadamidaming gulay. Coq au vin. Steak au poivre. Ayoko na magbasa.
"Frank... Kung ano order mo, ayun na lang din saken. Hindi ko naman alam 'tong mga 'to. Hindi ko pa mabasabasa."
"Sure."
Bumalik na si Alvin.
"Deux Chicken Bouillabaise, Alvin."
"Bien, Madame. Tout de suite."
At nag-usap na naman sila ng French.
"So, anong year mo na pala, Chandi?"
"Second year. BSIT. Ikaw?"
"I graduated last last year. Thomasian. Sports Science kinuha ko."
"Nako. Athletic ka pala."
"Yes. Ikaw, anong sports mo?"
"Matulog! Nako, expert ako diyan."
"Haha. Nakakatuwa ka talaga. Last year, I went to London to study Fashion and Design. Passion ko kasi 'yun. Gusto ko pang ma-excel."
Iba talaga pag mayaman. "Buti ka pa papunta punta na lang sa ibang bansa para mag-aral. Eh kame, kailangan pa nameng makapagtapos, makahanap ng trabaho at mag-ipon para lang makapunta ng ibang bansa."
"Maswerte lang ako kasi ganun ang mother ko. Nag-aral, nakapagtapos, nagtrabaho, nag-ipon at pumunta ng ibang bansa. At dun niya nakilala ang Dad ko."
"Talaga? Wow."
"Ang family mo. Magkwento ka naman tungkol sakanila."
"Masaya naman kame ng Maddy ko. Kame may-ari nung apartment building na tinitirahan namen ngayon. Pinapaupahan din namen 'yun.”
"Maddy? Who is she?"
"Mommy and Daddy at the same time."
"Oh. I see. Where's your Dad?"
"Hindi ko alam. Pinabili lang ng nanay ko ng patis. Nangapitbahay na pala. Masyadong nasarapan sa ulam nila, hindi na bumalik."
"Seriously?"
"Haha. Oo. May ibang pamilya na Dad ko. Pero biro lang 'yung pinabili ng patis ah."
Dumating na ‘yung Alvin at nilapag na 'yung inorder ni Frank. Hmm... Bango. Mukhang masarap. Sinimulan na nameng kumain. The best to ah. Sarap!

BINABASA MO ANG
One of Your Fans (Completed)
Teen FictionA die hard fan/stalker turned to a friend turned to a... girlfriend!? Wait! Wait! Wait! Pano nangyari 'yun!? Anyare after!? Paturo naman. Baka mag-work din sa crush ko. This story is about a typical college girl, Maria Chandria Madeshka Isabela Ramo...