"Chandria! Bat di ka pa bumabangon diyan, mag-ayos ka na!" Ang ingay ni Maddy. Sinisigawan ako.
"Hindi po ako sasama!" Ngayong gabi na kase 'yung Varsity Ball.
"Anong hindi sasama?"
"Ano po bang ibig sabihin nun, Ma? Syempre hindi pupunta."
"Bumangon ka na diyan. Sayang naman 'tong pinadalang gown ni Frank. Nag-abala pa 'yung tao tas di ka naman pupunta."
"Ha!? Anong gown?"
Pumasok si Maddy sa loob ng kwarto ko. May dala dalang box na malaki. "Maligo ka na. Baka gusto mo ako pa ang magpaligo sayo."
Bumangon ako't tinignan 'yung gown. Walang wala parin naman ako kay Frank kahit suotin ko ang ganitong kaganda't mamahalin na gown.
"Aba bilisan mo na, Chandria!"
Sasama ba ako? Hm...
"CHANDRIA!"
"Opo! Eto na po!" Sabe ko nga pupunta na eh.
**********
Nag-taxi na ako. Sa The House Resort and Hotel gaganapin 'yung ball. Makikita ko na naman si Zaki. Makakalimutan ko na naman lahat. Lahat ng sakit. Lahat ng sinabe ni Nikko. Hanggang kelan ako ganito? Hanggang kelan ako... magiging tanga?
Red carpet. Medyo madami dami na ang tao. Si Frank. Si Zaki. Magkasama sila. Inaayos ni Frank 'yung necktie ni Zaki.
Hinanap ko 'yung mga ka-pep ko. Ayokong lumapit sakanila.
"Uy, Cha! Ganda naman!" Puri ng ka-pep ko.
Ang dami nilang kumakausap saken. Pero ayoko silang intindihin. Andame nilang sinasabe. Pero ayoko silang pakinggan. Minamagnet ng bwisit kong mata na tumingin kila Zaki.
Magandang hubog ng katawan. Makinis na balat. Maala-manikang ganda. Porselanang balat. Makinang at malambot na buhok. Light brown eyes. Pointed nose. Red lips. Rosy cheeks. Lahat 'yan wala ako. At lahat 'yan ang meron kay Frank. Perpekto na kung titignan mo. Walang babaeng hindi maiinggit sakanya. At walang lalakeng hindi mahuhulog sakanya.
Shoot. Nakita ako ni Zaki na nakatingin sakanila. Lumapit sila.
"Cha, andito ka na pala. Hindi mo man lang kame nilapitan." Sabe ni Zaki pagkalapit saken.
"Oo nga, kanina ka pa hinahanap nitong bestie ko." Sabay akbay ni Frank kay Zaki.
Nagseselos ako. Masakit. Bakit ba lumapit pa kayo? Dun na nga kayo! Sinasaktan niyo lang ako. Tatanggapin ko. Pero hindi ko pa kaya ngayon. Pero kakayanin ko. Tatanggapin kong basura lang ako. Tatanggapin kong I'm just one of your fans. Na wala akong papel sa buhay mo. Pero please, tama na. Gusto ko ng itigil. Kase sobra na. Sobra na akong nasasaktan. Kinakausap nila ako. Pero wala akong naririnig. Ayokong makinig. Ayoko ng madagdagan pa 'yung sakit na nararamdaman ko ngayon. Tama na 'to.
"Cha! Uy, okay ka lang?" Tanong ni Zaki.
Binunggo ko siya't tumakbo pa labas. Nagsimula na namang tumulo ang mga luha ko. Etong damit na suot ko. Binihisan ako ng taong tinuturing kong kaagaw. Ng taong kinaiinggitan ko. Gustong gusto kong punitin itong damit na suot ko. Gusto kong hubarin.
"Chandi! Teka lang. Baket ba?" Hinabol ako palabas ni Zaki.
"Masakit na kase, Zaki. Ang sakit sakit na!"
"Cha, hindi kita maintindihan."
"Masakit kase... patuloy kong pinipilit ang sarili ko sayo. Masakit kase... hindi mo ko makita. Masakit kase... pagod na pagod na ko. Masakit kase... nung nahulog ako, walang sumalo saken. Nasasaktan ako pag nakikita ko kayong dalawa. Masakit kase... mahal na mahal kita."
"Cha..."
"Akala ko kuntento na akong kilala mo na ako. Na nakakausap kita. Nakakasama. Nakakakwentuhan. Nakakakulitan. Akala ko okay na eh. Kase, ayun yung alam kong kahit kelan hindi mangyayari. Kasi date tinitignan lang kita. Dati inaabangan lang kita. Dati masaya na akong nagbabasa lang ng posts mo online. Masaya na akong makita mga pictures mo. Masaya na akong makasalubong ka. Sa mga simpleng bagay na 'yun, nabubuo mo na araw ko. Pero ngayon nasasaktan ako, kase bakit ba hinayaan ko ang sarili kong pangarapin ka! Bakit ba patuloy kong ipinipilit ang sarili ko sayo! Bakit ba hindi na lang ako nakuntentong patingin tingin na lang sayo! Bakit ba hinayaan ko ang sarili ko, ngayon umaasa tuloy akong mamahalin mo din ako."
"Chandi..."
"Kapag tinanong ba kita kung mahal mo ako, masasagot mo?"
" ... "Nakatitig lang siya saken.
"Ugh. Forget about it. Hindi mo naman kailangang sagutin eh. Kahit di ka magsalita, alam ko ang sagot mo."
"I'm sorry, Cha."
"No. You don't need to feel sorry. It's all my fault. Masyado kase akong nag-assume. Ang tanga tanga ko kase."
Inilingan ko na lang siya. Saka ako tumalikod at sumakay na ng bus. Hindi ko mapigilan sarili ko. Patuloy na umaagos ang luha ko. Nakakahiya. Nakatingin na ata saken lahat ng tao dito. Stangding ovation pa naman.
Ang sakit sakit ng nararamdaman ko ngayon. Ang bigat ng puso ko. Pwede bang i-fast forward na lang mga mangyayari ngayon at mga susunod pa? Pwede bang paki-play na 'yung part na wala na 'tong nararamdaman ko? Hindi ko inaasahan na aabot sa ganito. Sana pala noon palang nagising na ako sa katotohanan. Bakit kase ang tanga ko pagdating sayo, Zaki?
May lalakeng nag-offer saken ng seat. Umupo ako. Kanina pa ko hikbi ng hikbi. Parang sirang gripo 'tong mata ko.
"Nagmahal ka, noh?" Biglang nagsalita 'yung babaeng katabi ko. Tignan ko siya. Pero inalis ko din agad 'yung tingin ko. Nakakahiya 'yung mata ko. "Dapat, bago mo pinasok 'yan, inalam mo muna 'yung mga consequences. Walang masamang umasa. Walang masamang magmahal. Pero dapat, alam mong pigilan ang sarili mo't alam mo ang limitasyon mo."
Napalingon ako ule sakanya. "Pano niyo po alam?"
"I've heard everything. I'm sorry, ija. I didn't intend to eavesdrop. Pero kase nasa likod ko lang kayo kanina."
"Nasobrahan po kase."
"Bakit kase namimigay ka ng sobra? Ayan tuloy, nalugi ka. Sumobra. Nasayang. Eh kung itinabi mo muna 'yung sobra, at hintaying ibigay sa tamang taong hindi mag-aaksaya at tatanggapin ng buo ang binigay mo, edi sana hindi nasayang."
Napatitig ako sakanya. "Ano po bang dapat kong gawin?"
"LMFFH. Let go. Move on. Forgive. Forget. Choose happiness. Madaling sabihin. Pero alam kong mahirap gawin. Pero kung gugustuhin mo naman, kakayanin mo eh. Let go 'yung mga pinanghahawakan mong hopes na mamahalin ka niya. Move on sa mga in-assume mong pinapakilig ka niya. Forgive dahil ang pusong punong puno ng galit, kahit kelan hindi makakaramdam ng tunay na pagmamahal muli. Forget the feelings and the bad times. Ang plastik man at imposibleng gawin, at least try to act like you've forgot. Kase, hindi ka makakaalis sa stage na sobra sobra kang nasasaktan hangga't patuloy mong aalalahanin ang nakaraan. Choose happiness. Choose to be with the people whom you know truly loves you."
Patuloy na bumagsak ang mga luha ko. Niyakap ko siya. I just need someone to hug right know. Naiinis ako sa sarili ko. Do I really deserve to feel this aching?

BINABASA MO ANG
One of Your Fans (Completed)
Teen FictionA die hard fan/stalker turned to a friend turned to a... girlfriend!? Wait! Wait! Wait! Pano nangyari 'yun!? Anyare after!? Paturo naman. Baka mag-work din sa crush ko. This story is about a typical college girl, Maria Chandria Madeshka Isabela Ramo...